Episode 16: Pagsalakay
SOJU POV
"Maghanda na tayo, sasalakayin tayo ng mga demon fox," ang wika ni Yoga sa kanyang mga kasama.
Tumingin lang sila dito at saka natawa, "pare, ano bang sinasabi mo? Si kapitan Piyo lamang ang maaaring magbigay sa atin ng command pagdating sa paghahanda sa pakikipaglaban."
"Pero wala na tayong oras, tawagin niyo yung ibang mga hunter, pamamahamak tayong lahat," ang dagdag pa ni Yoga sabay lapit sa himpilan ng iba pero hindi siya pinakinggan ng mga ito kaya naman pinigil na siya at hinila ni Wei, "pare, wag naman ganyan, masyado kang maingay e. Ano bang sinasabi mong sasalakayin tayo?" tanong nito.
"Tama yung narinig mo, sasalakayin tayo ng mga demon fox ngayon, sabihin mo sa kanila na maghanda," ang sagot ni Yoga sa kanya.
Natawa si Wei. "Pre naman, walang sumasalakay ng ganitong oras. Saka masyadong tahimik ang gabi, hayaan mo na silang magpahinga. Sino ba ang may sabi niyan? Baka naman nananaginip ka lang?" tanong nito.
"Si Soju ang nagsabi sa akin, ramdam niya na sasalakay ang mga kalaban ngayong gabi."
"Pre, mabuti pa ay pagpahingahin mo na lang muna si Soju, at nagkaroon siya sa face to face encounter ka kanina sa demon fox kaya alam kong natrauma pa siya. Magagalit yung ibang kapitan kapag ipinagpatuloy mo ang pag iingay," ang tugon ni Wei ako naman ay nakatahimik lang at nakatingin sa kalayuan ng bundok pinakikiramdaman kong mabuti kung kumikilos ang mga kalaban patungo dito.
"Wei, hindi ka ba naniniwala sa akin?" tanong ni Yoga sa kanya.
"Pare, naniniwala ako pero pwedeng relax lang muna?"
"Kung naniniwala ka sa akin ay hawakan mo ito, dahil kakailanganin mo iyan para ipagtanggol ang iyong sarili," ang seryosong tugon ni Yoga sabay abot ng itak sa kamay ng kaibigan.
"BAKIT AYAW NIYO KUMILOS! HINDI AKO NAGBIBIRO! MAY SASALAKAY SA ATIN DITO! GUMISING KAYO!" ang sigaw ni Yoga dahilan para takpan ni Wei ang kanyang bibig.
"Shhhh, pare ano ba, tama na, hayaan mong magpahinga yung iba. Ilang araw silang nakatoka, kailangan nila ng pahinga," ang pagpigil ni Wei habang hinihila ito pabalik sa tabi ng bakod.
"Ano bang ingay iyan? Bakit nambubulahaw kayo? Hindi niyo ba alam na pagod yung ibang mga hunter?" ang tanong ni Hamon, lumabas ito at lumapit sa amin.
"Hamon, kapitan may nagbabadyang panganib sa atin dito. Sasalakay ang mga demon fox at malalagay tayo sa alanganin lahat. Gisingin mo yung mga tauhan mo at maghanda tayo," ang wika ni Yoga pero hindi pa ito tapos magsalita ay bigla siyang sinapak ni Hamon.
PLAK!
Natumba si Yoga, "Eh sino ka ba? Baliw ka ba? Hindi ba't isa ka doon sa mga mahihinang hunter na tinangay ng mga Demon Bat? Paano kami maniniwala sa iyo? Saka igalang mo yung mga kasamahan mong nagpapahinga dahil ilang araw silang nagpapatrolya! Kung ano anong pinagsasasabi mo! Baliw! Naalog na nga ang utak mo!" ang singhal nito.
Lumapit na rin si Piyo, "Wei, ibalik mo na si Yoga doon sa inyong pwesto. Pasensiya na Hamon, maaari ka na bumalik sa iyong pagpapahinga," ang mahinahong wika nito.
"Tara na pare, hayaan mo na," ang pagpigil ni Wei kay Yoga dahil manlalaban ito. Pero mas makabubuting ilayo na lamang siya para walang gusot.
Kung sabagay, sino ba naman ang maniniwala sa akin e maaliwalas at tahimik ang gabi. Sino rin ang maniniwala kay Yoga, sadyang mababa ang tingin sa kanya ng mga kasamahan. Gayon pa man ay sigurado ako na may parating at nararamdaman ko ang kanilang tahimik na pagkilos. "Pasensiya na pero walang naniwala sa akin," ang wika ni Yoga noong tumabi sa akin.
BINABASA MO ANG
Water Snake: THE LEGEND OF THE DEEP
FantasyAng kwentong Water Snake: Legend of the deep ay iikot sa bidang tauhan na si Soju, siya ay 2000 years old demon sa lahi ng mga tubig ahas o water snake na nakatira sa pinaka kailaliman ng karagatan. Ang kanilang lahi ay bihira lamang kaya naman itin...