Episode 10: Pagtatagpo
SOJU POV
"Ano buhay pa ba?" tanong ni Ringo noong ihiga namin ang lalaki sa karatig isla. Wala itong malay kaya naman idinikit ko ang aking labi sa kanyang labi para muli itong bigyan ng hangin. "Hoy ahas, nakakailan halik ka na ha," ang hirit ng kaibigan ko habang pitik sa aking tainga.
"Wag ka ngang magulo, marami siyang nainom na tubig kaya kailangan niya itong ilabas. Buti na lang malakas ang katawan niya kundi ay baka natuluyan na to," ang sagot ko naman.
"Lagi namang natutuluyan yan e, lagi mo lang inililigtas kaya hanggang ngayon ay buhay pa rin siya. Pero tingnan mo nga naman, ang gwapo niya, ang pula ng labi, ang tangos ng ilong, ang ganda ng katawan diba?" sagot rin ni Ringo sabay tingin sa paligid ng pampang ng isla kung saan naroon ang katakot takot na sirena. "Tingnan mo galit na galit sila sa atin. Huwag daw tayo lulusong sa tubig dahil papatayin nila tayo," ang dagdag nito.
"Syempre naman, sila ba itong kuryentehin mo, natural talagang magagalit sila," ang sagot ko naman habang natatawa dahil mga nasunog ang mga buhok ng mga sirena.
"Nag sorry naman ako sa kanila kaso talagang ayaw nila paawat. Pero gayon pa man maswerte naman tayo dahil buhay itong si Pogi," tugon niya ulit sabay tapik sa mukha nito pero pinigilan ko siya.
"Medyo matagal na tayong nawawala doon sa ating isla, baka hanapin na tayo ni Tandang Talyang," mahinang usal ni Ringo.
Napabuntong hininga ako, "hindi ko naman maaaring iwanan ang isang ito dito dahil delikado. At isa pa ay tiyak na iniisip ng mga kaibigan at kasamahan niya na patay na siya," wika ko habang nakatingin sa mukha ng biktima.
Samantala, ipinakita sa senaryo na nakababa na sa barko sina Piyo, Wei at iba pa. Ngayon ay iniisip nga nila na patay na si Yoga dahil kitang kita nila kung paano ito dagitin ng bat demon at mahulog sa lupon ng mga sirena. Ito ang mga bagay na iniyakan ng kaibigan niyang si Wei. Hindi nila akalain na matatapos ang buhay ni Yoga ng ganoon kadali. Samantalang mula s dalawang daang mahigit na hunter ay halos nasa 50 na lamang ang natitira sa kanila at ang iba ay sugatan pa. Mabilis silang nagtatakbo sa pinakamalapit na bayan kung saan agad silang tinulungan ng mga taong nakatira sa under ground upang bigyan ng paunang lunas.
"Ganito na lang Soju, babalik na muna ako sa isla natin, upang mapagtakpan na rin kita kung sakaling hanapin ka ni Tandang Talyang. Babalik na lamang ako agad dito," ang wika ni Ringo.
Tumango ako, "pero paano ka makakauwi? Tingnan mo naman napakaraming sirenang galit sa atin."
"Naku, gusto ba nilang matusta? Tigilan na nga nila ako. O paano dito ka lang at huwag kang gumawa ng bagay na ikapapahamak mo okay?" ang bilin niya sabay lakad pampang. Nagliwanag ang katawan nito at nagkaroon ng kuryente ang kanyang paligid. Lahat ng dumikit na sirena sa kanya ay nangingisay at namamatay. "Sige kakaulit niyo e," ang narinig ko pang hirit nito bago tuluyang sumisid sa ilalim.
Tahimik.
Samantalang ako naman ay gumawa na lang ng mga maliit na silungan. Kumuha ako ng mga dahon at mga sanga upang gawing maliit na dampa. Dito ko inihiga ang biktima at nanghuli na rin ako ng mga isda upang mayroon siyang kainin sa kanyang pag gising. Kaso hindi ko alam ang proseso ng pagluluto nito.
Habang nanghuhuli ako ng isda ay nilapitan ako ng isang maliit na demon turtle at nagtaka ito kung bakit ako nanghuhuli ng isda sa pampang. "Diba isa kang water snake, bakit nanghuhuli ka ng isda? On diet ka bes?" tanong nito sa akin.
"Ikaw pala ginoong pagong, nanghuhuli ako ng isda para sa aking kaibigan," nakangiti kong sagot sabay turo sa kanya.
"Yung mortal na iyon? Kaibigan mo? O baka naman iinibig mo? Saka yang isda lulutuin mo pa iyan. Aalisin mo yung lamang loob at saka mo iihawin."
BINABASA MO ANG
Water Snake: THE LEGEND OF THE DEEP
FantasiaAng kwentong Water Snake: Legend of the deep ay iikot sa bidang tauhan na si Soju, siya ay 2000 years old demon sa lahi ng mga tubig ahas o water snake na nakatira sa pinaka kailaliman ng karagatan. Ang kanilang lahi ay bihira lamang kaya naman itin...