Episode 1: Gidlis

501 21 1
                                    

Water Snake: The Legend of the Deep

AiTenshi

"Ang mga katulad natin ay umaakyat lang sa lupa upang mahal. Ang puso nating mga demonyo ay nakalaan lamang para sa isang tao. Iyon ang dahilan kaya naglakas loob akong umakyat dito sa lupa."

"Yung taong mahal mo, nasaan na siya ngayon? Masaya na ba kayo?" tanong ko habang nakatanaw sa kalayuan.

"May mahal na siyang iba."

"Paano ka? Bakit nandito ka pa? Dapat bumalik ka na doon sa ilalim ng dagat?"

"Ang ating puso ay nakalaan lamang sa iisang tao. Kapag nabigo tayo sa pagmamahal ay mawawalan na rin ng saysay ang lahat. Ang ating ay unti unting namamatay. Siguro ilang araw na lang ang itatagal ko. Wala na ring saysay kung babalik ako doon sa dagat dahil katapusan ko na rin naman. May dalawa akong pamimilian, ang una ay mamatay habang dinadala ang sakit at ang ikalawa ay magpakain sa kapwa ko demonyo upang maging malakas siya. Ano? Kainin mo ako habang buhay pa ako."

Hindi ako kumibo..

Noong mga sandaling iyon ay napatingin ako sa karagatan. Pinagmasdan ko ang kalawakan nito habang aking kamay ay napahawak sa aking dibdib. Sa tuwing tumitibok ang puso ko ay kumikirot ito. Paminsan minsan ay hindi ko kinakaya ang matinding sakit kaya napapahinto ako at napapakapit kung saan. Ganito rin ba ang magiging katapusan ko?

Ang aming puso ay nakalaan lamang sa iisang tao kaya maglalakbay kami ng daang taon para mahanap ang taong iyon. Masaya ang umibig ngunit ito rin ang nakatakdang tumapos sa aming mga buhay.

Iyan ang sumpang pagmamahal ng mga tubig

Episode 1: Gidlis

TRASEA ERA (3000 BC)

"Ito ang panahon na sumibol ang iba't ibang uri ng nilalang sa bawat sulok ng mundo. Ang mga nilalang na ito ay mas kakaiba sa normal na tao, nagtataglay sila ng kakaibang lakas, talino at abilidad na maihahambing sa isang mahusay na mandirigma at kapangyarihan na maihahambing sa isang Diyos. Ang mga nilalang na ito ay tinatawag na "Gidlis" na hango sa salitang "Gid" na ang ibig sabihin ay "nilalang" at "lis" na tumutukoy sa "kapangyarihan." Sa makatuwid ang salitang Gidlis ay ang mga makakapangyarihang nilalang na nakatago sa iba't ibang bahagi ng daigdig.

Ang mga Gidlis ay ang kabuuang katawagan sa mga nilalang na may kakaibang anyo, mga nagtatago sa kabundukan, kakahuyan, sa ilalim ng lupa, sa kalangitan at maging sa pinakailalim ng karagatan. Nagbabago ang kanilang mga anyo, nagiging mga higante o kaya ay nagiging mas maliit pa sa insekto, depende sa kanilang mga uri. Sila ay sadyang mapanganib at ang mga mortal na tao ang kanilang kadalasang binibiktima, kinakain nila ang mga ito o kaya kinagakagat at ginagawa ring katulad nila upang mapalawak ang kanilang mga lahi. Hindi magtatagal ay mauubos ang lahi ng mga mortal at ang mananaig sa mundong ito ay ang mga demonyo ng karimlan, ang mga Gidlis."

"At talagang pinag aaralan ito ng mga mortal?" tanong ko kay Ringo na aking kaibigan habang hawak ko ang isang kalatas at binabasa ito.

"Oo, pwede ba umalis na tayo diba? Baka maya maya may patibong dito sa barkong ito," ang wika nito sabay hila sa akin.

"Ano ka ba? Walang patibong dito. Ang barkong ito ay abandunado na kaya't walang dapat na ipag-alala," ang tugon ko naman habang naghahalungkat pa ng ilang mga kagamitan na maaari kong iuwi sa aming lugar sa ilalim ng dagat.

"Naku, tama na iyan. Alam mo ba kung bakit wala ang mga pirata sa barkong ito?" tanong niya sa akin.

"Eh bakit nga ba?" tanong ko.

Water Snake: THE LEGEND OF THE DEEPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon