Episode 2: Unang Sulyap

269 19 0
                                    

Episode 2: Unang Sulyap

Isang linggo na ang nakakalipas magbuhat noong umuwi si Dengo dito, galing sa lupain ng mga mortal. Sa mga araw na lumipas ay napapansin namin ang pagiging mahina niya. Hanggang sa sumapit ang kabilugan buwan kung saan siya natagpuang walang buhay sa ilalim ng isang malaking puno sa tabi ng talon.

Wala namang sugat sa katawan ni Dengo, wala rin itong malubhang sakit. Pero ang sabi ng matatandang gabay ay mas malala pa daw doon ang sinapit nito. Mga bagay na hindi ko na nagawa pang usisain dahil wala rin naman.

Halos naalala ko pa noon araw at mga sandaling tumabi ako sa kanya at nakipagkwentuhan dito ay nagbalik sa aking isipan ang bawat eskenang iyon at ang kanyang mga katagang habilin sa akin.

"Ayos ka lang ba Dengo?" tanong ko sa kanya noong makita ko itong nakasandal sa isang batuhan ay pinagmamasdan ang pagbagsak ng tubig sa talon.

"Wala akong nakitang talon doon sa itaas," ang sagot niya na malayo sa aking katanungan. Pero agad siyang humarap sa akin at ginusot ang aking buhok. "Kaya ikaw, huwag kang pasaway," ang dagdag pa niya.

"Ikaw kaya itong pasaway, lagi kang umaayat sa pampang kaya nagagalit sa iyo ang matatandang gabay," ang sagot ko sa kanya habang natatawa.

Natawa rin siya at napatingin sa akin pero agad rin niya itong binawi sa akin..

"Ano yung misyon na ginawa mo doon sa lupa? Bakit ka umahon? Ilang buwan ka ring nawala. Ang akala nga namin ay hindi ka makakabalik at hindi ka na namin makikita," ang pang uusisa ko habang kapwa kami nakatanaw sa kalayuan.

"Walang misyon," ang simple niyang sagot.

"Walang misyon? Eh bakit? Para saan at umakyat ka doon?" pagtataka ko na hindi maitago ang pagkalito.

Tumingin siya sa akin ng seryoso at nagwika, "Soju, ang aking pag alis at pag akyat sa lupa ay sarili kong desisyon. Wala itong kinalaman sa misyon ng ating lahi. Alam kong balang araw ay aangat ka rin doon sa lupa at nais ko lang sabihin sa iyo na dapat mong ingat ang iyon puso," ang wika niya sa akin.

Napatingin ako sa aking dibdib at napahawak sa tapat ng aking puso. "Hindi ko maunawaan pero sana ay maging maayos ka na, Dengo."

"Salamat sa iyo. Balang araw, sana ay maging aral sa iyo ang nangyari sa akin. May dahilan kung bakit tayong mga tubig ahas ay hindi umaakyat sa ibabaw ng tubig. Gusto kong matuklasan mo ito sa iyong sariling paraan," ang tugon niya sa akin sabay tapik sa aking balikat.

"Ang hirap naman ng payo mo, pwede bang literal na lang?" ang biro ko naman habang natatawa.

Natawa rin siya at saka inakbayan ako, "sa talino mong iyan, sigurado ako na mauunawaan mo ako agad, Soju."

Iyon ang huling beses na nakita ko ang magandang ngiti ni Dengo. Hanggang ngayon ay itinatanong ko pa rin sa aking sarili kung ano ang dahilan ng kanyang pagkamatay kung ganoon malakas naman ang kaniyang pisikal na katawan, wala siyang malubhang sakit at lalong wala siyang sugat. Noong magkausap kami ay pilit kong binabasa ang kanyang mga kilos o pinapakiramdam kaya pero wala pa rin akong makuhang impormasyon. Ang mga mata ni Dengon ay masyadong maganda at nangungusap palagi kaya nakapagtatago siya emosyon. Hindi katulad sa iba na madaling nabubuko o napaghahalataan.

"Pwede ba iyon? Yung basta mamamatay ka na lang ng walang dahilan?" tanong ko kay Ringo habang umaahon kami sa ibabaw ng tubig.

"Aba e hindi ko alam. Basta ang masasabi ko lang ay sayang ang libong taon ng kanyang buhay. Sayang naging mabuting kuya pa naman siya sa atin," ang sagot ni Ringo.

Noong makaahon agad kaming lumangoy sa abandunadong barko kung saan kami nakakuha ng magagandang kagamitan ng mga mortal. Ngayon ay aakyat ulit kami doon at susubukan naming pasukin ang iba pang silid na hindi namin nabuksan. "Ikaw talaga Soju, baka mapagilitan na tayo nito," ang bulong ni Ringo.

Water Snake: THE LEGEND OF THE DEEPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon