Episode 8: Ang Pulang Kalatas
YOGA POV
Tapos na ang pista ng pasasalamat kaya't kaming mga hunter ay balik na rin sa aming mga misyon. Karaniwan ang misyon ay pinapadala lang sa aming mga dampa. Isa itong kalatas na nakabilot sa tatlong kulay. At ang kulay ay depende sa bigat ng misyon na nais ipagawa sa iyon ng organisasyon ng mga demon hunter.
Una, kung ang kalatas ay nakabilot ng asul ito ay minor mission lamang at karaniwang ginagawa ng dalawa hanggang tatlong hunter lamang.
Ang ikalawa ay ang kulay puting pisi na ang average o katamtaman lamang, karaniwang ginagawa ng mga 5 hanggang 8 miyembro. At ang pinakahuli ay pula na mahirap at komplikado. Karaniwang ginagawa ito ng 10 hanggang kahit ilan na miyembro. Kasama na dito ang pinakamahuhusay na hunter sa isla.
Sa pagkakataong ito ay kulay Pula ang pising nakabalot sa kalatas namin at nakasulat dito ang pangalan ng lugar kung saan naroon ang misyon. Ito ay ang "Isla ng Leren" na nasa pinakadulong bahagi ng mga isla. May kalayuan ito kaya't kailangan pang sumakay ng barko o bangka patungo doon. "Mukhang magkasama tayo sa misyon pare," ang wika ni Wei sabay pakita rin ng kalatas na hawak. Balot rin ito ng pulang pisi.
"Isla ng Leren, nanghihingi sila ng tulong doon," ang wika ni Wei.
"Bakit? Anong mayroon sa isla ng Leren?" tanong ko naman.
"Yung mga itinataboy daw na mga demons ng mga hunters ay doon lumilipad para magtago. Sa makatuwid ay marami na ang mga Gidlis sa lupaing iyon. Hanggang na dumami na ito at nabalot na ng takot ang mga bayan doon. Ang misyon ay linisin ang isla at bawasan ang bilang mga demons doon," ang paliwanag ni Wei.
"Kung ganoon ay kaya nakabalot sa pulang pisi ang kalatas ay dahil maraming hunters ang kailangan para gawin ito," sagot ko naman.
"Tama ka pare, maghanda na tayo," ang pagsang-ayon niya sabay sukbit ng bag na punong puno ng mga sandata.
Ako naman ay napaisip, paano kung mamatay ako sa misyong ito? Paano ko makikita yung taong hinahanap ko? Maililigtas pa kaya niya ako katulad ng dati? Hindi ako mapalagay, pakiwari ko ay mayroon akong takot na nararamdaman hindi katulad noon na wala akong pakialam kahit na mapahamak ako o kung ano pa man ang mangyari.
Bandang tanghali noong mag assemble ang lahat ng hunters. Pagdating namin ni Wei dito ay agad kaming sinalubong ni Piyo. Dito namin napag alaman na kasama siya at ang tatlo pang mahuhusay na hunter na halos kasing ranggo din niya na sina Hamon, Kiyan at Jim pero ang tungkol sa kanila ay ibang kwento na dahil galing sila sa ibang Isla. "Sa akin kayo nakasama kaya paghusayan niyo. Masaya akong makasama ka sa misyong ito Yoga," ang wika nito habang nakangiti.
"Nandito rin pala sina Hamon at iba pa?" tanong ni Wei.
"Oo sila ang mamumuno sa ibang hunters. Nasa 200 tayo kaya ang bawat isa sa amin ay maraming hawak na tao. Seryoso ang misyon sa Leren kaya ganito tayo karami," ang paliwang ni Piyo.
"Mukhang palaban talaga yung isang pinuno na si Kiyan, tingnan mo isang malaking palakol ang hawak samantalang si Jim ay pana at palaso lang," ang dagdag pa ni Wei.
"Ang bawat isa sa mga pinunong iyan ay may katumbas na lakas sa akin. Kaya tiyak na mahuhusay rin sila. Bakit tahimik ka yata Yoga? Natatakot ka ba?" tanong sa akin ni Piyo.
"Hindi ah, naalala ko lang yung dampa ko, baka hindi ko nakandadong mabuti at pasukin na naman ng kung sino sino," ang sagot ko naman.
Natawa si Piyo at tinapik ang aking balikat. "Pagkatapos ng misyong ito ay malaking halaga ang makukuha mo, magpagawa ka ng mas malaking dampa."
BINABASA MO ANG
Water Snake: THE LEGEND OF THE DEEP
FantasyAng kwentong Water Snake: Legend of the deep ay iikot sa bidang tauhan na si Soju, siya ay 2000 years old demon sa lahi ng mga tubig ahas o water snake na nakatira sa pinaka kailaliman ng karagatan. Ang kanilang lahi ay bihira lamang kaya naman itin...