Episode 19: Sandaling Paghihiwalay
SOJU POV
"Katulad ng sinabi nila, pwedeng pumasok sa Islang ito pero hindi na maaaring lumabas. Noong matunugan ng nga Bat Demon na tayo ay lilisan na dito ay hindi sila papayag, sila na mismo ang nagpunta sa atin," ang wika ko habang nakatingala.
"Ano pa bang hinihintay natin? Takbo na!" ang sigaw ni Yoga sabay hila sa akin. "Yung mga nasirang bahay, maaari pang gamitin ang mg ilalim noon!"
"Yung mga bata buhatin niyo! Dito kayo sa underground" ang sigaw naman ni Piyo.
Agad naming inalalayan si Wei dahil hindi pa rin ito makatakbo ng maayos sa pinsalang natamo niya sa mga demon fox kagabi. Kung tutuusin ay kaunti na lamang ang natitira dito sa bahay. Nasa mahigpit kumulang 30 na lamang mga sibilyan, ang mga hunter kabilang sina Yoga, Wei at Piyo ay halos nasa 40 na lamang. Lahat ay nalimas na ng mga Demon Fox kagabi noong sila ay sumalakay. Pwera si Hamon dahil kinain ko siya, naiinis kasi ako sa pagiging swapang at mayabang niya.
"Malapit na sila! Bilisan niyo! Ayoko pang mamatay!" ang sigaw ni Wei.
Malapit na ang mga demon bat, rinig na rinig ang matinding pagaspas ng kanilang mga pakpak. Ang ibang mga hunter ay mabilis na iniangat sa ere at pinag gutay gutay ang mga katawan. "Pasok na!" ang sigaw ni Yoga sabay hataw ng espada sa kalaban palapit sa kanya. Kabila naman ay naroon si Piyo na pinapatay ang mga kalaban sumusugod sa kanilang direksyon. Buo ang loob niyang protektahan ang mga natitirang taong bayan sa pagpasok nito sa lagusan sa ibaba.
"Pasok na Yoga!" ang sigaw ni Wei sabay hila kay Yoga papasok sa butas sa ilalim, agad namin isinara ang pintuan nito ikinandado upang walang makapasok kalaban.
Tahimik.
Hingal na hingal kaming tatlo habang nasa loob.
"Talagang hindi tayo makakaligtas sa dami ng kalaban sa itaas!" ang wika ni Wei habang nakasilip sa maliit na butas sa itaas na pinto.
"Kung mananatili dito ang mg demon bat na iyan ay malabo tayong makaalis ng isla," ang bulong ni Yoga habang nakasilip sa awang pintuan. Maya maya ay nagulat siya noong malampagin ng kalaban ang aming pintuan.
Mula dito sa ilalim kung saan kami na pwersto ay rinig na rinig namina ng isang katerbang mga demon bat na nag iingay sa buong paligid. Ang mga marurupok na pintuan ng iba ay napapasok nila ng madali kaya maririnig mo rin ang sigawan ang mga kawawang biktima. "Nagtakip ng tainga si Wei, "ayokong marinig! Nakakaawa yung ibang mga bata! Pati yung ibang kaibigan nating hunter ay kinakain na rin!" ang tatakot na wika nito at mas lalo siyang nataranta noong masira ang kandado ng aming pintuan kaya si Yoga ay nakipag hilahan sa mga kalaban. Pilit nila itong binubuksan pero pilit ring hinihila ni Yoga pasara!
Malalakas ang kalampag sa itaas, puro pagaspas ang iyong maririnig na parang nag pipiyesta ang mga bat demon. "Wala talaga silang balak umalis hanggang hindi tayo nalilimas," ang bulong ni Yoga.
Madilim ang paligid, habang nagkakagulo ang mga demonyo sa labas ay bigla na lamang may flash na liwanag dito, sunod sunod ito at kasabay noon ang katahimikan, para bang naliparan palayo ang mga bat demon. Para bang may nagtaboy sa kanila na hindi ko lubos maunawaan.
"Ano yung liwanag na iyon?" tanong ni Wei kay Yoga habang nakakapit ito sa pintuan.
"Ewan ko, parang may kumidlat e, parang may dumating para itaboy yung mga halimaw," ang sagot ni Yoga na pilit sinisilip ang kaganapan.
Puro pagaspas palayo ang aming narinig at kasabay noon ang panandaliang katahimikan ng paligid.
Tahimik.
BINABASA MO ANG
Water Snake: THE LEGEND OF THE DEEP
FantasiAng kwentong Water Snake: Legend of the deep ay iikot sa bidang tauhan na si Soju, siya ay 2000 years old demon sa lahi ng mga tubig ahas o water snake na nakatira sa pinaka kailaliman ng karagatan. Ang kanilang lahi ay bihira lamang kaya naman itin...