Prologue

33 2 1
                                    

— Prologue —

"ba't ba tayo nandito?" Tanong ni Mitch.

Nandito kami sa bar ng ex ni Mitch para daw kausapin siya ng lalakeng nanakit ng kanyang puso. Sumama kami dahil gusto lang namin magliwaliw kahit nakakapagod mag-aral.

"Maiwan ko muna kayo" sabi ni Mitch saka tumungo sa bar counter kung saan nandoon ang kanyang ex.

Tumango lang kami at umorder ng maiinom namin. Habang naghihintay kay Mitch ay medyo tumama na sakin yung alak na inorder namin kanina.

Tumayo ako "magbabanyo lang ako" paalam ko sa kanila. Tumango lang sila at saka naglakad na ako papuntang banyo.

Muntik pa akong sumubsob doon sa kabilang mesa na puro lalake ang nakaupo, lakas kasi ng tama ng nainom ko.

Nang makarating na ako sa bukana ng comfort room ay may nakabangga akong lalake.

"Sorry" rinig kong sambit ng lalake.

Umangat ako ng tingin para maaninag ang lalake pero parang nanlabo ang paningin ko kaya kinusot ko iyon at ilang sandali ay nakita ko ang napakagwapo niyang mukha.

"O-okay lang" sabi ko at naglakad na papunta sa girls restroom na pagewang gewang.

"Oops!" Nagulat ako ng may sumalo sakin sa pagkakadapa. Minulat ko ang mga mata at nagtama ang tingin namin ng lalake.

Buti na lang nasalo niya ako sa pagkakatumba at hindi sumubsob ang aking mukha sa sahig ng banyo.

"You okay?" He asked.

Ang gwapo niya talaga!

Tumango ako ngunit nakaramdam ako ng pagduwal kaya imbes na magsabi ako ng thank you ay hindi ko napigilan na maisuka yung nainom ko sa suot ng lalake.

"What the hell?!" Sigaw niya at binitawan ako.

Nagmadali akong lumapit sa lagayan ng tissue para kumuha at ipinahid sa suot niya na may suka ko.

"Sorry, sorry talaga!" Sabi ko habang pinupunasan ang suot niya.

Hinawakan niya ang pulso ko kaya nahinto ko ang pagpunas sa damit niya. "I don't think sorry is enough" he said.

Napatigil ako sa paghinga ng sabihin niya yun "a-anong ibig mong sabihin?" Kinakabahan kong tanong.

Bigla niyang hinubad ang suot na damit pati pantalon. "Here" saka binigay sakin.

Kumunot noo ko "a-anong gagawin ko dito?"

"Labhan mo then balik mo sakin after" sabay kindat niya saka umalis.

Hinabol ko siya "teka! Paano ko naman 'to ibabalik sayo? Eh hindi naman tayo magkakilala" reklamo ko.

Naglakad siya palapit sakin at hinawakan ang pulso ko saka hinatak palabas sa isang exit ng bar.

"teka! Saan mo 'ko dadalhin?!" Sabi ko saka bumitaw sa pagkakahawak niya sa braso ko.

"To my house"

Kumunot ang noo ko "ano naman ang gagawin ko doon?"

Ngumiti siya "doon mo lalabhan ang damit ko na sinukahan mo" saka naglakad na papunta sa kotse niya.

"Ayokong sumama sayo" sabi ko na ikinatigil niya.

"at bakit ayaw mo?" Sabay niyang pinagkrus ang kanyang braso.

"you're a stranger to me"

Natawa siya at inilahad ang kanyang kamay sakin "I'm Gavin Eztedalo, and you are?"

Tinanggap ko naman ang kamay niya "Quinn Morales"

"Oh, what a lovely name. So, let's go?"

Umirap ako sa hangin "may magagawa pa ba ako?" Sabi ko saka sumakay na sa passenger seat.

Tinext ko na rin yung tatlo na uuwi na ako kahit hindi naman. Nagawa ko pang magsinungaling ng dahil lang sa lalakeng 'to.

I Knew I Loved You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon