Jasmine's PoV
Ang aga kong pumasok ngayon sa campus kaya he'to ako sa classroom kasama ang iba ko pang mga kaklase, sampu pa lang kami na nandito.
Napaaga kasi ang gising ko kanina dahil hindi ako makatulog ng maayos, idagdag mo pa yung pinagsasabi ni Gavin sakin kagabi.
Bigla naman tumunog ang phone ko at nakita ang pangalan ni Gavin, nakalagay sa text niya na pumunta daw ako sa garden kaya sinunod ko naman.
Pagkarating ko doon ay nakita ko siyang nakatayo halatang hinihintay ako. Naglakad ako palapit sa kanya, nang umangat ang tingin niya ay ngumiti siya ng makita ako. Ang suot niya ay polo shirt at blue jeans na pinaresan niya ng sneakers. Yung eyeglasses niya ay nakasabit sa polo shirt niya.
Gago! Ang pogi naman ng nilalang na 'to!
"Good morning" bati niya sakin.
Ngumiti ako "good morning, anong meron? Ba't mo 'ko pinapunta rito?"
Hinawakan niya ang kamay ko at pasimpleng pinagsiklop ang mga daliri niya sa daliri ko. "Say yes to my offer, please?"
Umirap ako sa kanya "alam ko na 'yang Friends with Benefits, more on sex yan eh!"
Natawa siya "I know but it depends on us"
Sinamaan ko siya ng tingin "subukan mo lang" pagbabanta ko.
"hmm, I will try. We kissed each other last night, have you forgotten?"
"alam mo kung ganyan lang ang pag-uusapan natin, aalis na ako" sabi ko at aalis na sana ng mahawakan niya ang kamay ko.
"okay, let me clear this thing. Friends with benefits is more like se—"
"heh! Huwag mo ng ituloy! Ayoko talaga" sabi ko at aalis na talaga ng pigilan ulit niya ako.
"Sabi mo ayaw mo pang mag commit sa relationship then friends with benefits will suit you.. it doesn't require to have a relationship with me just act like we used to as friends but we can do what lovers do" he really tries to convince me at this moment.
Tinitigan ko siya ng walang emosyon. "bakit parang gustung-gusto mo? Yes, you have feelings to me but don't you ever use your charisma over me"
Napangisi siya "is it working to you?" Pang-aasar pa niya.
Sinamaan ko siya ng tingin "ayoko. Bahala ka diyan!" Sabi ko at naglakad na palayo sa kanya, narinig ko pa ang sinabi niya.
"ayaw mo? O sige, sasabihin ko sa ex mo na nagpapanggap lang tayo" ng sabihin niya yun napatigil ako at hinarap siya.
"Gagawin mo yun?" Tanong ko habang naglalakad palapit sa kanya.
Ngumiti siya saka tumango "oo, bakit? Natatakot ka?" At may sumilay na pilyong ngiti.
Parang gusto kong manakal ngayon.
"Hindi. Bakit naman ako matatakot? Tsaka wala akong pakialam kung sabihin mo sa kanya na nagpapanggap lang tayo" ani ko at aalis na sana ng mahawakan niya ang kamay ko.
"ito naman hindi mabiro! Joke lang"
Hinarap ko siya na masama ang tingin "sa tingin mo ba nakikipagbiruan ako?" Ani ko at inalis ang pagkakahawak niya sa braso ko saka lumakad na pabalik sa room namin.
Iniwan ko siya doon habang tinatawag niya ang pangalan ko. Nakakaasar. Si Mitch na lang ang isasama ko mamaya.
Pagkarating ko classroom namin ay biglang tumunog ang phone ko, ng makita ko kung sino ang tumatawag ay dinecline ko.
Maya maya lang ay nandito na siya para magdiscuss ng lesson sa chemistry.
"Good morning class!" Bati niya.
BINABASA MO ANG
I Knew I Loved You
General FictionA story of between two young kids who has been separated for 14 years and after that he met her by accident at the bar... then a day after she met him again on her university to be their chemistry professor. How can they keep their action without ge...