Chapter 3

10 1 0
                                    

— Chapter 3 —

Jasmine's PoV

"Ba't ang tagal mo sa loob?" Tanong nila.

"Nagbanyo kasi si Sir kaya natagalan" sagot ko.

"Pwede mo naman iwanan sa table niya" – Precious.

"yun na nga pagkalapag ko sa table niya lumabas na siya ng banyo saka tinawag ako"

"ah, teka ano pala yung ikukuwento mo samin?" Tanong ni Vika.

"sa cafeteria na natin pag-usapan" sagot ko at hinila na sila papunta sa cafeteria.

Nang makarating na kami doon ay umorder muna kami ng makakain at pagkatapos ay naghanap na kami ng mauupuan.

"so, ano yung kwento mo?" Pangungulit ni Vika.

Hinawakan ko yung kutsara't tinidor "pwede pagkatapos na lang natin kumain?" Request ko.

Tumango na lang sila at nagsimula na kaming kumain. Ayoko naman kasing magkwento lalo pa kung nakakadiri yung unang pagkikita namin ni Sir Dustin—este ni Gavin.

Pagkatapos ng limampung minuto ay nakatapos na kaming kumain. Pumalakpak ng isang beses si Vika hudyat para magsimula na ako sa kwento ko tungkol kay Gavin.

"Nakilala ko si Sir Dustin sa bar ng ex ni Mitch..." Panimula ko habang nakatingin sa kanila at medyo nagulat si Mitch sa sinabi ko.

"Hm? Kaya ka nawala kagabi?" Tanong niya.

"Tapos nagtext siya na uuwi na siya" dagdag pa ni Precious.

"Yan yung nagpaalam ka para magbanyo?" Tanong ni Vika.

Tumango ako "doon ko siya aksidenteng nakilala in a not in a good way"

Kumunot noo sila "what do you mean?" — Mitch.

"Huwag mong sabihin hinalikan ka niya?!"

"what?!" Reaksyon ng dalawa sa sinabi ni Vika.

Nagsign ako ng huwag maingay. "baliw! Anong halik?! Hello? Hindi ako ganoon, okay?" Mahinang sabi ko.

"eh bakit not in a good way?" Takang tanong ni Vika.

"nasukahan ko yung suot niya" ani ko.

"ano?!" Sabay nila.

"oo tapos pinalabhan niya sakin yung damit niya sa bahay niya mismo!"

"ano?!" – Mitch and Precious.

"are you kidding me?" — Vika.

"I'm not kidding, totoo yun. Sumama ako sa bahay niya para doon ko labhan ang damit niya na nasukahan ko, he almost said that I should dry it and iron it afterwards"

"ibang klase naman si Sir" – Precious.

"kaya pala parang kilala ka ni Sir" – Mitch.

"what if type ka niya?" Nakakaasar na tingin ang pinukol sakin ni Vika.

Umirap ako. "It will never happen! Tsaka bawal sa paaralan na 'to ang teacher - student relationship, baka mapaalis siya dito"

Sabay sabay nilang pinagkrus ang kanilang mga braso. "I disagree! Walang mapapaalis kung hindi magpapahuli!" Sabay taas baba pa ng kilay ni Vika.

"Tangek! Tinolerate mo pa pero tama nga naman... if ever na ligawan ka ni Sir D. Huwag kayong magpapahuli, okay?" Mahinang sabi ni Mitch.

Pinalo naman siya ni Precious "ang bad influence niyo! Anyway, if ever na manligaw si Sir D. Ligaw lang huwag mong sasagutin, maawa ka sa kanya kung ayaw mo siyang mawala dito sa campus AT mawalan ng poging chemistry teacher, did you get it?" Sabay ngiti nito.

I Knew I Loved You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon