Chapter 2

9 1 0
                                    

— Chapter 2 —

Jasmine's PoV

Nagising ako ng maaga ng dahil sa alarm ko. Pumasok na ako ng banyo at nagbihis na para sa klase ko mamaya. Pagkababa ko nakita ko si Manang Helen na naghahain na ng pagkain sa hapag kainan.

"Good Morning, Manang!" Bati ko sa kanya.

"Magandang umaga, Quinn. Kain ka na, baka mahuli ka pa sa klase mo"

Umupo na ako at nilagay niya sa tabi ng plato ang inumin kong gatas. Well, milk lover talaga ako ever since I was a baby. Sinubukan kong magkape dati pero nagkakaroon ako ng heart burn sa dibdib kaya tinigil ko na.

"Thank you po!" Sabi ko saka nagsimula ng kumain.

Pagkatapos nun ay sumakay na ako sa kotse namin dahil ihahatid ako ni Mang Fred papunta sa eskwelahan ko.

Matagal na silang katulong sa bahay namin, sina Manang Helen, Mang Fred, Yaya Faye, Ate Cherry at Ate Joan ay nagsimula maging katulong noong kinasal sina Mommy kaya hanggang ngayon kasama ko pa rin sila.

Si Manang Helen yung mayordoma ng bahay, si Yaya Faye ang in charge sa pag-ayos ng kwarto ko pati sa mga damit na ginagamit ko ay siya ang naglalaba ng lahat ng yun. Sina Ate Cherry at Ate Joan naman ang bahala sa menu ng pagkain sa mansyon pati sila rin ang namamalengke at nagbabayad ng bills ng mansyon.

"Thank you po, Mang Fred. Ingat po kayo pauwi" ani ko bago lumabas ng kotse.

Pagkababa ko ay nagmadali na akong pumasok sa gate dahil nakita ko ang ex kong malandi. Patakbo akong nakarating sa room namin at naabutan sina Mitch, Vika at Precious na abala sa pagcchismisan.

Umupo ako sa tabi ni Vika na ikinagulat niya. "Hindi ka man lang nag-Hi bago umupo" aniya habang nakahawak siya sa kanyang dibdib ng dahil sa gulat.

Natawa ako "sorry naman, nakita ko kasi yung ex ko kanina"

"Ano?!" Sabay sabay nila.

"Oo, kaya nagmadali akong maglakad papunta rito"

"Bakit? Ginugulo ka pa ba niya?" Tanong ni Mitch.

"Kagabi lang"

"Pumunta siya sa bahay niyo?" Gulat na tanong ni Vika.

"Hindi. Nagtext siya" sabi ko at hinugot ang phone mula sa bag ko saka pinakita ang text niya sakin.

"Gaga ka!" Natatawang sabi ni Precious.

"Bwiset na 'to!" Natatawa rin si Mitch with matching palo pa sa braso ko.

"Gagi! Yung memes talaga ang nagdala sa text!" Sabay tawa pa ni Vika.

Binalik na nila sakin ang phone "di ba deserved?" Ani ko.

"Deserved na deserved!" Sabay ulit nila.

"Pero bakit hindi mo pa dinedelete ang number niya?" Takang tanong ni Precious.

"Baka kasi may feelings pa" sabay irap sakin ni Mitch.

"Gaga! Wala na"

"Eh bakit ayaw mo pang idelete?" Ani Vika.

I Knew I Loved You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon