— Chapter 16 —
Jasmine's PoV
Pangalawang araw na ng Foundation Day at nandito ako sa handicrafts stall nagbabantay ng benta at nirerecord ang mga nabili para mabilang namin kung ilan na lang ang natira. As promised dinala ko ang mga nagawang bracelets ko para madagdagan ang benta namin.
Ilang oras na akong nagbabantay at nagsusukli dito sa stall namin pero hindi pa rin maalis sa isip ko yung sinabi ni Gavin kahapon.
Gusto ko siyang makausap pero paano? Siguro after lunch na lang para hindi kami makita na magkasama dito sa university.
Tinext ko si Gavin na sabay kaming kakain mamaya at sinabihan ko rin ang mga kaibigan ko na hindi ako makakasama sa lunch mamaya dahil kakausapin ko si Gavin.
Makalipas ang apat na oras ay dumating na ang lunch break. Nagtext sakin si Gavin na nasa Shakeys siya. Ang mahal pa naman doon, pero sige bahala na makikihati na lang ako sa bayad ng kakainin namin.
Ilang minuto lang ay nakarating na ako sa Shakeys at nakita ko si Gavin na malapit sa salamin ang table na inuukupa niya. Pagkapasok ko ngumiti siya sakin at ganoon din ang ginawa ko.
"Order muna tayo" sabi niya. Tumango lang ako at tinawag niya ang waiter para isulat ang order namin.
Habang hinihintay namin ang pagkain na inorder namin ay kinausap ko siya.
"Sigurado ka na ba sa desisyon mo?" Tanong ko.
Kumunot noo siya pero nawala iyon ng maalala niya ang tinutukoy ko "yes. I've decided. Bakit? Di ba yan ang gusto mong iparating?"
Ako naman ang kumunot ang noo "ako? Ni hindi nga yan sumagi sa isip ko! Tapos sasabihin mo na yan ang gusto kong iparating?! Mag-isip ka nga!" Inis na sabi ko at masyadong napalakas ang pagkasabi ko nun dahil nagtinginan samin ang mga tao na katabi ng table namin.
"Bakit hindi ba? Kahit hindi mo sabihin yun ang gusto mong mangyari. Kaya ako aalis para maging malaya na tayong mahalin ang isa't isa"
Humalukipkip ako "at sa tingin mo magiging okay ang lahat? Ang selfish mo Gavin! Sobrang selfish mo. Hindi mo man lang inisip ang mga estudyanteng iiwan mo ng dahil lang sa relasyon na wala namang label. Ano ba Gavin?! Isipin mo naman kaming estudyante mo, huwag mo naman kaming iwanan" pagmamakaawa ko.
"paano tayo? Alam mo naman na mahal na mahal kita pero bakit pakiramdam ko never mo akong minahal?"
Ipinikit ko muna ang mga mata ko bago nagsalita "walang tayo Gavin. Walang label ang relasyon na meron satin. We're just friends!"
Nakita kong ngumisi siya "sige, ipagsigawan mo na magkaibigan lang tayo. Ipagsigawan mo pa!" naiinis na sabi nito.
Totoo naman eh. Though we're friends with benefits but still we're just friends, nothing more nothing less.
"mamaya na tayo mag-usap. Kumain muna tayo" sabi ko ng makita kong papunta na ang waiter na may dala ng kakainin namin.
Makalipas ang dalawampung minuto ay natapos na kami.
"Quinn, hindi mo ba ako minahal?" Biglang tanong niya.
Napatigil ako sa pagpunas ng tissue sa bibig ko ng sabihin niya iyon sakin. Hindi ko alam ang sasabihin ko.
"Babalik na ako sa campus" paalam ko at naglakad na palabas ng restaurant.
Magpapara na sana ako ng taxi ng bigla niya akong hatakin papunta sa kotse niya.
"Ano ba Gavin?!" Mahinang sabi ko. Ayoko naman sumigaw dahil ayokong mag-eskandalo sa kalsada.
"Get in. We still need to talk" he commanded.
BINABASA MO ANG
I Knew I Loved You
General FictionA story of between two young kids who has been separated for 14 years and after that he met her by accident at the bar... then a day after she met him again on her university to be their chemistry professor. How can they keep their action without ge...