Jasmine's PoV
Uwian na namin ngayon kaya nagtext na sakin ang ex ko na magkita kami sa quadrangle.
Pupuntahan ko sana si Gavin sa faculty room ng makita ko siya na naglalakad papunta sakin. Nagpalit na rin siya ng suot, kung kanina naka-polo shirt siya at jeans, ngayon ay naka-tshirt siya na navy blue at faded jeans, yung hairstyle din niya binago niya nagmukha tuloy siyang koryano sa buhok niya.
"Grabe naman ang make over mo" pagbibiro ko na ikinatawa niya.
"Well, I like to be presentable and attractive and also to intimidate your ex"
Napangisi ako "tignan natin" sabi ko at naglakad na kami papunta sa quadrangle.
Nang makarating na kami nakita ko na ang lalakeng nakatayong naghihintay sa quadrangle.
"siya ba yung ex mo?" Tanong ni Gavin.
"Oo, tara na" ani ko saka pinagsiklop ko ang aking kamay sa kamay niya para magmukhang magkasintahan kami.
Medyo nagulat pa siya ng gawin ko yun pero hindi na lang ako nagpahalata sa kinilos niya.
Nang makita niya kami ay naguluhan siya "Jazz, akala ko single ka pa hanggang ngayon?" Takang tanong niya.
Tinaasan ko siya ng kilay "akala mo lang yan. Bakit ikaw single pa rin?" Pang-aasar ko.
Sinamaan niya ako ng tingin "anyway, pwede bang kalahati na lang ng thirty thousand ang bayaran ko sayo? Grabe naman kasi ang interes mo"
"Bakit kalahati lang? Hindi naman kalahati yung pinahiram ko sayong pera noon ah at hindi rin kalahati yung pagmamahal na binigay ko sayo dati, kaya ibigay mo ng buo tsaka binigay ko agad sayo yung perang hiniram mo sakin na walang tanong tanong"
"hindi makatarungan ang interes mo eh! Pwede bang fifteen thousand na lang?" Pagpupumilit niya.
"ang usapan natin triple ng inutang mo kaya akin na" sabay lahad ko ng kamay para ibigay na sakin ang pera.
Bumuntong hininga siya at binigay sakin "ibibigay mo naman pala" sabi ko at binilang.
"ikaw ba ang boyfriend niya?" Rinig kong tanong ni Louie kay Gavin.
"yes. I'm Dustin Gavin Eztedalo and you are?"
"Louie Morano. Alagaan mo yan, maarte pa naman yan at iyakin"
Nang mabilang ko na ang bayad niya ay sinamaan ko siya ng tingin "magtigil ka nga! Thank you pala sa bayad mo" sabay ngiti ko ng pilit.
"you're welcome" saka ngumiti rin siya. "o siya, it was nice to see you again my ex girlfriend. Till we meet again"
Inirapan ko siya saka nagpaalam na samin.
Nakahinga ako ng maluwag at naramdaman kong hinawakan ni Gavin ang kamay ko."libre mo 'ko" aniya.
Kumunot noo ako "anong libre? Iipunin ko 'to" pagsisinungaling ko.
"May ipon ka?"
"Oo"
"Para sa?"
"Future ko"
"Natin" sabi nito at hinalikan ang likod ng palad ko.
Napatitig ako sa kanya "natin? Anong ibig mong sabihin?"
Inayos niya ang hibla ng buhok ko at pinagkatitigan "I want to be your future husband"
Napaawang ang labi ko sa sinabi niya "nagbibiro ka lang di ba?" Kinakabahan kong sabi na may kasama pang tawa.
Pinisil niya ang ilong ko "no. I'm serious, Quinn"
BINABASA MO ANG
I Knew I Loved You
Ficção GeralA story of between two young kids who has been separated for 14 years and after that he met her by accident at the bar... then a day after she met him again on her university to be their chemistry professor. How can they keep their action without ge...