— Chapter 14 —
Jasmine's PoV
Simula na ng Foundation Day namin ngayon kaya maaga akong pumasok sa campus para tumulong sa naka-assign na stall samin. Sa ngayon dalawang araw ako na magbabantay sa exhibition room kung saan nandoon ang mga paintings na ginawa namin noong first year college kami.
"Hello Jasmine! Ang aga natin ah" sabi ni Marlette at pinasulat ako sa logbook na hawak niya.
"Thank you!" Sabi ko saka binigay ang ballpen na ginamit ko.
"You're welcome, Jas" at naglakad na siya papunta sa puwesto niya.
Kaming dalawa ang kasama sa lima pang members ng organization. Business manager ang role ni Marlette sa officers.
Makalipas ang tatlong oras ay dumami ma ang mga estudyanteng pumapasok sa room para tignan ang mga gawa naming paintings. Pwede rin sila kumuha ng litrato ang entrance fee ng exhibition namin ay fifty pesos sa isang oras kaya hindi sila malulugi.
"O! Si Ate Jasmine!" Rinig kong sabi ng isang second year highschool saka lumapit sakin.
"Hi" bati ko naman.
Ngumiti siya "Ate, may nagpapabigay pala" sabi nito at binigay sakin ang isang maliit na bouquet na may kasama pang tatlong toblerone.
Kumunot ang noo ko "sino nagbigay nito?"
Nag-isip siya saka nagkibit balikat "bawal po sabihin eh pero pumunta daw po kayo sa quadrangle"
Napataas kilay ako "ngayon na?"
"hm, opo" sabay ngiti niya saka umalis na.
Lumapit ako kay Marlette para magpaalam "Lette, alis muna ako"
"oh— may date ka? Sige basta babalik ka ha?" Sabay tawa nito.
"baliw wala akong date! Oo babalik ako" sabi ko at tinakbo papunta sa quadrangle.
Pagkarating ko doon nakita ko si... "Louie?" Sabi ko.
Ngumiti siya at lumapit sakin "Hi Jazz, I miss you" hahalikan niya sana ako ng umiwas ako.
"Anong I miss you? Ano na naman ba 'to?!"
iritado kong tanong."Jazz, pangako ko sayo hindi ko na yun uulitin" sabay peksman niya.
Sinamaan ko siya ng tingin. "sinong niloloko mo? Pwede ba tigilan mo na ako!" Sabi ko at tumalikod na, maglalakad na sana ako ng magsalita pa siya.
"may dinner tayo kasama ang parents natin" ng sabihin niya yun hinarap ko ulit siya.
"anong sabi mo? Nahihibang ka na ba?"
Umiling siya "hindi. Yun ang sabi ng Mom ko sakin"
"baka hindi naman ako ang kasama mo sa dinner mamaya" sabay ngisi ko.
"ikaw. Ikaw ang kasama namin sa dinner pati Mom at Dad mo uuwi ngayon para sa dinner" at siya naman ang ngumisi.
"hindi ka nakakatuwa, Louie. Umayos ka" serysong sabi ko.
"ang saya kaya. Magiging tayo ulit" sabay hawak nito sa kamay ko na agad ko namang binitawan.
"tigilan mo 'ko!" Sabi ko at binigay sa kanya ang bouquet ng mga bulaklak at tatlong toblerone.
"sa bahay niyo pala magaganap ang dinner!" Sigaw nito pero hindi ko na nilingon.
Naiinis akong umupo sa pwesto ko at kulang na lang magwala ako dito sa exhibition room ng dahil sa sobrang inis ko.
Kinuha ko ang telepono ko at nakita ang messages ng tatlo. Hindi ako makapaniwala na tatlong araw magbuhat noong huli naming pagkikita ni Gavin at yung araw na nakita ko siyang umiyak.
BINABASA MO ANG
I Knew I Loved You
Fiksi UmumA story of between two young kids who has been separated for 14 years and after that he met her by accident at the bar... then a day after she met him again on her university to be their chemistry professor. How can they keep their action without ge...