Chapter 5

5 1 0
                                    

— Chapter 5 —

Jasmine's PoV

"Ha? Anong fallin' for you pinagsasabi mo? Aalis na ako" sabi ko at bubuksan na sana ang pinto ng kotse ng hawakan niya ang kamay ko.

"It's true Quinn. I know it's too fast but I think I've experienced love at first sight to you"

"Love at first sight? Baka namimiss mo lang ex mo– sige lalabas na ako" sabay agaw ko sa kamay ko at lumabas na ng kotse.

"Quinn" rinig kong tawag niya saka lumabas rin siya ng kotse.

"Ano? Kailangan mo ng umuwi baka matrapik ka sa daan" I said.

Naglakad siya papunta sakin "hindi ka ba naniniwala sakin?"

Natawa ako "imposible yun, baka kasi miss mo na siya kaya dinivert mo sakin yung feelings mo na dapat sa ex mo"

Umiling siya "we're over Quinn, I told you pa nga kanina"

"I can feel that feeling of yours isn't love"

"Quinn, alam ko masyadong mabilis ang nararamdaman ko para sayo pero believe me my feelings for you is true"

Bumuntong hininga ako "okay, okay. Naniniwala na ako pero can we be friends muna? Hindi pa kasi ako handa magmahal  muli"

Tumango siya "okay, it's fine with me and I won't pressure you. Sinabi ko lang yun para malaman mo" sabay ngiti niya.

"sige, papasok na ako" paalam ko sa kanya.

"wait" lumingon ako ng magsalita siya.

"Hm?"

Wala siyang sinabi pero lumapit siya para nakawan na naman ako ng halik sa labi.

"Good night" paalam niya.

Tumango na lang ako at kumaway para magpaalam sa kanya "ingat ka!" Pahabol ko pa.

Nakita kong napangiti siya "thank you!" At pumasok na ako sa loob ng bahay.

"Sino yun, Quinn?" Tanong ni Manang pagkapasok ko ng bahay.

"Kaibigan ko po" sagot ko naman.

"Hinatid ka niya papunta rito?"

"Yes Manang, bakit po?"

"Kaya pala nagtext si Fred na nasiraan siya sa daan"

"Yes po, nagtext po siya sakin kaya hinatid ako ni Gavin papunta rito... ayoko po sana kaso gusto niya akong ihatid"

Tumango si Manang "bagong kaibigan mo ba siya? Kasi ngayon ko lang siya nakita"

"Opo, nakilala ko kagabi sa bar po"

Nakita kong namilog ang mga mata niya ng sabihin ko yun "ganoon mo na ba siya kakilala? Hindi ka ba natatakot? iba na ang panahon ngayon baka kung anong gawin niya sayo"

"Manang, sa tingin ko naman mabait naman siya, nag-open up nga siya sakin kaninang hapon eh"

Dalawang beses itong tumango "tara na maghapunan ka na" sabi nito.

Sumunod naman ako sa kanya papunta sa dining area at nakitang nakahanda na ang pagkain. Iniwan na niya ako sa hapag kainan. Nagsimula na akong kumain at nakita ako nina Ate Cherry at Ate Joan saka lumapit sila sakin.

"Uy~ sino kaya yung lalakeng humatid sa kanya kanina?" Ani Ate Cherry na may pagsundot pa sa tagiliran ko.

"Kaibigan ko lang yun mga Ate" sagot ko naman bago uminom ng tubig.

"weh? Anong pangalan niya?" Tanong naman ni Ate Joan.

"Gavin Eztedalo" sagot ko.

"pogi pati pangalan" sabay nila.

I Knew I Loved You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon