Chapter 1

20 2 0
                                    

— Chapter 1 —

Jasmine's PoV

Pagkarating namin sa tapat ng gate ng bahay niya ay tinanggal ko na ang seatbelt at sabay kaming lumabas ng kotse. Pinagbuksan kami ng katulong niya ng gate nila at naglakad na kami papasok sa bahay nito.

"Wow, parang bahay lang namin" sabi ko.

Lumingon naman siya at napangiti "really?"

Tumango lang ako habang hawak ko pa ang damit niya na nadumihan ko. "So, mayaman din kayo?"

"Yeah, may washing machine ba kayo?" Tanong ko.

"Of course we have, let's go!" Sabi nito at naglakad na kami papunta sa garden nila.

Pagkarating namin ay binuksan niya ang takip ng washing machine at inilagay ko doon ang damit niya.

"Hey! You should put water and powder detergent first before you put my clothes!" Reklamo niya.

"gaga! Basain muna natin 'to para mawala yung dumi" sagot ko naman.

"mas maganda kung may sabon na yung tubig" sabi niya at inalis ang damit niya sa washing machine.

"fine" sabi ko at sinunod naman ang sinabi niya.

Nang bumula na ang powder sa tubig ay nilagay ko na ang damit niya sa washing machine tsaka sinet sa timer na 15 minutes.

Umupo muna ako sa bench nila. "Hindi ka ba naglalaba sainyo?" Tanong niya.

"Undergarments lang" sagot ko.

He nodded "atleast you washed them, alangan naman iasa mo pa sa katulong niyo"

"yeah, nakakahiya naman kasi" sabi ko "so, after nito uuwi na ako kasi nalabhan ko na damit mo"

Kumunot noo siya "no"

Ako naman ang kumunot ang noo "anong no? Ayan na nga sa washing machine yung damit mo! Tapos ayaw mo pa akong pauwiin?!" reklamo ko.

Pinagkrus niya ang kanyang braso "your sorry still not enough"

Umirap ako sa kanya "so, ang gusto mong sabihin ako pa ang magsasampay niyan?"

Tumango siya "yes and ikaw din ang magpaplantsa kapag natuyo na" sabay ngiti niya.

Napatayo ako ng sabihin niya yun "ano ka sinuswerte?! Bakit katulong mo ba ako?! Aba! Sumusobra ka na!" Singhal ko sa kanya.

Natawa siya at hinawakan niya ang balikat ko "relax, ang blood pressure mo" natatawang aniya.

Inalis ko naman ang pagkakahawak niya sa balikat ko "stop acting like we are close friends" pagtataray ko.

He chuckled "aren't we friends yet?"

Sinamaan ko siya ng tingin "we're not!" Sagot ko.

"friends?" Nilahad niya ang kamay niya sakin.

Umirap ako sa hangin at tinabing ang kamay niya "no" I said at naglakad palayo sa kanya.

I Knew I Loved You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon