— Chapter 12 —
Dustin's PoV
Ilang beses na akong nagtetext at tumatawag sa kanya pero hindi ko na siya makontak. Ano ba kasi ang nangyayari sa babaeng yun?!
Napabalikwas ako ng biglang tumunog ang telepono ko, agad ko namang kinuha yun kasi alam ko na si Quinn ang nagtext pero mali ang akala ko. Si Lyle Marquinez, isa sa matalik kong kaibigan na nasa Canada ngayon.
'Dude, magpakalasing tayo!' laman ng mensahe niya.
"Gago 'to, akala mo naman nasa Pinas siya" sabi ko at nagtipa para masagot ko ang text niya.
'Akala mo naman nasa Pinas ka! HAHAHAHA' reply ko naman.
Tumunog ulit ang telepono ko at sumagot siya.
'Oo! Gago! Arat na!!!' wow. Wala ako sa mood makipag-inuman ngayon eh. Inaalala ko si Quinn.
Imbes na replyan siya ay tinawagan ko ito.
[Yow Dude! Kamusta na? Tara inom!] Bungad niya.
"Gago! Wala ako ngayon sa mood uminom, Lyle"
[Ha? Bakit naman?! Hindi ka naman ganyan noon ah! Parati ka ngang um-oo. Anong nangyari sa kaibigan namin ni Liam?]
"May problema kasi kami eh"
[Ng pamilya mo? Di ba hindi naman kayo nawawalan ng problema?]
"Hindi pamilya ko—"
[HA?! NAGKABALIKAN KAYO NG EX MO?] sigaw nito kaya nilayo ko ang telepono sa tenga ko.
"Asa ka naman na makikipagbalikan ako sa babaeng two timer"
[Ouch. Sorry about that Dude. So, kung hindi kayo nagkabalikan, may bago kang girlfriend?]
"Oo, her name is Jasmine Quinn"
[Oh, sa pangalan pa lang maganda na at alam ko ang mga tipo mo, Dustin]
Natawa ako "well, she's very beautiful but hindi niya sinasagot ang mga tawag at text ko kaya ayokong uminom"
[Hmm, kung gusto mo punta na lang kami sa apartment mo?]
Tumango ako "sige ba"
[Okay! Tawagan ko lang si Liam]
"sige. Magdala kayo ng chips" pahabol ko pa.
[Sige sige. Kitakits na lang in fifteen minutes] sabay baba niya ng tawag.
Sinubukan ko muli tawagan si Quinn at sa wakas ay tumutunog na ito. Sa pangatlong tunog ay sinagot na niya.
"Thank God sinagot mo na ang tawag ko"
[Gavin, pwede ba iwasan mo na ako?]
Hindi ko alam kung inuutusan ba niya akong iwasan ko siya o nagtatanong na iiwasan ko siya.
"Ha? What do you mean, Quinn? May nagawa ba akong mali sayo?"
Narinig kong bumuntong hinga siya [kalimutan mo na ako, Gavin. Please lang]
Ngayon nagmamakaawa na siyang kalimutan ko siya? No. That will never happen.
"Ayoko. Ano ba kasi ang problema? Okay naman tayo kanina tapos ngayon hindi ko alam kung anong nangyayari sayo"
[Iwasan mo na ako Gavin. Hindi ka nakakabuti sakin]
"What? No. I can't do that! What is the problem Quinn? Para matulungan kita"
BINABASA MO ANG
I Knew I Loved You
Ficción GeneralA story of between two young kids who has been separated for 14 years and after that he met her by accident at the bar... then a day after she met him again on her university to be their chemistry professor. How can they keep their action without ge...