Sick

112 9 0
                                    


"Syvier Pov"

"Syvier!gising na,umaga na"naramdaman ko ang pag yugyog niya sa balikat ko

Unti unting kong minulat ang aking mga mata..medyo mahapdi pa ito dahil sa pagbabantay ko habang natutulog siya.

Napapahilamos nalang ako sa mukha sa antok .

Tiningnan ko ang paligid at napatigil sa labas ng puno ang mga mata ko.

"Kamusta ang pakiramdam mo.?"tanong ko sa kanya

Masakit ang ulo ko ngayon,at nilalamig .
Pakiramdam ko ang bigat ng pakiramdam ko.

"Maayos naman,bukod nga lang sa sikmura ko na kanina pa tumutunog."sabay tawa na pabungis-ngis
Napatawa nalang rin ako.

Kahit nahihilo,pinilit kong tumayo ..Pero agad akong napaupo sa sobrang hilo.

Inalalayan naman ako ni Lyconne.

"Ayos ka lang ba?teka ang init ng kamay mo..hala!pati ang noo mo at mukha mo!,may sakit ka!"siya na nagulat

Inalis ko ang kamay niyang nakahawak sakin

"Wala ito,dala lang ito ng panahon.. masyadong malamig kaya nilamig ang balat ko."
Paggawa ko ng kwento

Napasimangot ito
"At sa tingin  mo naniniwala ako?,hindi syempre..humiga ka muna..kukuha ko ng tubig sa kweba."

Akmang tatayo na siya at agad ko naman pinigilan.

"Hindi pwede,wag kang babalik doon,siguradong hinahanap parin tayo ng mga nilalang na iyon.Mas mabuting dumito ka lang,at sa kalagayan ko huwag ka ng mag alala ,..maya -maya pa ay gagaling na ito."

"Pero hindi tama iyon..Kailangan mong makainom ng tubig para mabawasan ang iyong init."
Nag alala siya

"Pakiusap makinig ka nalang.Hindi ko kayang mapuntahan ka kong sakaling mahuli ka nila.
Masasama sila,at tulad ng lumipon sa lahi natin isa na sila doon.
Mas magiging mabuti ang pakiramdam ko kong hindi ka aalis at babalik sa loob ng kweba."

"Sige,pero dito ako maghahanap ng pagkain.Pangako dito lang."
Pagpupumilit niya

Tumango ako bilang pag sang-ayon,gumuhit agad ang saya sa kanyang labi

"Ngunit,kailangan kasama ako."

Napawi ang ngiti  niya at napalitan ng di pag sang-ayon na tingin.
...

Habang pinapanood ko si Lyconne na gamitin ang kanyang mga sinulid sa pag kuha ng bungang prutas,hindi ko maiwasang hindi  mapatawa sa maya't mayang paghulog ng bunga sa kanyang mukha.
Hindi naman kalakihan ang prutas,maihahalintulad ito sa dulo ng daliri.
Pero tuwing nahuhulog ito,agad din itong napipisa pag tumama sa matigas na bagay.
Tulad ngayon na naging maamos na ang kapatid ko.

Inisa-isa niyang nilagay sa kanyang damit ang mga prutas na naipon,at patakbong tumungo sakin na may ngiti sa labi

"Andami kong nakuha oh."sabay pakita ng nakuha niya

"Napansin ko nga"sabay tayo mula sa pagkakaupo.

Nabawasan narin ang pagkahilo ko matapos kong uminom sa batis na aming nadaanan.

"Babalik pa ba tayo doon sa puno?"tanong bigla ni Lyconne

"Hindi,napalayo na tayo ,mas makakabuti kong maghahanap nalang tayo ng bagong tutuluyan ngayong gabi."

"palagi nalang tayo nag tatago at tumatakbo..nakakasawa na."may inis sa tinig niya

"Kahit ako ganon din ang nararamdaman..siguro sa susunod na ating titirahan,mas magiging mapayapa na ang ating pamumuhay."

"Sana nga..."siya na nag sisimula ng kumain

Sa sumunod na mga oras,nag patuloy na kami mag hanap ng matutuluyan..masama parin ang pakiramdam ko,ngunit kong magpapatalo ako sa sama nang nararamdaman siguradong hindi kami makakalayo.
Kahit nailigaw namin sila,hindi maitatangging may posibilidad na mahanap parin nila kami kong di kami lalayo .

At sa aming pag hahanap,may nakita kaming mga bahayan mula sa aming kinatatayuan.

Parang isang maliit na bayan.

"Nakikita mo ba ang nakikita ko?!"puno ng sigla ang tinig niya

"Nakikita ko"

"Syvier,tigin mo--"hindi ko na natapos ang pakikinig sa kanyang sinasabi dahil unti unting humina ang aking pandinig,at ang pakiramdam.

Sunod kong naramdaman ang pagbagsak ng aking katawan at pag tawag saking pangalan ni Lyconne.









......

"Alpha Lancer"

Hindi ko mapigilang hindi sumabog sa galit.

Natagpuan ko na siya,ngunit nagawa pang makalayo!

Hindi ito maaaring mangyari...

Tila isang laro ng tadhana ang aming nararanasan ng aking Beta  ngayon.

Parehas na naming natagpuan ang aming mate,ngunit sa isang iglap nawala sila na parang bula.

Malakas siya na nagawa niyang kaming pigilan,gamit ang mahika niya..

Hindi ko tuloy mapigilang hindi humanga at kasabay non ang magalit ng sobra.

"Alpha,sinundan na namin ang daanan ng ilog , ngunit ikinalulungkot kong ipaalam,wala parin kaming nakuhang scent na maaaring makapag turo kong saan ang kinaroroonan nila."

Napatayo ako at naibato ang hawak.

Umungol ang aking wolf na gusto nang gumawa ng kaguluhan sa pag nanais na makita na namin ang mate namin.

"Ipag patuloy niyo.Huwag kayong babalik ng walang dalang magandang balita.Kong kinakailangan baliktarin niyo ang lahat ng kasulok-sulokan ng ilog,gawin niyo!"

"Ma-masusunod,Alpha"

Umalis na ito at ako naman ay hindi mapakali.

May kailangan akong gawin.

"Alpha,natagpuan kaming lagusan sa likod ng talon."
Sing bilis nang kidlat,nag madali ako patungo sa kinaroroonan ng aking mga pack worroir.
Pati ang wolf sa sobrang kasiglahan,nais nitong lumabas at makipag agawan.

.......


"Beta Dan"

Isa siyang doll maker,.. napalunok ako ng laway ng mapag tanto ang lahat

Ang aking mate ...Kaya ba nilalayuan niya ako?
Dahil ang tingin niya sakin ay isang nilalang na walang puso .

Matagal ng panahon ng natigil ang usap-usapan tungkol sa lahi ng mga doll maker,naubos na sila .

"Beta,kailangan ka namin dito sa talon.
May nakita kaming lagusan."

Napa tayo ako mula sa pag kakaupo.

"Papunta na ako"tugon ko

Sa oras na makita ko na siya,agad na ipapaalam ko sa kanya na hinding hindi ko siya sasaktan at gagamitin.
Dahil ang tulad niya ay dapat ingatan at mahalin.
Handa akong ialay ang buhay ko kahit pa anong kaharian at bawat lahi na gustong mag nais na kunin siya mula sa sakin.

.........

"Syvier Pov"

Nilalamig ang pakiramdam ko.Tila nag ye-yelong paligid ang kinaroroonan ko.

Nakakarinig ako ng ingay,may sigaw at pag tawag ng aking pangalan.

Nais kong labanan ang lamig at panghihina.
Ngunit hindi ko magawa,nanginginig ang katawan ko.

Hanggang sa isang mainit na bagay ang lumapat sa aking pisngi.

Ang init,ang sarap sa pakiramdam..
Sana huwag itong mawala..lalo ko pang nilapit sakin.

Muli nakaramdam ako ng matinding antok,kaya naman nagpadala ako dahil narin sa panghihina.












Doll Maker(BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon