Sa pag mulat ng aking mata,tiningnan ko ang paligid.
Napa ubo pa ako dahil sa alikabok at usok na namumuo sa paligid...Nasaan ako?
Natigilan ako ngmakita ko si Lancer na nakahiga din na tulad ko .
Wala itong malay
Mabilis na nilapitan ko siya at ginising.
"Lancer.. Lancer gumising ka."niyugyog ko siya
Dahan-dahan na nagmulat ang kanyang mata.
Sa una ay nagtatanong ang mata niya pero kalaunan ,napakapit ito saking kamay."Anong nangyari?"tanong niya
"Nahulog tayo mula sa taas..nakaligtas tayo dahil sa harang na ginawa ko."
Nakatingala kong sabiNi hindi ko makita ang lugar na pinanggalingan namin sa taas nito.
"May masakit ba sayo,kamusta ang pakiramdam mo.?"nag aalala niyang tanong
"Ayos lang ako.. naprotektahan tayo ng sinulid.Ikaw,wala bang masakit sayo?"balik kong tanong
Tumingin siya sa siko,niya..at naging ako ay napatingin.
Doon ko lang napansin ang mahabang hiwa sa kayang siko"Hala!may sugat ka.. sandali,huwag kang gagalaw,gagamotin ko yan."
Mabilis na sinira ko ang baba ng damit ko.Ng magawa ko ito,mabilis ko naman na tinali sa kanyang siko.
"Akala ko naprotektahan tayo ng tama.
Pasensya na ha,hindi ko na kontrol ang mga sinulid.""Huwag kang humingi ng pasensya,kong hindi dahil sa ginawa mo.Siguradong mas malala ang makukuha natin pinsala.
Kaya salamat sa ginawa mo."Napatingin ako muli sa kanyang sugat.
Nakahinga naman ako ng makitang hindi na ito tulad kanina,malakas ang paglabas ng dugo.
Tumingin ako sa paligid
"Nasaan tayo?"dahan dahan na tumayo para matingnan ang paligid
Madilim at hindi maabot ng sinag ng ilaw mula sa araw ang ibaba ng bangin.
Nasa paligid lang rin ang mga nakakalat alapa-ap.Walang makikitang may buhay o pag galaw kaya lalong nakakabahala.
Ni huni ng ibon o kahit anong insekto ay walang maririnig.Tumingin ako mula sa taas ,kong saan kami nanggaling.
"Sumumpang lugar...
Narito tayo sa delikadong parte ng pack namin.
Matagal ng panahon na may maligaw muli dito.
At sa ngayon tayo iyon.."Agad na napatingin ako sa kanya sa pagkabigla
Nakapasok kami sa lugar kong saan mapanganib.
Muli akong tumingin sa paligid."Ngunit huwag kang mag alala.Dahil kasama mo ako.Hangga't naririto ako sa tabi mo,hinding hindi ko hahayaang may mangyari sayong masama."
Kahit pa nag aalala ako sa nangyari,hindi ko pinakita ang aking totoong emosyon.
Mas nakakahiya sa kanya,dahil kong hindi sakin.Siguradong hindi siya makakasama sa paghulog ko at mapunta dito.
"Kaya ko ang sarili ko.Sa oras na nasa panganib,intindihin mo ang sarili mo.Hindi ang kaligtasan ko."
Tugon koIniwas ko ang tingin ko sa kanya..Sa totoo lang medyo kakaiba ang alituntunin sa kanilang lahi.
Hindi ko inakala na sa handa nilang iaalay ang kanilang buhay sa oras na
Manganib ang buhay ng mate nila,kahit pa kakakilala lamang nila."Hindi ko iyon magagawa.Dahil mas importante ang kaligtasan mo kaysa sakin."
Medyo kinilabutan naman ako sa mga sinasabi ng lalaking ito.
BINABASA MO ANG
Doll Maker(BL)
FantasiAng pagtakas ang aming naging daan upang kami ay magtagpo. Inakala kong isa siyang kalaban,at itinuring masamang kalaban. Pero nag kamali ako,dahil isa siyang mabait na nilalang. Binuksan niya ang mga mata ko sa katotohanan. At Isa na doon ang pagig...