Capture

152 10 0
                                        

"Syvier Pov"


Mabilis ang pangyayari,mabilis lamang nasira ang aking mga manika.
Sa tagal ng aking pagkakagawa tanging naging isa lamang silang mga piraso ng laruan.

Umupo ako upang hawakan ang ulo ng aking manika.

Naikiyukom ko ang aking palad.

"Pag babayaran mo ito."galit na galit kong pinagalaw ang aking sinulid patungo sa kanya.

Nabihag ko siya sa pamamagitan ng aking sinulid na hindi nakikita nino man bukod sa mga taong mga doll maker.

Nagpupumiglas siya ,kong gugustuhin kong siya ay pag pira-pirasohin ay magagawa ko.
Ngunit nanatili parin saking kalooban na siya bigyan lamang ng parusa ay hindi naisin na siya ay paslangin.

"Sa bawat pagpupumilit mong kumawala,hindi ko maipapangakong wala kang makukuhang pinsala.
Kaya sumunod ka sa sasabihin ko,ginoo.
Lumayo na kayo dito,pakiusap ayaw kong makagawa ng pagkakamali."
Dagdag ko pa

"Nagkakamali ka"tinig na nasa likod ko lamang
At sa saktong paglingon ko ay siyang oras na nasira ang harang ko.

Dahil sa pagkabigla,nabitawan ko ang kawal mula saaking sinulid.

Hindi!
Nilingon ko muli si Lyconne..
At papalapit na ang kawal.

"Kumilos ka!huwag kang matakot!"sigaw na utos ko Kay Lyconne

Pero hindi na ito nakagawa pa ang mahika niya..Dahil hawak na siya ng kawal

"Bitawan mo siya!"kasabay noon ang paggamit ko muli ng sinulid sa kawal

Pero hindi na ito nangyari muli dahil sa pag higit sakin mula sa kinatatayuan ko.

Mahigpit na mga braso ngayon ang nagkulong sakin para mapigilang mapanatili ako sa pagkilos .

"Hindi!bitawan mo ako!! bitaw!!
Lyconne lumaban ka !"hindi ko na maikilos ang aking mga daliri para palakasin ang aking mga sinulid.

"Mate,huwag mo ng pahirapan ang iyong sarili."bulong nito saaking tainga

Hindi ako makakapayag na gaganitohin nila kami!

Gamit ang aking mga paa,malakas na inapak-apakan ang mga paa nito.Ngunit tila wala itong nararamdaman sa ginawa ko.Nakatayo siya at hindi iniiwas ang aking pag apak.

Narinig kong pag iyak ni Lyconne kaya napunta ang atensyon ko sa kanya.
Nagpumiglas ako ayon sa lakas ko.Binuhos ko ang galit ko.

Galit na galit kong tiningnan ang lalaking may hawak sa kapatid ko.

"Bitawan mo siya!!!pag sisisihan mo pag may nangyari sa kanya,pagbabayarin kita.!!"

"Syvier,Syvier"umiiyak siya habang tinatawag ang pangalan ko

Lalong kumulo ang dugo ko sa galit

Nag labas ako ng sinulid sa isa kong daliri.
At nagawa ko,

Inikot ko iyon sa lalaking may hawak sa akin.
At sa oras na sapat na ang nakaikot sa kanya.

Mabilis ko itong kinulong,at gumana ito.
Nabitawan niya ako.

Wala na akong sinayang na oras,ang lalaking kawal naman ang sinunod ko.
Bumagsak ito at nakawala si Lyconne.. umiiyak itong tumakbo sakin.

"Tahan na,kailangan nating makaalis dito.
Gamitin mo ang lakas mo para makalayo tayo,
Marami silang nasa labas."

Tumango tango ito.

"Sa tingin mo,matatakasan mo lang ako ng ganon ganon lang.Nagkakamali ka"tinig ng lalaking kanina lang ay ginapos ako.

"Ito na ang huli nating pagtatampo ,ginoo.Kaya asahan mong hindi na mangyayari iyon"
Walang emosyon kong tinig

Tumayo na ako kasama si Lyconne.

"Handa ka na ba?"
Tanong ko sa kanya

"Oo"at sa oras na siya ay tumugon nagsimula na kaming tumakbo papalayo

......

..


Hingal hingal kami sa pagtakbo mula sa mga humahabol na mga taong lobo.

Hindi ko inaasahan na napakadami nila.

Kong sana lang may natira akong manika ,mas napapabilis ang pagtakbo namin.

"Pagod na ako"tinig kong sabi ni Lyconne

"Pasensya na,ngunit hindi pa oras ng pahinga . Kailangan nating magpatuloy sa pagtakbo..mga taong lobo ang mga  kalaban natin at hindi sila basta basta matatakasan."

"Dahil iyon sa amoy natin?"tanong niya

Bigla akong nagkaroon ng idea

Hindi ko mapigilang hindi siya iharap sakin

"Teka tama ka..Dahil iyon sa amoy natin..at kong wala silang masusundan na amoy natin..Hindi nila tayo matutunton."
Nagliwanag ang buo kong kalooban

Kailangan namin ng tubig.

"Lyconne,humanap tayo ng tubig.."

"Anong gagawin natin sa tubig?nauuhaw ka narin ba?"inosenting tanong niya

Umiling ako
"Hindi,dahil malaki ang maitutulong sa atin ng  tubig."

Tumakbo kami muli, at habang tumatakbo,nakakita nga kami ng isang talon.

Nagalak ako ng sobra,pero napawi agad iyon dahil sa mga alulong.

"Malapit na sila,bilis sumunod ka Lyconne"

Tumakbo ako at tumalon sa tubig.

Humarap ako para tingnan si Lyconne at siya ay nasa likod ko na nga .

Suminyas ako na kailangan namin tumungo sa kabila ng bumabagsak na bihis ng talon.
Tumango siya

Gamit ang aking sinulid,binalibot ko lahat ito saming dalawa para hindi kami masaktan sa malakas na buhos ng tubig.

Mabilis lamang naming nagawa.may kweba dito sa likod  kaya Laking tuwa ko .

Natabunan na namin ang aming scent gamit ang tubig ,nakakita pa ako ng pag tataguan.
Swerte namin.

"Doon tayo,halika na"tawag ko Kay Lyconne

"Syvier,natatakot ako"

"Hiwakan ko siya sa kanyang balikat.Huwag kang mag alala,ligtas tayo sa mga nilalang na iyon,halika na,."

Tumayo siya at naglakad

Sabay kaming naglakad papasok...

At habang nag lalakad padilim  na ng padilim,

"Syvier,may liwanag sa dulo."pagtutukoy niya sa unahan

Tiningnan ko muli,at tama nga siya

Humakbang na ulit kami ,habang papalapit kami sa liwanag,mas lumalaki ispasyo ng lugar at liwanag ng paligid.

May mga nakita narin aking mga puno at dahon.

Sa huling paghakbang,nakita ko ang labasan.
At kagubatan ang dulong bahagi ng kweba na aming pinanggalingan.

"Ligtas na tayo"sambit ni Lyconne
Na may galak

"Tingin ko din"sagot ko

"Syvier,gusto kong magpahinga"

Tumango ako

"Kailangan natin ng mapag papahingahan"

"Doon!"sabay turo sa malaking puno na may malaking butas sa baba nito.

"Tara"sabi ko

Tumakbo naman siya at nauna na sa akin

Ako naman ay kumuha ng bato at mga kahit maaaring maging panggatong

Tama lang ng lugar para saamin dalwa,dito na muna kami magpapalipas ng gabi..

Doll Maker(BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon