Way out

103 8 0
                                    




"Syvier Pov"


Hindi ko na mabilang ang araw ng aming pananatili dito.

Sa mga oras at araw ,naging maayos naman kami dito.

Mula ng gumising ako ng araw na hinabol kami,hindi ko alam kong hahanga ba ako o magugulat ng makita ang mga apoy sa paligid.

Paano niya nagawa iyon sa ganon kabilis na oras.

Patuloy parin kami sa pag hahanap ng puso ng  halimaw..
Hindi na ito tulad ng sandali na parati kaming tumatakbo at hinahabol ng mga baging na yun.

Kaya kahit na kailangan na namin mahanap ang puso,hindi na ito tulad ng dating  pagod na pagod ako.

Nanumbalik naman agad ang aking mga sinulid ng makapag pahinga ako.
At  sa ngayon,nakabuo na ako higit pa sa sampung mga manika .

"May nakita ako"sabi ni Lancer

Hindi naman ito kalayuan sakin kaya agad ko siyang pinuntahan.

Tumungo ako upang tingnan ang tinutukoy niya.

Isang bulaklak?
Tumingin ako sa kanya na may pag tatanong.

Pinitas niya ito at humarap sakin
Kaya nagkasalubong ang kilay ko.

Inilapit niya ito sakin.

"Para sayo."sabay abot sakin

Huh??? para saan?
Tinitigan ko ito,hindi kaya binibigay niya ito dahil makakatulong ito samin?

"Mainam na gamot ito,saan?"tanong ko bago abutin at kuhanin ito.

Kakaibang bulaklak,ngayon pa lamang ako nakakita ng ganitong klasing bulaklak.
Bawat taluyot nito ay may kakaibang kintab ,at nagiging asul.

"Hindi ito lunas kong saan mang sakit,ngunit ang makakuha nito at humawak ay magiging maganda ang kinabukasan."

Pampaswerte?Hindi ko inakalang naniniwala pala sa ganitong  mga kasabihan ang mga taong lobo.

Pero,ang sinabi niya tungkol sa kinabukasan ng humawak.

"Kong ganon,hindi ito dapat para sakin..
Kundi para sayo."sabay tulak pabalik sa kanya

"Ngunit gusto kong maging maganda ng mga araw mo.Ang kasiyahan mo ay kasiyahan ko rin."
Bigla ako napatulala sa kanya..
Bumilis muli ang tibok ng puso ko,na tila gustong lumabas sa dibdib ko.

Iniwas ko ang tingin ko  sa kanya
"Ano bang sinasabi mo?"nahihiya kong sabi

Sa totoo lang hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko..
Ano ba ito?
Naguguluhan na ako,para saan ang bilis ng tibok ng puso ko,para saan ang kahihiyan na ito at pag init ng mukha ko.?

Bakit ako nakakaranas nito?

"Syvier,aking Luna...Alam kong hindi tayo nagkakilala sa magandang pagkakataon.Alam kong hiniling ko at napag usapan na natin ang tungkol sa atin sitwasyon habang nanatili ka sa aming pack.

Ngunit,ang wolf ko,sa bawat araw na tumatagal,hindi na niya mahintay pa,hindi siya mapakali at mapalagay..gusto niyang mas lumalim pa ang ating koneksyon.Ng sa ganon hindi ka maagaw samin.
Patawad,hindi ko gustong maging hindi patas sayo..nakikiusap ako,maging akin ka..pakiusap..
Hindi ko na ito makontrol , ayon sa ka gustohan ko.. pakiramdam ko,sa oras na matulog ako,maagaw na niya ang aking buong kataohan.
Isang sagot lamang ang aking nais malaman.Isang salita ,para hindi siya siya kumawala,mapapanatag siya kong makuha niya ang nais niya.."

Ramdam ko na nahihirapan siya sa mga sinabi niya,at nakikita kong hindi isa itong pag bibiro lamang.

Ang maging katuwang niya ay hindi ko yun napag isipan..
Noong dumating kami sa pack nila,isa lamang ang nasa isip ko noon .Ang kaligtasan ng aking kapatid at katahimikan na pamumuhay sa proteksyon ng nga taong lobo.

Doll Maker(BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon