Garden

101 10 0
                                    



"Syvier Pov"


Lahat ng madaanan ko ay mabilis na bumabati.
Ngayong tumagal na ang pananatili namin dito,mas higit ko na silang nakilala .
May mga nakakausap ako at masasabi kong masaya naman pala sila makasalamuha..

Mas naging magaan na ang loob ko sa mga taong lobo.

Lalo pa may nakikita akong mga bata.Nakakatuwa sila..
At ngayon ko lang malaman sa aking na mahilig din pala ako sa mga bata.

Buwan narin ang nakakalipas ng mula kami ay napunta dito sa pack.
Wala paring pinag bago ang mate ng aking kapatid,nakakaasiwa parin silang panoorin.
Ngunit naiintindihan ko naman bakit ganon nalang siya umakto.
Nauunawaan ko na sila,kong ano ang mate o kabiyak nila.
Lumawak narin ang kaalaman ko tungkol sa mga taong lobo.

Kaya tuwing naiisip ko kong anong mga sinabi ko at binitawang mga salita tungkol sa kanila, nahihiya nalang ako  bigla.

Pero kahit na alam ko na,hindi ko parin maiwasan na mainis na sa tuwing sila ay pinapanood.

Dahil sa simpleng dahilan na hindi ko matagal na sila ay panooring kanilang kinikilos.

"Luna,kailan po kayo magkakaroon ng sumpling ni Alpha? malapit na po ba?"
Agad na napatingin ako sa tinig ng bata

Napasinghap naman sa gulat ang ina ng batang kanina lang ay kausap-kausap ko.
Binati nila ako  at binati ko din sila.
Pero nagulat talaga ako ng bigla itong itanong sakin ng bata.

"Pasensya na po Luna,pag pasensya mo siya,makulit lang po talaga siya."pag hingi ng paumanhin ng ina ng bata

"Ayos lang."sabi ko

"Luna , mauuna na po kami.. pasensya na po ulit talaga."sabay tungo at umalis na

Habang papalayo pinagsasabihan niya ang bata tungkol sa sinabi niya sakin.

Maski naman ako nagulat din,..medyo nakakatawa ang katotohanan na ako pala ang katuwang ng Alpha nila.

Pero hindi pa namin napag uusapan ang tungkol dito ni Lancer.
Hindi ko na muli nababaggit ang usapin tungkol sa mate bond.

Tumuloy nalang muli ako sa paglalakad,..Ilang beses narin na ipinasyal ako ni Lancer dito kaya alam ko ang bawat daan.

Malaki ang pack na pinamumunuan ni Lancer.
Kompleto sa mga kagamitan at makabagong pamumuhay,kumpara sa bayan na aming pinag titirahan.

Hindi rin magulo dito at kahit kailan hindi pa ako nakakakita ng mga paglalaban.

Sa aking pag lalakad,hindi ko na alam kong saan ako napunta.
Natagpuan ko nalang sarili ko sa harap ng isang bangin.

Parang naputol na gubat ang lugar na ito.
Tiningnan ko muli ang bangin,sobrang taas..

Sumilip pa ako pababa..
Ng isang kumikinang na maliit na liwanag ang bigla nalang tumaas.
Muntik pa akong matamaan nito buti nalang mabilis ako napaatras .

Kasunod noon ang pag bagsak ng sanga ng puno sa kanina ko lang na kinatatayuan.

Umuusok pa ang pinag putulan ng sanga.
Tila mainit na bagay ang tumama dito.Hindi kaya sanhi ito ng mabilis na liwanag.??

Gamit ang aking mga sinulid,kinuha ko ang mga sangang kahoy at mabilis itong ibinato papaba.

At tulad kanina,may maliwanag na tumama dito at nagkapera-peraso ang sanga na akong binato.

Anong nangyayari..??

.....

"Alpha Lancer Pov"

Doll Maker(BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon