The Lost Chapter

260 8 1
                                        

tumingin ako sa paligid , at muling hinanap ang aking nakakatandang kapatid.

Nasaan na naman ba siya??kanina lang masaya kaming namamasyal habang ipinagdiriwang ang kanyang kaarawan.

Ngunit sandaling nakalingat lamang ako,agad siyang nawala .

nakakapagsisi,na hindi ko siya agad nalagyan ng mahika,upang may makapag turo ng kinaroroonan niya.

tumingala ako at agad na naka isip ng idea.
Mula sa aking kinaapakan,tumalon ako pataas para makaakyat.
at agad ko namang nagawa.

Mula sa taas ng bubong ng isa sa mga tindahan,tinanaw ko ang ibaba.

Maraming mga panauhin sa pamilihan ngayon,at sobrang abala..

Pero...bakit sobra naman yatang matao ngayon?
may pagdiriwang ba sa lugar na ito.?

puno ng pag uusap sa paligid..muli inikot ko ang aking paningin sa paligid,nag babakasakaling makita ang nawawala kong kapatid.

napabuntong hininga na lamang ako

mukhang nahihirapan talaga ako nito...

tumalon ako sa taas ng bawat bubong upang makaiwas sa mga mataong lugar na nasa baba..
hanggang sa nakarinig ako ng isang sigaw.

at pamilyar ito...
sinundan ko agad ang pinanggalingan nito,at natagpuan ko ang nawawala kong nakakatandang kapatid.

higit higit siya ng isang kawal.

tumalon ako pababa..

"sandali..."pigil ko

"kapatid,tulungan mo ako"paghingi ng tulong nito sakin

lumingon sila sakin..

"anong nangyayari dito?..at pakiusap ginoo,bitawan mo ang aking nakakatandang kapatid."
yumuko ako

"Hindi ,dahil mula ng araw na ito,pag aari ko na siya."matigas at malamig na tugon ng kawal.

naalarma ako sa sinabi ng kawal.

agad na nagsalubong ang kilay ko

"kung ganon,mukhang wala na akong magagawa pa...Lyconne,gawin mo ang nararapat."utos ko sa aking nakakatandang kapatid.

nagkatinginan kami ng aking nakakatandang kapatid

at agad niyang nakuha ang ipinahihiwatig ko.

sa pag kumpas ng kanyang kamay..nakawala siya sa kawal,nanigas sa kinatatayuan ang kawal.

"Sabi ko sayo eh,hindi ka agad naniwala...paano,paalam ,sana hindi na muli tayong mag tagpo."si Lyconne na kaharap ang kawal

"Lyco halika na."tawag ko

tumakbo naman ito patungo sakin..

"sandali!,hindi ko ito mapapalagpas... hahanapin kita,at sa oras na muli tayong magtagpo .
Hindi ka na muling makakawala pa."
Puno ng galit na tinig ng kawal.

Hindi kami tumigil at lumingin para siya ay bigyan pa ng pansin.

tingin ko ang mensahe niya ay para kay Lyconne..


tch...at sa tingin niya magagawa niya...?manigas siya.
Hindi ko kailanmang hahayaang magawa niya sa nakakatanda kong kapatid ang nais niya.

Pag sisihan niya ang muli kaming magtatagpo

Doll Maker(BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon