moon light

136 11 0
                                        



"Syvier Pov"

Matalim kong tiningnan ang dalawang tao sa harap ko..Walang iba kundi ang kapatid ko at ang lalaking tinatawag na Beta Dan.

"Dan,hindi ba sabi mo mas mainam na pitasin ko ito kaysa sa isa?bakit ganito ang lasa?"pagtutukoy nito sa prutas na kanina lang ay pinitas nilang dalawa

"Dahil nararapat na itong pitasin.Nais kong matikman mo  ang ibat ibang klase ng prutas  para lalo kang maging malakas"

Nanliit lalo ang mata ko ng makita ko kong paano ayosin ng lalaking iyon ang buhok ng aking Kapatid.

Naaasiwa na ako,may kakaibang kilos ang lalaking ito na ikinaiinis ko ng sobra.

"Beta Dan,layuan mo ang kapatid ko."masama ko siyang tiningnan

Sabay naman silang napatingin sakin at mabilis na dumistansya sa isat isa

"Sabihin mo?ano ang intensyon mo sa kapatid ko ha?.."

Kong  kasing talim lamang ng isang sinulid ang aking tingin kanina pa siya putol putol mula ulo hanggang paa.

"Syvier,mate ko siya.Kaya siya ganito nalang kumilos.Pangkaraniwang gawain lamang ito."

Lumabas yata ang ugat sa sintido ko ng marinig ko ang sinagot niya
"Anong pangkaraniwan ang sinasabi mo?"

"Luna,kumalma po kayo.Totoo ang pag ibig ko para sa kanya,sana hayaan mong ipakita ko ito"

Parang bombang sumabog  ang inis ko sa kanya.

"Pag ibig?anong kahangalan ang sinasabi mo?
Niloloko mo ba ako?huh?..pag ibig ,nag papatawa ka ba?"
Natawa ako ng walang saya

"Luna,alam kong hindi niyo pa lubusang nalalaman ang kabuoang kaalaman sa aming lahi.
Maniwala ka man o hindi,ang mate namin ang totoong pag-ibig namin."
Sabay tingin sa kapatid ko

At ang kapatid kong uto-uto namula naman.
At mukhang nahiya .

"Tch,pag ibig sa ganon kabilis."bulong ko

"Kapatid ko,bigyan mo naman siya ng pagkakataon na makilala natin.Mabait siya taliwas sa inakala natin."
Si Lyconne

"Sinasabi mo bang tatanggapin mo ang pag ibig niya?"hindi ako maka paniwalang tanong

"Oo,dahil mabuti siya at nakakawiling kasama.Masaya ako sa oras  na nakakasama ko siya.Tapos binibigayan niya ako ng masasarap na pagkain.At tingnan mo oh,may binigay siyang regalo."sabay pakita ng isang kwintas

Ganon ka bilis?Ang bilis naman niyang masuhulan.
Dahil sa mabait at materyal na bagay..nakuha agad ang loob niya?
Uto-uto talaga siya

"Beta Dan,hindi kita matatanggap para sa kapatid ko."walang emosyon kong sabi sa kanya

Saka sila iniwan..

"Syvier! sandali!..pakinggan mo muna ako!"
Si Lyconne


..........

"Kanina ka pa dito,lumabas tayo doon hinihintay ka nilang lahat.
Tinig ni Alpha Lancer

"Wala akong gana,gusto kong mapag isa."tugon ko na nanatiling nakatingin sa labas ng bintana.

"May problema ba?"naramdaman ko ang oag lapit niya

"Layuan mo ako"utos ko

Hanggang ngayon nakataas parin ang depensa ko pag siya ay lumalapit.

"Pasensya na."sagot niya

Nagkaroon ng kaunti katahimikan

"Nalaman ko ang nangyari kanina.At kanina ka pa hinihintay ng kapatid mo sa labas.
Gusto ka niyang makausap.. umiiyak siya at nalulungkot."

Biglang pumasok sa isip ko ang mukha ni Lyconne na umiiyak.

Pero agad din naman umiling ako para iwaksi ang nasa isip ko.
Kailangan niyang malaman na hindi ko magugustuhan ang  pag lapit niya sa lalaking iyon.

"Malaki na siya at hindi naniya ako kailangan sa mga desisyon niyang gagawin..
Sabihin mo yun sa kanya.Hindi ako kakain ,gusto ko ng magpahinga."
Saka tumayo na upang humiga sa kama.

"Pero hindi ba parang  pinapakita mo lang sa kanya inilalayo  mo ang sarili mo sa kanya."

"Kong iyon ang iisipin niya,wala na akong magagawa pa."

Kumuha siya ng upuan. At sa hindi kalayuan niya ito nilagay saka umupo.

"Anong ginagawa mo? matutulog na ako."gusto kong iparating na lumabas na siya.

"Gusto kong samahan ka ngayong gabi..."

Nagsalubong ang kilay ko ng sabihin niya ito

"Hindi kita gustong makasama,hindi ako makakatulog kong may kasama ako dito."

Pero hindi siya nagsalita,nakatingin siya sa labas ng bintana.

Tingin ko,pinag mamasdan niya ang buwan at ang liwanag nitong naibibigay sa paligid.

"Noong bata pa lamang ako,isang tanawin mula sa taas ang tumatawag ng aking atensyon.Pakiramdam ko bawat  pagtingin ko mula sa kanya tinatawag niya ako.

Pero alam mo,siya ang nakasama ko sa oras ng hirap at tagumpay.

Siya din ang naghatid sakin para makilala ka.
At matagpuan  ka..."
Tumingin siya sa akin at nakatagpo ang aming mga mata

May kakaibang kinang ang mga mata niya.

Hindi ko alam kong anong nangyari,pero natagpuan ko nalang ang sarili ko na namangha sa kanyang anyo.
Sa tulong ng liwanag ng buwan,nakita ko ang kakaibang anyo niya..

Ang perpekto niyang anyo at hindi ko magawang tanggalin ang tinging panunuri sa kanya.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko at hindi ko alam para saan.
Kaya naman napahawak ako sa tapat nito.

Biglang gumuhit ang malawak niyang ngiti sa labi

Tumikhim ako at iniwas ang tingin.

"Gusto kong mamasyal bukas ng umaga"hindi ko alam kong bakit iyon agad ang lumabas sa bibig ko.
Pero inaamin ko nangangapa ako sa sasabihin ko.
Para maiwasan ang nararamdaman kong kakaiba.

Gusto ko muling tingnan siya para pagmasdan ulit,pero pinipigilan ko na.Baka kong anong isipin niya eh.

"Sasamahan kita,at personal na ipapasyal sa pack"

"Sige,pero sa ngayon maaari bang iwan mo na ako.?"
Nangungusap na mga tingin

"Nauunawaan ko,magandang gabi sayo.Matulog ka ng mahimbing."
Matapos niyang sabihin,siya lumabas na at iniwan ako.

Ng maramdaman ko siya ay nakalayo na.

Mabilis akong napaupo .
Napahawak muli sa tapat ng puso.Anong nangyayari sakin?bakit ako nakaramdam ng ganong pakiramdam sa kanya.

Nagulat at namangha ako sa itsura niya,..
Siguradong dahil lamang iyon sa sinag ng buwan .

"Tama , sigurado iyon.. pagod lang ito.Kailangan ko lang maitulog ito,para pag dating ng bukas , mawawala na ang  kahibangang  pakiramdam na ito"





Doll Maker(BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon