Facing Him

111 11 0
                                    



Alpha Lancer Pov"

"Maghanda sa pagbalik sa Pack"utos ko sa lahat ng aming pack member.

Hindi ko mapigilang hindi lumawak ang ngiti sa aking labi.

Nakita ko siya,kahit nasa ganitong kalagayan masaya parin ako na nasa bisig ko na siya.

Ang mabangong mahalimuyak na nagmumula sa kanya ,na lalo akong nababaliw at hindi mapakali.
Pero pinapanatili ko na hindi matalo ng aking wolf.Gusto kong makilala ako ng aking  mate na  karapat-dapat ako para sa kanya.

Mula sa nalaman kong inpormasyon sa aking Beta,isa nga siyang doll maker.Ito ang unang beses na makatagpo ako at ngayon nasa bisig ko siya .

Mahigpit niyang hinawakan ang aking palad.Mula ng mahawakan ko siya,hindi na niya binitawan .
Nagdidiwang ng labis ang aking buong pagkatao.

"Hoy!salbaheng aso! bitawan mo ang kapatid ko!ilayo mo ang maduming  kamay mo sa kanya!ano ba bitawan mo ako! "Napatingin ako ng walang pinapakitang emosyon sa kapatid ng mate ko.
Nais kong magalit sa mga sinabi niya,ngunit binaliwala ko ang lahat ng pang iinsulto niya,dahil mahalaga siya sa aking Luna

"Pakiusap,huminahon ka mate..Hindi kami masama."aking Beta na patuloy parin sa pangungumbinsi mula ng natagpuan namin sila sa isang maliit na pack.

Walang naganap na pag lalaban ng kami ay makapasok sa pack ng Inska.
Dahil mag kakakilala ang aming pack .

Nakasakay kami  ngayon sa isang karwahe..

"Anong hindi masama?!tingin mo naniniwala ako sayo?matapos niyong habolin kami at dakpin maniniwala pa ako ?"

"Anong gagawin namin para maniwala ka?"tanong ng aking Beta

"Simple lang,hayaan nyo kaming mabuhay ng tahimik.Pakawalan niyo kami para maniwala kami."mabilis na sagot nito

Mabilis na umiling ang aking Beta

"Patawad,pero hindi mangyayari iyon..mate kita,kaya natural na hindi ako mabubuhay kong lalayo ka mula sakin."

Napatitig ang mate nito sa kanya na may pagkagulat.

"Pero bakit?Hindi ko hawak ang buhay mo."tila nabago ang  tinig niya naging mababa ito at nawala ang pagiging matapang niyang tinig.

"Hawak mo na simula ng magtagpo ang landas natin."
Napasinghap ang mate nito

"Talaga?Pero paano ?nakuha ko ang buhay mo?Hindi ito pwedeng mangyari...
Akala ko ,akala ko..--"hindi na niya natuloy ang sasabihin niya,isang pag iyak na ang sunod  na nag mula sa kanya.

"B-bakit?akala ko hindi n-na ako makakaga-gawa ng kasamaan... Bakit? patuloy parin itong nagyayari"
Umiiyak ito

"Huwag ka ng umiyak,hindi ka masama,naniniwala ako sayo."pag aalo nito sa mate niya

"T-talaga? naniniwala ka?"
Gulat nitong tanong

"Naniniwala ako sayo"
Tugon ng aking Beta

Napansin ko ang pagiging iba niya,tulad ng isang inosenting bata ang mate ng aking Beta.
Kaya naman mabilis lamang niya itong nakuha ang loob.

Napatingin naman ako saking mate,paano kaya niya ako matatanggap?
Malaking pag kakaiba niya sa kapatid niya,dahil mas maikukumpara siya sa isang matapang na madirigma.
Mahirap makuha ang loob,pero kong gagamitin ko ang kahinaan niya para manatili siya sa tabi ko,gagawin ko .

Muli akong napatingin sa kapatid niya na ngayon ay mas mahinahon at nakikipag usap sa aking Beta.
Tuluyan na niyang nakuha ang loob nito.

..............

Doll Maker(BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon