"Syvier Pov"
Bawat madaanan naming daanan ay hindi nawawalan ng mga nakaabang na baging.
Nag shift si Lancer,at nakasakay ako sa kanyang likuran ngayon,
Habang ang manika ko naman ginagawa kong panlaban sa mga nais lumapit sa aming baging.
Tila lumilipad kami sa bilis ng kanyang pagtakbo.
Buti nalang rin sanay na ako sa ganitong bilis.
Pero kahit anong bilis namin ,nakikisabay saming bilis ang mga kalaban namin.
Napakapit ako sa balahibo niya ng siya ay tumigil.Muntik pa tuloy akong mapasubsob sa ulo niya.
"Bakit?anong problema"taka kong tanong
Umungol lamang siya ..at tumingin sa paligid.
Patuloy naman sa paggalaw ang aking kinokontrol na manika .
Muli silang dumami at parang isang malakas na alon na handa kaming hampasin.
Nagkaroon ng paggalaw sa harap namin,nagkabitak ang lupa ,..
At tulad ng inaasahan ko.
Nag uunahan na lumabas ang mga baging.
Tumalon ng mataas si Lancer.Agarang ginamit ko ang aking sinulid upang gumawa ng sandata para puksain ito.
Ngunit tulad nong una,sandali lamang napipigilan sila ,at mabilis ding dumarami.
Naliligo narin ako ng malamig na pawis kahit pa , malamig sa lugar na ito.
Sinungaling ako kong sasabihin kong hindi ako natatakot sa sitwasyon namin.
Kanina pa kami tumatakbo at napapagod narin ang katawan ko ,lalo na't patuloy sa paggamit ko ng aking kakayahan.
May hanggang din ang aking kapangyarihan.
Pero hindi pwedeng magpahinga..
Hindi din namin ginamit ang apoy,dahil mamatay lamang ito habang kami ay tumatakbo.
Naramdaman ko ang pag putol ng aking isa sa mga sinulid.
Kaya nagkaroon na kaunting pagkagulo sa aking kinokontrol na manika na nagsanhi upang hindi ko ito napasunod ,kaya hindi ito makaiwas ng muli siyang atakehin ng mga nagsanib pwersang nais kaming bihagin.
Hinila ko pa ito ngunit kanang kamay niyo ay agad na nahila ng mga baging.Dahil sa pwersang paghihilahan namin,naputol ito at nasira.
Ginamit ko na ang ilang sinulid upang muli siya ay pagalawin upang ito ay makalaban sa muling pagsugod.
Kahit nawalan siya ng kabilang braso nagagawa parin naman makipag sabayan sa nais kong galaw
Pero dahil sa panghihina , napuputol at humihina ang aking mga binubuong sinulid.
Kailangan ko nang ipagpahinga ito.Kong magpapatuloy pa baka maabot ko na ang hangganan ko.
"Lancer,humanap tayo ng maaaring papahingahan.
Hindi ko alam kong hanggang saan ko pa kayang magpatuloy"sabi ko na sumusuko na
Umungol ito,hindi ko alam kong anong sagot niya pero tingin ko naiintindihan niya ang sinabi ko.
Mas bumilis ang pagtakbo niya.
.........
Tumigil kami sa lugar kong saan,may liwanag.
At tingin ko nakatulong ito para hindi agad kami malapitan ng mga baging.
Agad namang nag shift sa pagiging katawang tao si Lancer.
Tulad ng aming naging plano,nagsindi kami ng apoy para kahit ba nakaupo lamang kami at walang gawin ay hindi kami malalapitan ng mga halimaw.
Nagawa naman namin kaya nakahinga na ako ng matiwasay.
Napaupo nalang ako sa lupa dahil sa pagod.
Ngayon ko lang naramdaman ang lahat ng pagod .
Tumabi sakin si Lancer..at may inilagay sa harap ko.
Isa itong bungang prutas.Nag tataka naman akong napatingin sa kanya.
BINABASA MO ANG
Doll Maker(BL)
FantasyAng pagtakas ang aming naging daan upang kami ay magtagpo. Inakala kong isa siyang kalaban,at itinuring masamang kalaban. Pero nag kamali ako,dahil isa siyang mabait na nilalang. Binuksan niya ang mga mata ko sa katotohanan. At Isa na doon ang pagig...
