Ending

161 9 0
                                    



"Alpha Lancer Pov"


Matalim kong tiningnan ang babaeng ugat.

Lalo pa siyang lumalapit sa aking Luna na parang isang linta kong makakapit.

Mula ng kausapin siya ng aking Luna,nag salita nga ito.

Nakiusap ang aking Luna,na hahayaan niya kaming makalabas sa lugar na ito.
At pumayag nga ito.

Kaya nakalabas kami ng hindi kami ginagalaw ng mga ugat niyang nakakalat sa paligid.

Pero ang labis kong ikinaiinis,ay ang makitang  dikit siya ng dikit aking Luna.

Kong ako ang masusunod,kanina pa siya naputol-putol.

Siya ang naghatid samin sa pinto.

"Hanggang dito na lamang ako,Sivy."
Sabi ng babaeng ugat

Nag init naman sa inis  ang aking kalooban ng marinig iyon.

"Kong ganon...
paaalam na ,Vines."aking Luna

"Sivy,huwag mong kalimutan ang pagdalaw dito ha..hihintayin kita..."
Sinabayan pa ito  ng pagtawa na masayang masaya.

"Pangako yon,kaya tutuparin ko ..magsasama din ako ng ilang mga regalo para sayo."

Hindi na ako natutuwa ,kong mag usap sila pakiramdam ko,malalim na agad ang kanilang pinagsamahan.
Samantalang nong panahon na kami ay magtagpo,pinaghirap ko pa ng matindi bago ko nakuha ang loob niya.

May umalpas na mahinang pag angil sakin.hindi ko lang talaga kayang makinig sa kanila ng pag uusap.

Narinig ko nalang ang sabay nilang pagtawa .

"Vines,sana mag ingat ka parati.. Salamat muli..Aalis na kami."

Tumango tango naman ang babaeng ugat.

"Sayo  din,Sivy.. Salamat ."pagtutukoy nito sa pag titiwala ng aking Luna sa kanya.

Matapos ang pag uusap nila,nakalabas na kami sa lugar na iyon..

Nakita ko pa ang mabilis na pag labas ng mga pack worroir na aming nakasama bago pa man magsara  ang lagusan.

Nagawa nila ang trabaho nila ayon sa gusto ko.
Tingin ko dapat lamang silang bigyan ng pabuya.

.........



"Syvier Pov"

Sinalubong ako ng mahigpit ng yakap ng aking iyaking kapatid.

Daig pa ang bata sa pag tangis nito. Nahiya naman ako bigla siyang suminga sa damit ko.
Kaya naman nawala ang kanina kong kasiyahan at napalitan ng pagka inis.

"Hanggang ngayon,hindi ka parin nagbabago.Napaka bastos  mo parin."
Imbis na lumayo,mas lalo pa niyang sinubsob ang mukha niya sa damit ko.

Sabay ungot.

"Lumayo ka nga!"sigaw ko dito
At tinulak siya.

Pero nakangising aso ito..
Napapailing na umiinit ang ulo ko sa ginagawa nito eh.

"Sumama ka sakin,may ipapakita ako."
Akala mo ,walang nagawa kasalanan eh.
Pang inis talaga siya.

Tumingin ako kay Lancer..
Tumango naman siya para sabihin na sumunod ako.

Hindi mapakali ang kapatid ko,parang naka inom siya ng gamot na pang masigla  ng sobra eh.

"San mo ba ako dadalhin?"

"Basta ,masusupresa ka"
Sabay hagikhik nito.

Parang may kakaibang plano siya na dapat pag handaan ko.

Doll Maker(BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon