"Syvier Pov"
"Lyconne,nandito na ako!"tawag ko sa kanya
Inayos ko na ang aking mga pinamili.
Hinanda ko narin ang aking lulutuin,para sa tanghalian.
"Lyconne,tulungan mo naman ako dito."
Tawag ko muli sa kanya
Minuto ang dumaan ngunit wala pa ito,
"Lyconne!"saka iniwan ko ang aking ginagawa
Nakakapagtaka naman,ano nanaman ba ang ipinagkakaabalahan niya.?
Dahil ba ito sa bagong manika niya.?
Tumungo ako sa kanyang silid upang siya ay tingnan.
Sa aking pagbukas ng pinto.. tahimik ang buong lugar.
Inikot ko pa ang aking paningin sa paligid at napansin wala siya .
Naglakad ako papasok,bukas ang bintana..
Huminga ako ng malalim..
Mukhang nangyari na naman..
Diri-diretso akong lumabas ng bintana at tama nga ang hinala ko.
Nakaupo siya sa bubong ng aming tahanan habang katabi ang manika na ngayon ay kasing laki na niya.
Umupo ako sa tabi niya..malayo ang kanyang tanaw at malalim ang iniisip.
"May problema ba?"tanong ko
"Nanaginip ako ,na magkakalayo tayo..
At hindi ko iyon gustong mangyari.Gusto ko nasa tabi lang kita at hindi tayo magkakalayo.Malulungkot ako ng sobra ."
Hindi ako tumingin sa kanya tulad niya ay nakatingin lamang ako sa kalayuan.
"Sa tingin mo ba mangyayari iyon?...."
Tumingin siya at umiling
"maniwala ka kahit dumating ang oras na tayo ay magkahiwalay.Asahan mo,hahanapin kita at kahit nasa malayo ako,tatanawin kita at laging babantayan.Pangako yan"
Rinig kong napasinghot siya na mukhang umiiyak na naman
"Bakit ba kailangan nating magtago?Hindi patas sa atin ang mundo.Palagi nalang tayong nagtatago na parang may ginawa tayong mali..at dahil din doon,nawala satin ang ating pamilya."
Umiiyak niyang sabi
Hindi ko alam ang sasabihin.. nanatili akong tahimik
Kahit ako ay ganon din ang aking katanungan ng hindi ko pa nauunawaan ang lahat.
Ngunit napag tanto ko na,kailangan kong maging malakas para saaking nakakatandang kapatid .
Siya nalamang ang natitirang dahilan para mabuhay ako.
Hindi ko siya maaaring pabayaan,lalo na baka maulit muli ang dating trahedya nagbigay ng takot sa kanyang pagkatao.
Biglang tumunog ang sikmura ni Lyconne,agad na napatawa ako.
Ang kaninang malungkot na aming kinapwe-pwestohan ay napalitan ng katatawanan.
"Tinatanawanan mo ba ako?"
Tanong niya na parang inapi
"Oo,mukhang hindi ka kumain ng nakalaan kong pagkain para sayo."
Sabay tawa
Napasimangot ito ay hindi na maipinta ang mukha.
"Halika na,mag luluto na ako at kailangan ko ng tulong mo."
Tahimik ito at namumula ang mukha sa hiya.
Tumayo na ako
At pumasok sa bintana na aking dinaanan.
Nakasunod naman siya na pabulong bulong.
Ibang klase talaga siya.
........
BINABASA MO ANG
Doll Maker(BL)
FantasyAng pagtakas ang aming naging daan upang kami ay magtagpo. Inakala kong isa siyang kalaban,at itinuring masamang kalaban. Pero nag kamali ako,dahil isa siyang mabait na nilalang. Binuksan niya ang mga mata ko sa katotohanan. At Isa na doon ang pagig...
