Bata pa lang ako ramdam kong may kulang sa pagkatao ko, ngunit hindi ko mawari kung ano.
Hanggang ngayon pa rin naman ay ganoon, may kulang pa rin na kahit anong punan ang gawin ko hindi maalis.
Nilalayuan ako ng lahat sa kadahilanang kakaiba ako, alam ko 'yun, normal naman ako pero bakit ganito? Bakit may kakaiba? Anong mali?
Sa aking mga naiisip, kusa na lamang pumikit ang aking mga mata at dinalaw ng antok dala na rin ng kapaguran.
"Bumangon ka iha, ngayon din."
Naririnig ko ang boses lalaki na napakalalim. Pilit kong nilabanan ang antok upang tugunin ang nagsalita.
"Hmmm, ano po 'yun?"
"Nais mo bang malaman ang iyong tunay na pagkatao?"
"Syempre naman po."
"Kung gano'n ganito 'yan, ikaw ay may kambal, kaya kahit anong punan ang gawin mo ay may kulang pa rin tama?
"Opo, p-pero paano po nangyari 'yun?"
"Dahil hindi ka talaga normal, hindi kayo normal ng iyong kambal."
"Ginogoyo niyo po ba ako? Alam kong gwapo ka pero 'wag naman po ganiyan."
"Salamat sa compliment, pero hindi ako nagsisinungaling."
"Paano ko naman po mahahanap ang kambal ko?"
"Paano sila mama? Ang pamilya ko?"
"Hindi mo sila tunay na pamilya kaya 'wag kang mag-alala."
"Eh? Seryoso ka po ba riyan? Kuya gwapo 'wag naman ganiyan."
"Hayaan mo akong i-kuwento sa iyo ang lahat, may kambal ka makikita mo siya sa isang lugar na puno ng mga magagandang tanawin, gagabayan ka ng iyong puso, sa pagpunta roon malalaman mo kung nasaan siya dahil iisa lamang kayo ng pinanggalingan, instinct ng magkambal kumbaga."
"Ang hirap naman pong paniwalaan kuya gwapo, ano ba 'yan."
"O siya aalis na ako sapat na iyang impormasyon na binigay ko. Paalam."
"Teka, kuya gwapo!"
Hinabol ko siya nang hinabol ngunit wala na...
Naglaho na siya nang parang bula, kasabay no'n ay ang....
"ELLE! GISING NA TANGHALI NA!"
Ayy panaginip lang pala 'yon.
Bumangon na ako at nagsimula sa gawain, grabe impact ng panaginip na 'yun, lalo na at lagi lagi kapag may panaginip ako ay wala akong matandaan.
I'm curious and I wanna try but I'm scared. Many questions are running in my mind.
Lumipas pa ang ilang araw. I decided to try and to find the missing piece in my life. Walang mawawala kung magtitiwala ako sa panaginip ko.
It's like a sign. A prophecy? I don't know exactly.
*Fast forward*
I'm here and ready to go, no one knows about this. Ayaw kong makaabala pa sa iba.
Mag-isa ko nang tinatahak ang kabundukan, roon ako unang maghahanap.
Imposible man ito, nagbabakasakali pa rin ako.
___
Tatlong araw na ang aking nalalakbay, paubos na ang aking dalang pagkain, sa nagdaang mga araw may nararamdaman akong kakaiba.Bumibilis ang tibok ng puso ko at babagal naman kapag parang mali ang dinaraanan ko. Cool, totoo nga siguro si kuya gwapo, sana nga...
___
May natagpuan na akong maraming puno na kakaiba at mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko.

YOU ARE READING
Glimpse
RandomAll the one shot stories I've made will be posted here. Random genre.