Ang kaharian ng Bathala kung saan may mga naglilingkod na mga anghel sa kaniya.
Masayang namumuhay ang lahat ng anghel, walang mabibigat na problemang kinahaharap at simple lang ang pamumuhay.
May kaniya-kaniyang tungkulin ang bawat anghel at ang iba naman ay may misyon na bigay ng Bathala na kung saan sila ay may mga mataas na katungkulan sa kaharian. Si Bathala naman ang pinakamataas at ang nangangasiwa sa nasasakupan.
Isa na rito si Lucigel. Ang tumatayong kanang kamay ni Bathala, pinakamasunurin, mabait at matapang na misyonero.
Dahil sa angking kakayahan ni Lucigel, marami siyang nagagawang kabutihan. Marami rin ang may ayaw sa kaniya dahil sa mahirap na anghel lang ang pamilya niya, tapos siya ang naging kanang kamay ni Bathala.
Minsan ng napagtripan si Lucigel ng kapwa niya mga misyonerong anghel, ngunit hindi na lamang niya ito pinapansin sapagkat mas nangunguna pa rin ang kabutihang loob sa kaniya.
"Lucigel!" Pagtawag sa kaniya ni Cypher, isa sa madalas mag-utos kay Lucigel.
Si Cypher ay isang mayamang anghel, sapagkat mula sa ninuno niya pa galing ang kaniyang yaman. Kaya gano'n na lang kung makaalipusta sa mga mahihirap. Hindi ito alam ni Bathala dahil kapag kaharap ni Cypher si Bathala ay akala mo napakabait, at mabuting tagasunod.
"Ano iyon, Cypher?" Wika ni Lucigel.
"Nais kong ikaw ang tumapos ng aking misyon ngayong hapon."
"N-ngunit—"
Hindi na natapos pa ni Lucigel ang kaniyang sasabihin nang magsalita ulit si Cypher.
"Gagawin mo ang ipinag-uutos ko o may mangyayaring—"
"Oo na!"
"Ayan, masunurin naman pala eh."
Kasabay noon ay ang pagdating din ng mga kaibigan ni Cypher.
"Kayo ba ay may nais ipagawa?" Pagsasalita ni Cypher.
"Opo, kaya lang ay—"
Hindi na naituloy pa ng kaibigan ni Cypher ang sasabihin sapagkat muling nagsalita si Cypher.
"Hayaan niyong si Lucigel ang gumawa ng inyong gagawin."
"Pero—"
Naputol muli ang sasabihin ni Lucigel sapagkat, siya'y tinitigan ni Cypher nang masama.
Kinuha naman ng mga kaibigan ni Cypher ang pagkakataong iyon upang magsalita.
"Pero Punong Cypher baka ikagalit ito ni Bathala lalo na at para sa amin ang misyong iniatas niya."
Pangangambang salita ng babaeng kaibigan ni Cypher, na sinang-ayunan naman ng isa pang kaibigang lalaki ni Cypher.
"Hindi magagalit si Bathala kung walang magsusumbomg sa inyo, lalo ka na Lucigel."
Tumango lamang si Lucigel bilang pagsang-ayon, sapagkat alam niyang may masamang mangyayari kapag tumutol siya sa nais ni Cypher.
Ibinigay ng dalawang kaibigan ni Cypher ang misyong dapat sila ang gagawa.
"Mamayang gabi, aasahan namin na magagawa mo ang misyon namin."
Pahabol na sabi ng mga kaibigan ni Cypher.
Nakita namn ito ni Gellic, ang kaibigan ni Lucigel.
"Ginawa na naman nila sa iyo."
"Ayos lang nman, madali lang ito." Sagot naman ni Lucigel.
"Lucigel naman, lagi ka na lang nilang ginaganiyan. Paano sila matututo niyan, hayst."
"Hayaan mo na, para wala na ring gulo."

YOU ARE READING
Glimpse
RandomAll the one shot stories I've made will be posted here. Random genre.