We Met But There Is A Limit

0 0 0
                                    

Hi! I'm Yanyan 15 years old and Grade 10 student. Sa school, kilala ako bilang shy type person at totoo naman iyon, hindi ko alam kung bakit pero feel ko lang na parang hindi ako belong. Yes, I have one friend in school and she is also my classmate but I can't feel it. Kasi sa tuwing nandiyan 'yung circle of friends niya naiiwan akong mag-isa tapos kapag wala naman saka ako 'yung lalapitan, parang ang dating ay panakip butas lang niya ako.

Madalas kong kasama ay ang aking notebook at ballpen, doon ko sinusulat ang lahat ng gusto ko.

Naalala ko new year no'n, nag-wish ako at ang isa sa wish ko roon ay magkaroon ng tunay na kaibigan na masasandalan ko kapag may problema ako.

Hanggang ngayon, hindi pa rin dumarating 'yon, but I'm still hoping and maybe God has a good plan for me.

Ngayon ako ay maghihintay na lang muna, kaya ko pa naman tiisin lahat basta alam kong darating din ang oras na sasaya ako, na mahahanap ko rin 'yung tunay para sa akin.

We are graduating students and I'm still hardworking because I want to be a honor. Para maging proud man lang ang magulang ko sa akin.

After 3 months, finally I got what I wanted! I'm honor students of our batch. Masaya ako na kahit hindi ko pa man nakikita ang tunay na kaibigan ay naging maayos naman ang lahat kahit mahirap ang maging mag-isa at sarilihin lahat ng problema.

Bakasyon na namin ngayon at wala akong magawa kundi ang mag-browse sa social media, gumawa ng gawaing bahay, at magbasa ng mga libro.

***
Sunday morning, I was browsing my social media when suddenly a rp'ier like me chatted me. I am new member in role play world and I don't have that much friends in there.

Nagulat ako nung may nag-chat sa akin na isang boy rp'ier, first time 'yun kasi isa lang ka-chat ko sa rp at isa 'yong babae.

I got curious so, I replied to him. Nagkausap kami at natutuwa ako kasi ang saya niya kausap. Usually hindi ako ganito dati at walang ibang nakapagparamdam sa akin ng gano'ng kasiyahan.

Dati-rati hindi ko gaanong binubuksan ang role play account ko dahil pampalipas oras ko lang 'yon sa tuwing wala akong magawa. Pero simula ng nagkausap kami ni Galvin ay lagi-lagi na akong naka-online sa rp.

Lagi-lagi rin kami nag-uusap hanggang isang buwan na ang nakakalipas at nagsabihan na kami ng ra o mas kilala sa tawag na real account, parehas kaming nagpasya upang maipagpatuloy ang aming nasimulang pag-uusap at pagkakaibigan.

Naging magaan talaga ang loob ko sa kaniya at gano'n din siya sa akin. Sa ra na kami nag-usap at nagpakilala. Kilala niya ako bilang Amy sa rp at kilala ko naman siya bilang Galvin sa rp. At ngayon na nasa ra na kami ipinakilala ko ang aking sarili bilang Yanyan at siya naman ay si Karl.

Marami pa kaming pag-uusap na ginawa at puro lang ako tawa kasi naman napaka-joker niyang tao.

Minsan ay nagsasabihan kami ng mga problema pero madalas ay ako ang nagsasabi at lagi siyang nagbibigay ng payo sa akin.

Napakaswerte ko na dumating siya sa buhay ko, na-feel ko na may isang totoong kaibigan ako.

At doon ko naalala 'yung wish ko nung bagong taon. Sana ito na nga, sana siya na, sana si Karl na ang kaibigan ko habang buhay.

Nafi-feel ko na siya na 'yung bigay ni God na kaibigang masasandalan ko at gano'n din siya sa akin.

Kahit na sa internet ko lang siya nakilala sobrang gaan ng loob ko sa kaniya.

Nasabi niya sa akin na medyo may kalayuan 'yung bahay niya sa amin kaya malabo pa kaming magkita pero alam ko balang araw magkikita rin kami.

***
Month passed by, simula na naman ng klase. Karl and I are talking about our classes and our new journey.

GlimpseWhere stories live. Discover now