"Elreize, hey let's go inside. Our group mates are already there and waiting for us."
"Oh yeah sorry. Natulala pala ako saglit." Natatawa-tawa kong sagot, hindi 'yung tawang galak o masaya kung hindi tawang nahihiya dahil sa nangyari. Awkward feeling.
"Ayos lang ngayon mo pa lang kasi nakita itong school since you are a transferee, tara na."
Yeah, it's true. It's my first time to see this school, and it's all new to my sight. It's kinda weird for me.
Anyway, we are here in front of the arc of our school, Arkaed High School. Ready to enter and roam around, my new school.
Nandito pala kami para mag-present ng aming ginawang robot. Kakaiba nga ang school na ito, iba ang mga subjects ngunit mas binibigyang pansin ng school ang technology.
Iba rin ang schedule ng klase at hindi ko alam kung bakit. Noong magsimula ang aming klase, ang unang linggo ay sa bahay lamang at nagbibigay ng mga activities na gagawin.
Ngayon ay ikalawang linggo na namin na nag-aaral dito at sa unang pagkakataon ay naitapak ko ang aking mga paa sa school na ito.
Kapag natapos na naman ang isang linggo na ito ay isang linggo ulit kaming sa bahay lang mag-aaral, alternate ang pagpasok dito sa Arkaed High School.
Hindi ito normal gaya noong nakasanayan ko na laging nasa school papasok, hindi ko nga alam kung bakit ganito ang patakaran nila ngunit wala naman akong magagawa dahil ito lamang ang pinakamalapit na school na nahanap ng magulang ko.
Bakit pa kasi kami lumipat ng bahay? Tss. Hayst, bahala na. I just hope, na ma-enjoy ko ang ganitong set up, bruh.
"Hoy, Elreize! Tulala ka na naman. Hindi mo man lang namalayan na nandito na tayo sa room natin. Okay ka lang ba? May ba masakit sa iyo? Ano? Tell me."
"Isa-isa lang, Nhicah okay? Gosh, you're so paranoid. I'm perfectly fine, don't worry. It's just that..." Bahagya pa akong nag-isip ng sasabihin kay Nhicah.
"It's just that, what?"
"It's just that I'm thinking something that's why I'm spaced out."
"Okay, if you say so. I'll introduce you to our group mates and some of my close friends too."
"Sure."
After I response to her, she got the attention of our group mates.
"Guys! Nandito na si Elreize at dahil bago lang siya rito, introduce yourselves to her."
"Hello Elreize, my name is Jhuliane G. Tolentino."
She gave me a wide smile, 'yung tipong nakakahawa ang ngiti niya.
"I am Gracelle T. Garcia."
She has an irritated look auh, is it because I'm late?
"Jowie F. Morino."
Cold huh.
"Ang pinakagwapo sa lahat walang iba kundi ako, Aldwin M. Florentine."
Mahangin ang isang 'to.
Saktong-sakto pagkatapos ni Aldwin magsalita ay dumating si ma'am.
Hinila agad ako ni Nhicah, paupo sa bandang likod. Sa gitnang upuan pa ako! Sa kaliwa ko ay si Nhicah at sa kanan naman ay si cold guy.
"Good morning, class."
"Good morning, Ma'am Mella."
"Take your sit. Anyway, hindi muna itutuloy ang presentation ng inyong mga gawang robots dahil busy ang technology department ngayon, iwan niyo na lang sa laboratory para hindi niyo na bibitbitin ulit, may oras pa kayo para pagbutihin ang pag-present. Good luck."

YOU ARE READING
Glimpse
RandomAll the one shot stories I've made will be posted here. Random genre.