Bagong taon, bagong simula na naman ng buhay ko at ng mga nasa paligid ko.
Sana masaya ang taon na ito. Sana tulad noong nakaraan na maganda ang naging takbo ng buhay ko.
Buo ang pamilya, may solid na mga kaibigan, at may mapagmahal na boyfriend. Sana maging kasa-kasama ko pa rin sila nang matagal.
"Amora Snow, ano pang hinihintay mo riyan? Wala ng fireworks oh. Kain na tayo, pasok na sa loob."
Natigil ang pagtingin ko sa kalangitan ng tawagin ako ni mama.
"Ayan na po mama."
Salo-salo kami ngayong kumakain at nagkukuwentuhan. Ang saya saya.
*Phone Ringing*
Si loves na ata ito. Sabi ng isip ko.
At pagtingin ko sa screen ng cellphone ko siya nga.
"Loves, Happy New Year! Bukas na lang ako pupunta riyan, bonding muna tayo sa family natin."
"Happy New Year din, Weyb!"
"A-aray loves, sa pangalan lang ako tinawag at hindi na loves."
Umakto siyang nasasaktan at nakahawak pa sa kaniyang dibdib. Si loves talaga, he never failed me. Kaya inlove na inlove ako sa kaniya eh.
"Nahihiya ako kaharap ko family ko, aasarin lang nila ako eh." Sabay pout.
"Ayy sus si loves talaga, tigilan mo na nga 'yang pout mo, kung nandiyan lang ako halik 'yan sa akin."
"Weyb!"
"It's 'loves' okay?"
"Sige na anak tawagin mo na siyang 'loves' huwag ka ng mahiya sa amin, kami lang 'to." Pagsabat ni papa.
"Kaya nga, dinig na dinig naman namin kayo." Pagsang-ayon ni mama.
"Dinig mo 'yon loves? Nasa panig ko sila tita at tito."
"Tse!"
"Loves, 'wag ka na maasar pfft."
"Loves mo mukha mo."
___
Lumipas na ang January 1. Nakapagkita at nakapag-bonding na rin kami ni loves. At ngayon ay January 2, mag-oouting ang family ko.Si Papa, Mama, Lola, ako at ang kapatid kong lalaki na si Carl ang kasama. Sayang nga at hindi puwede sila loves.
Hindi rin makakasama sila Chin, Nics, Zei, at Ken, mga kaibigan ko dahil may kaniya-kaniya rin silang lakad.
"Tara na!"
"Yehey!" Sigaw ni Carl.
Ang cute cute talaga ng kapatid ko, syempre mana sa ate.
Si Papa ang nagda-drive katabi si mama at kalong kalong si Carl.
Kami naman ni Lola ang nasa likuran. Sabi ni papa sa probinsya kami pupunta.
Nasa kalagitnaan na kami ng biyahe nang may biglang paparating na rumaragasang malaking truck.
Napakabilis ng pangyayari. Parang nahinto ang oras at ang tanging nararamdaman ko lang ay ang yakap ni Lola, niyakap niya ako upang hindi ako masaktan.
"L-lola!"
"W-wag kang sumigaw, apo. Buhay pa ako."
Kumalas ako sa pagkakayakap niya at dumako ang tingin ko kila mama.
"P-papa, mama, Carl!"
Humihinga pa sila. Thanks God.
Kinapa ko na agad ang cellphone ko at nag dial upang humingi ng tulong.
YOU ARE READING
Glimpse
RandomAll the one shot stories I've made will be posted here. Random genre.