Krystine's POV
"Krystel! Ikaw na muna bahala kay lola ah. 'Wag kayong magpabaya, kain on time tapos 'yung oras ng pag-inom ng gamot huwag kalilimutan."
"Oo Krystine, ikaw rin mag-ingat ka ha."
"Syempre naman, o siya aalis na ako."
Umalis na nga ako sa bahay upang makipag-meet kay Mr. Roelle, may pag-uusapan kami para sa trabaho na maaari kong kunin.
Iniwan ko muna sa bahay si Krystel, may shift kami sa bahay. Sa umaga ay si Krystel ang bantay kay lola at ako naman sa gabi. May sakit kasi si lola na cancer kaya kailangan talagang bantayan dahil kung hindi ay baka hindi na namin pa makitang humihinga si lola. Kaming dalawa na lang ni Krystel sa buhay ang nagtataguyod kaya gagawin namin ang lahat para kay lola.
1 hour and 30 minutes pa ang biyahe bago mapunta sa pagkikitaan naming parke.
___
Nakarating na ako ngunit wala pa rin si Mr. Roelle, tinext ko na siya ilang minuto ang makalipas ngunit wala pa siyang reply.Hayyy, huminga muna ako nang malalim at pinagmasdan ang paligid ng parke. Maganda, maaliwalas, maraming mga vendors, wala pang masyadong tao 'pagkat umaga pa lang. Marami rin ang mga luntiang halaman at ang asul na asul na kalangitan.
Maya maya ay nag-vibrate ang aking cellphone at si Mr. Roelle iyon, binuksan ko ang mensahe at binasa.
"Good morning Krystine! I'll be late, there's an urgent meeting. Sorry!"
___
Tanghali na ngunit wala pa rin si Mr. Roelle, napagpasyahan ko munang kumain sa isang fast food na malapit lang dito sa parke.Nag-order lang ako ng rice, chicken, and drinks para sa aking tanghalian. Matapos kong makuha 'yung order ko ay pumuwesto ako sa may glass window upang makita ang labas.
Nang ako ay matapos bitbit ko ang tray ng pinaglagyan sa mga pagkain upang ilagay sa pinaglalagyan.
Biglang tumunog ang cellphone ko kaya hinugot ko sa shoulder bag na dala ko, dahil hindi ako nakatingin sa daan ay may nabangga ako, tumapon ang dala niyang pagkain sa damit ko.
Auh...self naman kasi hindi nag-iingat eh.
"Miss, sorry. Hindi ko rin kasi napansin 'yung dinadaanan ko, pasensya na."
"Ayos lang, may kasalanan din naman ako, patawad."
"Pano 'yan miss? Basang basa 'yung damit mo."
"Don't mind, matutuyo rin 'yan."
"No, halika bibilhan kita ng damit."
"Nako, 'wag na Mr."
"I insist, hayaan mo na okay? Tara na, isuot mo muna 'yung coat ko para hindi bumakat."
"Salamat, Mr?"
"Iann."
"Salamat, Iann. I'm Krystine."
___
Gaya nga ng sabi nya pumunta kami sa mall at bumili ng damit ko. Nakakahiya man pero no choice ako.Matapos mamili ay nagpalit na ako, inaya niya rin akong kumain sa isang resto. Ni-request niya at pumayag ako upang makabawi sa kaniya.
"Uhm, Krystine hindi ka ba busy? Baka mamaya nakakadisturbo ako sa iyo."
"Hmm, actually may hinihintay akong kakilala."
"Oh, let's hurry then. Baka mamaya nandiyan na siya."
Matapos kumain ay bumalik kami sa parke, sumabay siya sa akin papunta. Nang makarating ay nagpaalam na siya sa akin na aalis na, saktong naka-receive ako ng text mula kay Mr. Roelle na nagsasabing...
"Baka mamaya pang hapon ang punta ko riyan. Mahihintay mo pa ba?"
I replied to him.
"Yes, until 3:30pm."
YOU ARE READING
Glimpse
RandomAll the one shot stories I've made will be posted here. Random genre.