Hell-En Lu High School

1 1 0
                                    

Xandra is my name and I will go to my new school. The name of my new school is Hell-En Lu High School, just the first mention of the name it gives me goosebumps and I don't know the reason.

Since I was not comfortable with the name of my new school, I conducted some research and I gathered all the information from the article I've read.

Ang school na aking papasukan ngayong taon ay itinatag noong 1975. Matanda na ang school, dalawampu't apat na taon na ito at nakatakda ngayong taon ang ika-dalampu't limang anibersaryo ng pagkakatatag dahil ang taon ngayon ay 2000.

Maganda, maayos, malawak, maraming silid at may malaking gymnasium. Ilan lamang 'yan sa paglalarawan ng school.

Ito ay pinagawa ng pamilyang Lu, at ang pangalan ng school ay pinangalan sa nag-iisang anak nina Mr. Henry Lu at Mrs. Lenelie Lu na si Hellen Laurel Lu, na namatay sa isang car accident.

Nasagasaan si Hellen noong pitong taong gulang pa lamang ito. Nasabi raw ni Hellen na kapag lumaki siya ay gusto niyang maging isang guro ngunit sa kasamaang palad ay maaga siyang namayapa. Nakamit naman nila ang hustisya sa pagkamatay nito at nakulong ang nakasagasa sa batang si Hellen.

At iyon ang nag-udyok na ipagawa ang school nang sa ganoong paraan na kahit hindi natupad ang pangarap ni Hellen ay may alaala pa rin siya sa mundong ito.

Ang lolo ni Hellen ang nagpagawa ng school dahil si Hellen ang pinakapaborito sa lahat ng apo.

Kaya pala nagkaroon ako ng goosebumps sa pagbanggit pa lang nang pangalan ng school ay dahil ang pangalan ay kinuha sa isang namayapa. Now it gives sense.

Natulog na lang ako pagkatapos nung research na ginawa ko since tapos na rin akong mag-ayos ng mga gamit ko para sa eskuwela bukas.

-
Nagmulat ako ng aking mata at walang ibang makita kung hindi kadiliman.

"Nasaan ako? Anong lugar ito? Bakit ang dilim?"

Wala akong maaninag na kung ano o kung sino. What's happening?!

"HELLOOO, MAY TAO BA RIYAN?!" Nagpatuloy ako sa paglalakad kahit na hindi ko gaanong maaninag 'yung nilalakaran ko dahil sa sobrang dilim dito.

BOOOOGGSSSHHHH!

Napalingon ako sa aking likuran dahil doon nanggaling ang ingay o dapat kong sabihin na kalabog.

"Sino 'yan?! Magpakita ka!"

Nakarinig pa ako ng mga balibag sa iba't ibang direksyon ngunit hindi pa rin ito nagpapakita o nagsasalita man lang.

"Magpakita ka sabi eh! HINDI AKO NATATAKOT SA IYO!!" Malakas kong sabi, hindi na bago sa akin ang ganitong mga pangyayari.

"Hanapin mo ako BWAHAHA."

"TULONNGGGGGG!!"

"Hustisya ang kailangan namin."

Hindi lang pala siya nag-iisa kundi tatlo sila. Isa silang multo at ako ang napili nilang gambalain tss.

"Tutulungan ko kayo, huwag niyo lang akong sasaktan. Magpakita kayo sa akin." Matapang kong saad.

May biglang humawak sa mga binti ko at mayroon din sa aking mga braso, hindi ko sila makita. Tanging mga kamay lang nila na may malagkit na likido sigurado akong dugo ito kahit hindi ko nakikita. Hinihila nila ako sa kung saan mang direksyon.

"Bitawan niyo ako! Hindi ito ang usapan natin."

"Isasama ka namin." Sabay-sabay nilang sabi at ang mga boses nila nakakakilabot, pinipilit kong kumawala ngunit sadyang malalakas sila kaysa sa akin.

GlimpseWhere stories live. Discover now