The Doll On Top Of The Drawer

0 1 0
                                    

"Nay! Nay! Tingnan niyo po oh, ang ganda nitong doll!"

"Saan mo naman nakuha 'yan? Mukhang bago ah."

"Bigay po sa akin nung babae, sabi niya po sa akin na lang daw ito."

"Nako, 'nak sa susunod 'wag kang tatanggap ng kung ano sa hindi mo kilala. Naiintindihan mo ba?"

Tumango siya sa akin bilang sagot at nakipaglaro na muli sa manika.

———
Nakakain na kami at tinabi naman ng anak ko ang manika sa ibabaw ng drawer, hinayaan ko na lang dahil maghuhugas pa ako ng pinagkainan namin.

Nang matapos ako at napadako nang tingin sa manika na nasa ibabaw ng aming drawer ay siyang ikinataka ko.

Nilapitan ko ito at napasabi ng...

"Bakit parang may kamukha ka? Hayst manika ka lang pero...bakit parang may kakaiba sa iyo. Siguro guni-guni ko lang ito."

———
Lumipas pa ang ilang araw at gano'n pa rin, hindi ko maalala kung mayroon nga bang kamukha o wala.

Madaling araw ngayon kaya tulog na ang aking anak. Bumaba lang ako para kumuha ng maiinom.

Habang umiinom ay nakita kong biglang tumingin paharap sa akin ang manika, kaya nabitawan ko ang basong hawak ko na nagbigay nang ingay.

Nilinis ko ang nabasag at pagkatapos ay binalikan ko ang manika, ngunit 'di na gaya kanina na nakaharap sa akin, ngayon ay balik siya sa kaniyang ayos.

"Ano bang meron ha?!"

"Nay?" Biglang singit ng anak ko marahil ay nagising dahil sa ingay.

"Anak, akyat na tayo sa taas ah. Tutulog na ulit kasi gabi pa eh."

Pupungas-pungas pa siya, kaya imbis na pagtuunan pa ng pansin ang manika ay binaling ko na lang sa anak ko at inaya matulog.

———
Naglalaro ang anak ko, kasama ng manika habang ako ay nakamasid lang sa kanila. Ngunit bigla na naman tumingin paharap sa akin ang manika. Jusko naman ano bang nangyayari?

Pagkatapos ng tanghalian, labis akong natakot ng nasa mesa na ang manika, sa pagkakatanda ko ay nasa drawer ito!

Hawak hawak ko na ngunit nagsalita ito bigla.

"Papatayin kita, Ara."

"Papatayin kita, Ara."

"Papatayin kita, Ara."

Paulit-ulit sinasabi iyon ng manika, palakas nang palakas. Habang ako ay napapaatras dahil sa kutsilyong kaniyang hawak.

Dead end! Wala na akong matakbuhan, handa na niyang itusok ang kutsilyo.

"WAAAAGGGG!!!!"

"Parang awa mo na, w-wag. My daughter needs me."

"Wala na ang anak mo, nauna na siya at susunod ka na." She said in a horrifying voice.

"H-hindiiiiii!"

"Sino ka ba talaga? B-bakit mo ginagawa 'to?"

"Hindi mo ba talaga ako nakikilala? O dinedeny mo lang ang nakaraan?"

"Hindi kita kilala, isang manika ka lang ngunit b-bakit para kang may buhay?"

"Dahil isa akong kaluluwa, kaluluwa na nakasanib dito sa manika, 'di mo pa rin ako nakikilala?"

"Hindi nga sabi eh, sino ka ba?!"

"Well, let me tell you a story, it was a long story back then but I'll make it short for you. Ako lang naman ang kaibigan mo na tinaksil mo, 'di mo ako tinulungan, iniwan mo ako sa ere. Ikaw ang pumatay sa akin!"

GlimpseWhere stories live. Discover now