Vampire: The Solution

0 0 0
                                        

May humahabol sa amin, nasa isang gubat kami at napakadilim. Tumatakbo ako kasama ang aking Itay at Ina.

Hindi ko alam pero madaming humahabol sa amin, wala akong maintindihan, takbo lang kami nang takbo hanggang sa mapadpad kami sa isang malaking kweba.

"A-anak huwag kang aalis dito ha? Ipangako mo." Sabi ni Ina habang humahangos mula sa pagtakbo.

"Pero Ina, saan po kayo pupunta? Baka mapahamak kayo. Sasama si Itay? Sino po 'yung mga humahabol sa atin? Bakit po tayo hinahabol?"

"Anak 'wag munang madaming tanong ah, babalik ako at dito lang kayo ng iyong Itay ako na ang bahala sa kanila."

Wala na akong nagawa nang biglang tumakbo si Ina at pinuntahan ang mga humahabol sa amin. Pinigilan din ako ni Itay na sumunod at nanatili na lang sa kweba.

Lumipas pa ang tatlumpong minuto at wala pa rin si Ina kaya lumabas na si Itay sa kweba. Ngunit bago 'yon ay sinabihan niya ako.

"Anak dito ka lang, susundan ko na ang iyong Ina."

"Sasama po ako. Please, Itay." Pagmamakaawa ko rito sapagkat hindi na rin ako mapakali.

"Huwag kang makulit, anak." Huling sambit ni Itay at umalis.

Ilang minuto pa lang ang lumipas hindi ko na kaya at sinundan ko na si Itay. Mabuti na lamang at naabutan ko pa siya.

Siguro mga sampung minuto ang lumipas bago ko narating ang kinaroroonan nina Itay, Ina at ang mga humahabol sa amin.

Malayo-layo ako sa kinaroroonan ni Ina samantalang bigla namang nawala sa paningin ko si Itay.

Nais kong tumakbo at puntahan si Ina. Kita kong nahihirapan siya dahil may armas na dala ang mga humahabol sa amin.

Nakita kong itatarak ng isang babae ang espadang hawak niya banda sa dibdib ni Ina, kung nasaan ang puso nito.

Tumakbo ako bago mangyari 'yon subalit huli na ang lahat. Sisigaw sana ako ngunit may humatak sa akin at tinakpan ang bibig. Magpupumiglas sana ako nang magsalita ang may hawak sa akin, si Itay pala.

Umiiyak na ako, hindi lang pala ako kung hindi pati si Itay dahil wala man lang kaming nagawa upang tulungan si Ina, nakita pa mismo ng aming mga mata kung ano ang mga pangyayari.

Napaluhod na lang ako dahil sa panghihina, hindi ko makaya na wala na si Ina.

"Ina!!!!!"

Matapos kong banggitin 'yon ay nagising ako, isang panaginip na naman. Ang aking panaginip na naganap noong ako ay pitong taong gulang pa lamang.

Sampung taon na ang lumilipas ngunit sariwa pa rin sa akin ang huling tagpo namin ni Ina.

Hindi ko namalayan na tumutulo na naman pala ang aking luha.

"Anak, nanaginip ka na naman?" Tanong sa akin ni Itay.

Tumango na lang ako bilang tugon at saka niya ako niyakap nang mahigpit.

"Hush tahan na anak, nandito lang ang Itay. Isipin mo na lang na masaya na ang iyong Ina kung nasaan man siya ngayon."

Mas lalo ko pang isiniksik ang aking mukha sa dibdib ni Itay at humihikbi pa rin.

Kahit tanggap ko na, na wala na si Ina, lagi pa rin akong nananaginip sa nagdaang sampung taon. Tila ba bangungot na ito kapag sasapit na ang gabi.

Nanatili kaming tahimik ni Itay, yakap yakap niya ako habang hinahagod ang aking buhok upang kumalma.

"Anak, malapit na pala ang iyong ika-labing walong taong gulang. Pasensya na ha, kung mahirap lang si tatay. Hindi mabili ang mga gusto mo."

Oo nga pala tatlong araw na lang kaarawan ko na at nasa hustong edad na, muntik ko ng makalimutan. Haayy.

GlimpseWhere stories live. Discover now