CHAPTER 30 FINALE

5 1 0
                                    

Yza's POV 

"Thank you po" sabi ko sa registrar nitong university na papasukan ko

"present mo lang to sa prof mo registration card mo yan, andyan nadin ang classroom number mo at subject per day okay?. Goodluck"

"sige po salamat po ulit" 

umalis akong nakangiti at pinag mamasdang mabuti yung registration card ko, kaya ko kayang i maintain yung scholarship na nakuha ko, kaya naman ng parents ko magbayad pero sayang din yung 50% discount dahil sa average ko mwahahahahha

para akong baliw nakatawa habang nag lalakad, ang ganda ng school na to, lalaki ng puno overlooking and presko yung hangin, hindi ko man lang natanong yung high school batchmates ko kung meron ba sa kanila nag enrol dito, basta bahala na atupagin ang pag aaral at paglalaro ng volleyball. 

kakayanin, kakayanin, kaya ko to, tang inaaa hahahahhaha 

"shit, hindi ito yung nilakaran ko kanina teka saan ba ako babalik"

nakailang pabalik balik ako, para akong tanga nag iisip saan dadaan

"firstyear ?" 

"ay opo" bigla nalang akong tinanong nitong matangkad na lalaki, parang player ? varsity? or P.E prof ? shutacca ka, magtanong kana pano babalik sa main gate. 

"hulaan ko, naliligaw ka"

"hehehe medyo po, uhm pano po ba babalik sa main gate?"

"sabay kana sakin, papunta kasi akong parking, madami talagang naliligaw dito, tara tara"

"ayy thank you po"

"hahaha huwag kana mag po, 3rd year lang ako, Marine Engr yung course ko"

"senior ko padin po kayo, ayun yung registrar" sabay turo ko sa office, ang awkward kailangan kong makaalis dito sa nag offer ng tulong, kapal ng muka ko ako na nga tinulungan ako pa yung aayaw. 

"mauna na po ako, byee salamat ulit" 

may guard na doon sa office, doon na ako mag tatanong paano bumalik sa main gate, at hindi ko nadin sya pinansin pa noong tinatawag nya ako, nahihiya kasi ako nakatingin yung ibang student baka mamaya famous yun shuta. 

tinignan ko muna kung nakasunod pa sya sakin, wala naman na, kaya nagtanong na ako sa guard at salamat naman at yeheey main gate!!!! 

"whooo" 

see you sa 1st day of school, 4 weeks nalang labaaan!

"there you are, tinakasan mo ko" 

putang ina si kuyang 3rd year ba tong nasa likod ko... hindi na ako lumingon lakad mabilis

ayaw ko pa po ng lovelife, fling or kahit ano hahahahaha eenjoy ko muna college life ko please. 





Significance of SelfloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon