October 1 2022. I don't know what's the exact date but in this month I got to know God better and more. In this month, I was this sinful girl, just like now. Gosh, it's been so long since that day. I have crossed a lot f valleys and rejoiced over victories. There came a time that I felt like a mess and there is a time when I felt like I'm so lucky to have God. Sobrang dami ko ng nadaanan. Nakakatawa lang isipin na, ilang beses ko na ring ninais sumuko. Meroong mga oras na gusto ko nalang tumakbo at magtago mula sa Diyos, pero at the end of day, mahal pa rin ako ng Diyos. Minsan naman, feeling ko sobrang comfortable ko na at kailangan ko maging persecuted at masaktan para mahagilap ko ulit 'yung presensya ng Diyos. Sobrang dami ng nangyari, sa totoo lang. There are also times that I felt too tired to be a Christian and I wish to go back to my old life but God never let me. Sobrang dami ng development ang nakuha ko dahil sa Diyos. I received a principle that changed my perspective in life. Sobrang dami kong natutunan sa Diyos. Sobrang dami kong naramdaman sa Diyos. Sobrang dami kong na-experience dahil sa Diyos. Minsan iniisip ko nga kung sino kaya ako kung hindi ako mahal ng Diyos. Nasaan na kaya ako ngayun? Sobrang swerte ko sa kaniya. Kaya nga minsan gusto kong takasan 'yung luxury life ko at ibigay ang buong buhay ko sa Diyos dahil sobrang buti niya sa akin. Kaso nga lang, tao pa rin ako. Marami pa rin akong nagagawang mali. Ang dami ko pa ring disappoinment sa sarili ko at insecurities. Naiinis ako dahil ang faithless ko, ang bilis ko magalit at parang hindi ako anak ng Diyos. Gusto ko sanang gawin lahat ng ninanais niya pero sobrang hina ko para dun. Mabuti nalang at siya ang lakas ko. Mabuti nalang at mahal na mahal ako ng lakas ko. I feel like a mess right now, pero may peace sa puso ko. Hanggang ngayun, pakiramdam ko sobrang dami pa ring strongholds at chains na nakapalibot sa 'kin at nire-restrain ako sa taong gusto ng Diyos na maging ako. Sobrang hirap ero worth it. 'Yun ang masasabi ko sa Christian life ko. Mahal na mahal ka ng Diyos kaya kahit gaano ka kahina, mahal na mahal ka pa rin niya hanggang sa huli mong hininga. Tuturuan ka niya, at hinding-hindi ka niya iiwan. 'Yan 'yung pangako niya, 'diba? Matatapos din natin 'tong race natin. At sa araw na 'yun, muli nating kakantahin ang papuri sa Diyos at sasambahin siya magpakailanman. Sana matuto pa ako sa 'yo, Lord. Sana matapos natin itong kuwento, at maraming matulongang tao.
-Yssa (Oct. 1 2022)
BINABASA MO ANG
My Unwritten Piece
Random"Who knows that we have a piece that should be written?" -Yssa