NINGNING SA DILIM

6 0 0
                                    

Nasa likod siya,
walang umaalintana
Nakatulala sa labas
Walang salitang lumalabas

Nakatira sa katahimikan
Hindi mo malalaman
ang nasa isipan,
Hindi mo mawari
Kung anong nakatago
sa kaniyang ngiti

Sa kaniyang mga mata,
Makikita mo kaya ang
bagyo sa puso niya?
Siguro nga natatanong niya
minsan sa kaniyang sarili,
"Sa bawat pagtingin kaya nila
sa 'kin makikita nila ang kirot na
nakakubli?"

Ngunit lumaban siya,
hindi nagpatinag sa sinasabi ng iba
Siguro nga sa kanila siya ay mahina
Pero siya ay higit pa sa iyong nakikita

Nanalig siya at lumuhod
Sa direksyon ng Diyos,
siya ay susunod.
Sa tubig man ay mahulog,
siya ay hinding-hindi malulunod

Sa huli
Siya ang nagwagi
Sa bawat pekeng ngiti
Kaniyang napatunayan
sa sarili at nasabi

"Nanalo ako. Kaya labanan mo ang takot mo, wag kang mahiya, wag kang manatili sa katahimikan. Dahil kung sino pa 'yung galing sa dilim, sila pa 'yung nagniningning. Kung sino pa 'yung mga nasa sulok na tao, sila pa ang may hawak ng ningning na makakabago ng mundo."

My Unwritten PieceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon