Prologue

2.9K 9 0
                                    

Libing ng Nanay ni Akiro ngayon at nagsidatingan ang mga kapitbahay at kaanak na nakikiramay sa kanila.

Kahit na masakit ang pagkawala ng ina niya para sa kanya ay tila nawalan na siya ng pagkakataong magdalamhati dito dahil sa problemang kinakaharap niya.

Labing-pitong taong gulang palang si Akiro at wala pa sa tamang edad, samantalang ang nakababatang kapatid na babae ay pitong taong gulang palang.

Ngayon problema niya kung paano bubuhayin ang kapatid sa kakarampot na ipon na meron sila. Idagdag pa ang napakalaking utang na iniwan sa kanila ng Nanay nila. Mukhang pati pag-aaral niya at scholarship ay manganganib pa na mawala sa kanya. Ano na kayang gagawin niya ngayon?

Nakatitig lamang siya sa libingan ng Nanay niya ng may pumasok na pamilyar na mga kalalakihan sa loob ng bahay nila kung saan pinaglalamayan ang Nanay niya.

Napabuntong-hininga nalang si Akiro at tumayo upang harapin ang bisita nila. Binigay niya ang nakababatang kapatid na katabi niya sa tiyahin niyang nakatingin din sa mga lalaki.

"Boss, baka pupuwedeng sa labas tayo mag-usap?" Ngumisi ang nasa pinakagitna ng mga ito at tinapik ang balikat ni Akiro.

"Easy ka lang bata, makikiramay muna kami sa Nanay mo saka tayo mag-usap." Ani ni Jomar ang pinuno ng mga lalaking bumisita.

Tumuloy ito papunta sa harap ng kabaong ng Nanay niya at pinakatitigan iyon ng ilang minuto bago umiling-iling na humarap sa kanya.

"Sumunod ka sa akin sa labas." Nagpatiuna nang lumabas kay Akiro

"Tiya, ikaw muna bahala kay Ayesha." Nakakaunawang tumungo lang sa kanya ang kanyang tiya, ngunut mababakas sa mukha nito ang pag-aalala para sa binatilyong pamangkin.

Sumunod na sa labas si Akiro at hinarap ang mga lalaking iyon. "Alam mo na naman siguro kung magkano ang utang ng Nanay mo, bata?" Humihithit ng sigarilyo si Jomar habang sinasabi iyon kay Akiro.

"Oo Boss, 100,000 iyon ayun sa sinabi ni Nanay." Aniya.

"Buti alam mo, ngayong wala na ang Nanay mo alam mo na naman sigurong obligado na ikaw ang magbayad niyon. Paano ba yan bata? Mababayaran mo ba sa susunod na buwan?"

"Baka pupwedeng makahingi pa ng kunting oras? Mga isang taon siguro, Boss? Seventeen palang ako at wala pa sa legal age. Mahihirapan akong makahanap ng trabaho at makabayad sa inyo." Pakiusap ni Akiro dito.

"Aba, hindi ko na problema iyan! Ang kailangan ko ay yung pera ko, kailangan mong ibalik agad iyon kung hindi, hindi mo magugustuhan ang mangyayari sayo o sa kapatid mo." Ngisi nito.

Nagpantig naman ang tenga ni Akiro ng mapasok sa usapan ang kanyang nakababatang kapatid. "Huwag na huwag ninyong idadamay ang kapatid ko dito. Labas siya sa usapan!" Matigas na sabi niya.

Ngumisi si Jomar sa inasal niya. "Kung ganun, edi bayaran niyo iyong utang niyo. Madali naman akong kausap e. Kung wala kang mahanap na trabaho, e benta mo nalang ang sarili mo. May itsura ka naman. Maraming mayayamang bakla na naghahanap ng batang-batang katulad mo." Anito.

Kahit galit na galit sa mga naririnig ay hindi makapalag si Akiro. Talagang wala naman siyang mapagpipilian sa sitwasyon nila ngayon.

"Babayaran ko kayo ng paunti-unti. Kung kinakailangan tumigil ako sa pag-aaral gagawin ko. Wag na wag niyo lang gagalawin ang kapatid ko!" Matigas na ani niya.

"Paunti-unti? Ha, bata! Baka akala mo naglalaro lang kami dito. Gusto kong buong mabalik sa akin ang pera ko. Hindi kami charitable institution para pagbigyan ka sa gusto mo." Dinuro-duro nito ang kanyang ulo gamit ang kamay na mag hawak na sihmgarilyo pero hindi siya pumalag.

Kung tutuusin ay 50,000 lang ang utang ng Nanay niya sa mga ito. Iyon ay ginastos nung maospital si Ayesha dahil sa sakit na dengue. Ang iba ay inabuno sa gastos niya sa paaralan. Masyadong malaki lang talaga ito magpatong, double ang balik.

Hindi niya alam paanong nangutang dito ang Nanay niya. Hindi siguro ito nag-iisip nung gawin iyon. Masyado nang scammer itong taong ito.

"Babayaran ko naman iyon. Hindi ko kayo tatakbuhan." Aniya.

"Aba, dapat lang. Hindi ka rin naman makakatakbo sa amin Bata. Alam ko saan nakatira mga kamag-anak mo dito. Sila ang guguluhin ko kapag tumakbo ka. Isa pa, baka di mo alam kung anong mangyayari sa kapatid mo kapag ginawa mo iyon?" Ngumisi ito sa kanya.

"Kunting oras lang hinihingi ko, iyon lang. Wag niyo nang idamay ang kapatid ko dito. Kung hindi, hindi niyo rin alam kung anong magagawa ko sa inyo!" Madilim ang mukhang banta niya rin sa mga ito.

"Aba, masyado kang matapang bata ah. Gusto ko yang ugali mo!" Ngumisi si Jomar kay Akiro. "Isang taon ba kamo? Sige, pagbibigyan ka namin bilang bata ka pa. Pero kailangang double na ang balik mo sa amin. 200,000 yan ang halagang babayaran mo lahat-lahat, pag hindi mo nagawa iyon. Alam mo na kung anong mangyayari sayo." Tinapik nito ang balikat ni Akiro bago bumuga ng usok at naglakad paalis sa lugar na iyon. Nagsisunuran naman ang mga kasama nito.

Napapikit naman si Akiro pagkaalis ng mga ito saka napaupo na tumingin sa langit.

"F*ck!"

****
YUMETRIX

Akiro's Sugar MommyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon