Chapter 12

430 8 0
                                    

"Uy, Pre! Napadalaw ka?" Bati sa kanya ni Renan ng ma-ispotan agad siya. Nakipag apiran muna siya dito saka ngumisi.

"Bakit? Bawal na ba dumalaw ngayon?" aniys dito.

"Syempre, hindi! Welcome ka dito lagi. Parang bumi-bigtime kana ah? Nagulat ako nung bigla kang nag resign, hindi ka man lang nagpakita sa amin bago magpaalam. Parang wala tayong pinagsamahan niyan."

Umupo muna siya sa harap ng dating kasamahan sa trabaho na siyang tumatayong bartender ngayon.

"Hindi naman! Marami lang nangyari kaya medyo nawalan ako ng oras." aniya dito. "Nga pala kumusta na? Isang virgin mojito nalang sa akin, saka..." Tumingin siya kay Winston na nasa likod niya lang at tahimik na nagmamasid. "Anong gusto mong inumin."He asked.

"Nakalimutan mo atang hindi ako pwedeng uminom habang nasa trabaho."Bulong na sagot nito. Napatingin tuloy siya sa cctv malapit sa kanila saka bahagyang napa-iling.

"The bar does not only serve alcoholic beverages. You can also order non-alcoholic here." Sininyasan niya itong maupo sa tabi niya. Nag-alangan pa ito nung una subalit wala ding nagawa kundi ang sumunod nalang sa kanya sa hulihan.

"Shirley Temple then." Pagsukong ani nito.

"Sino naman yang kasama mo, pre? Laki ng katawan ah." Anito na agad naman ding inasikaso ang order nila.

"Ah... Bo- Tropa ko!" Nag-aalangan niyang sagot dito. Muntik niya pa masabing bodyguard niya ito ngayon.

Napatingin ulit si Renan sa katabi niya na nagmamasid lang sa paligid. "Naku pre! Wag mo sabihing napasok ka din sa gulo? Anong gang ba ang pinasukan mo?" Bulong na tanong nito sa kanya habang inaabot ang order niya.

"Gang? Bakit? Sino bang pumasok sa Isang Gang? May nangyari ba dito nung nawala ako?" Pasimpleng tanong niya rito.

"Ah... Tumingin muna ito sa katabi niya saka bumaling sa kanya." Malapit na breaktime ko, papalitan ako ni Floyd. Usap nalang tayo sa likod." Ani nito.

"Sure!" Ngumiti si Akiro kay Renan saka nagmasid-masid muna sa paligid nang may maka-agaw ng pansin niya.

"May extra pa bang uniform sa locker?" Tanong niya kay Renan.

"Oo, bakit?" Baling nito sa kanya.

"Pwede ba akong mag serve sa VIP room 5? May titingnan lang ako." Napatingin ito sa pintuang kinaruruonan ng VIP rooms.

"Sige! Wag ka lang gagawa ng gulo. Mahirap na at baka masabit ako diyan." Tungo nito sa kanya.

Napangisi siya. "Thanks, pre!" Ininom muna niya ang inorder bago tumayo at tinapik ang balikat ni Winston.

"Stay here! I'll just catch some big fish." Aniya rito. Tumungo siya sa likod at pumunta sa ristricted area kung saan nakalagay ang locker room ng mga staff.  Naabutan niya pa si Joshua doon na nagbibihis ng uniform nito.

"Wow! Nabuhay ka pare! Anong ginagawa mo dito?" Takang tanong nito kay Akiro.

"Manghuhuli lang ng malaking isda." Sagot niya rito at agad nagbihis ng uniporme na nakalagay sa dati niyang locker.

"Ahh! Sige, good luck nalang!" Natatawang tinapik nito ang balikat niya. Sanay na ang mga ito sa ganoong gawi lalo na kapag may mga big-time na taong pumupunta sa bar. Tulakan at minsan unahan sila sa pagse-serve upang makakuha ng magandang tip. Information is also a good source to earn money, and they sometimes collect that information to thread it to get a fair enough cash.

Tinunguan niya si Renan ng ibigay nito ang order ng VIP room 5. Agad naman niya iyong kinuha at kumatok muna sa pinto bago pumasok at inilagay ang order ng mga ito sa table na naroroon.

Akiro's Sugar MommyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon