Chapter 8

955 10 0
                                    

"Si Kuya may patakip-takip pang nalalaman, akala niya siguro hindi pa ako nakakita ng naghahalikan. Ang dami ko na kayang napanood na ganun sa TV ng kapitbahay natin dati." Pagkukwento ni Ayesha.

"At nanood ka naman?" Tila galit ang boses na ani ni Akiro sa kapatid.

"Eh, sa wala akong ginagawa e. Saka malaki na kaya ako, di ba Ate Pat?" Napalingon si Patricia kay Ayesha dahil sa tanong nito. Napangiwi siya at lumingon kay Akiro. Ang bata pa nga ng tingin niya kay Akiro, ito pa kaya?

"Magnu-nueve ka palang, wag kana ulit manunuod ng ganun." Iniabot ni Akiro sa kanya ang sinigang na baboy na kanina niya pa pinaglalawayan. She's craving for it after she saw the dish on the menu. Nandito sila sa isa sa restaurant na pagmamay-ari ng pamilya. Dumaan sila dito bago tumungo isa isa sa private resort nila sa Batangas upang doon manatili sa loob ng isang lingo.

"Hmp, akala mo naman hindi ko nilalabhan yung mga damit niya saka yung mga boxers niya." Nasamid si Patricia sa binulong ni Ayesha at napaubo-ubo nalang. Agad naman siyang binigyan ni Akiro ng tubig na kanya namang tinanggap.

"Bibig mo, Bunso! Kumain kana nga lang."  Ani ni Akiro saka inabot kay Ayesha ang hiniwa-hiwa nitong tonkatsu para sa kapatid.

Napatitig nalang siya kay Akiro sa mga akto nito. He's really a sweet guy and also a loving brother to his sister. Parang nai-imagine na tuloy niya ito kapag naging ganap na Daddy na ng magiging baby nila. An overprotective  Dad that will spoil their child with what they want. Para tuloy may mainit na bagay na yumapos sa puso niya, she can already imagine what their future is. And she can't help but feel excited to see that with this new family.

"Yes?" Baling ni Akiro sa kanya ng mapansin ang pagtitig niya.

Ngumiti siya at hindi napigilang halikan ito sa pisngi. She felt like doing that so she did. "Nothing." Aniya at ibinalik nalang ang pansin sa pagkain. Bahagyang napaawang ang bibig ni Akiro at tila nabigla sa ginawa niya. Ngunit nang makita niya ang masayang expression sa mukha nito ay napangiti nalang din siya.

They're here now in the resort and Ayesha's been playing outside with Adam and Lena. Masaya lang na pinagmamasdan ni Akiro ang kapatid mula sa terrace. He's glad to see her enjoying herself. Parang nakikita na niya ang tunay na edad ng kapatid dahil wala nang mga alalahanin na pinapasan nito. Masaya siyang maibigay ang mga dapat na nararanasan nito sa murang edad, nakakalungkot lang na ngayon palang niya magagawa ang mga iyon.

"Aki?" Napalingon si Akiro sa boses na iyon at natulala nalang nang makita si Patricia. Kalalabas lang nito mula sa loob ng banyo matapos magshower. She's wearing a robe now at tinutuyo ang buhok gamit ang tuwalya. Look at that beauty. She's gorgeous even without makeup on.

"Let me help you." Lumapit siya kay Patricia at kinuha ang tuwalyang hawak nito. He helped her dry her hair with a hair dryer.

"Thank you!" Nakangiting humarap sa kanya si Patricia matapos niyang gawin iyon. Umupo siya sa may kama at seryosong tumingin kay Patricia.

"What will happen now after our wedding, My?" Seryosong tanong niya dito.

Saglit na natigilan si Patricia saka napabuntong-hininga. "There are a lot of problems that we need to face. First, the world might come to know about your existence as the heir of Alvarez and Faust Company, and also, as my Husband." Seryosong sagot nito. "You will hear a lot of noises from them, but Adam will handle that and try to hide your identity for the time being. However, the main problem is Roland Alvarez. He is Rafael Alvarez's stepbrother. He tried to get the Alvarez Company before but got defeated by the will of the testament. Although he did not give up and still tried to get in my way. I'm sure he'll do everything to oppose this." Tila nag-aalalang ani nito. "Also, you need to undergo training to prepare yourself for the future. I don't know if you can handle all of this but-"

"I can!" Pagputol niya sa sasabihin ni Patricia. "As long as you are here, I can do it! And, I don't really have a choice but to do it right? That is if I want to protect you and... Our baby." Tumingin ito sa tiyan niyang may bahagya nang bukol, ngunit hindi naman halata kapag titingnan.

Napakagat nalang ng pang-ibabang labi si Patricia. She's guilty that Akiro needs to experience this huge responsibility for their family. "Thank you, Aki!" Lumapit siya kay Akiro at niyakap ito, dahilan upang mapaupo siya sa kandungan nito.

"No, that should be me who should say thank you. Thank you for coming into our life. You become our light, and you also give me a precious gift."
Niyakap niya ito pabalik at sumiksik sa leeg nito. He love the soap she used mixed with her natural scent.

"We will be together from now on, okay? My Baby... No, I mean Hubby!" Nakangiting ani ni Patricia.

"I love to be both, your baby and your husband. You can't get away from me now, Mommy. And you'll be responsible for me from now on. In return, I will be with you through up and downs and fulfill my vow to make you happy." Dinampian ng halik ang leeg ni Patricia, dahilan upang maikiling nito ang ulo.

"Cheesy!" Bahagyang napahagikgik si Patricia ng maramdaman ang munting kiliti sa leeg, dahilan upang mapaigtad siya.

Biglang sumeryoso si Akiro ng ilayo ang mukha sa kanya. "Uhm, may I ask?"

"Ask what?" Natigilan na tanong niya.

"That... Am I allowed to do that?"

'Do what?' Naguguluhang tanong niya sa isip lalo na nang makita ang pamumula sa mukha ni Akiro. 'Huh?'

"You know, our honeymoon?" Siya naman ngayon ang biglang namula at napaawang ang bibig sa sinabi nito.

'W-wait... Right, it's supposed to be our honeymoon. Ahh, why did I forget that when it's the mean purpose of our one-week vacation.'  Natitilihan niyang sabi sa isip.

"Hm, don't tell me you won't let me since you think I'm still young for this like how you looked at me when we first met?"

"Ha-ha, n-not that. Nawala lang sa isip ko?" Alanganin siyang tumawa at napa-iwas ng tingin sa hiya. Slightly, she agreed with what he said. Talagang hindi niya iniisip yun mula pa kanina noong ikinasal sila. What she thinks is only the vacation thingy na dapat e-enjoy nila bago bumalik sa realidad na babad sa trabaho.

"So, we won't do it?" Malalim na tumingin sa kanya si Akiro.

"Y-you want to do it?" She asked.

"Will you get angry if I say yes? I've been waiting to hold you in my arms since the day we first met, Mrs. Alvarez." Napalunok nalang si Patricia sa sinabi ni Akiro.

Ah, she doesn't really know how young people think. Though she's not that old, pero sa ganitong sinasabi ng bata niyang asawa. I mean, he's eighteen, maybe that's why he is in his prime where his libido is high. Although she likes it when they do it, pero mukhang mapapalaban nga siya sa "Honeymoon" nilang ito.

"I will not." Mahina niyang sagot dito.

Ngumiti si Akiro sa kanya at biglang kinintalan siya ng halik sa labi. "So it's a yes for that then." He concluded.

She shyly nods. "It's fine, because... I like it too!" Mahina niyang bigkas sa huling salita.

And with that... They started bonding with a passionate kiss.

To be continued...

Akiro's Sugar MommyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon