"KUYAAAAA!!! GISING NA KASI!!!" Napamulat ng mata si Akiro sa lakas ng boses ng kapatid niya.
"Ito na, gising na!" Aniya habang nagpupungas ng mata.
"Nakapagluto na ako kuya, kumain kana at maligo para makapasok kana sa work mo. Mali-late kana niyan sa bagal mo kumilos!" Nakapamiwang na reklamo sa kanya ng kapatid niya.
Napangiti naman so Akiro. Mula ng mamatay ang Nanay nila ay napilitan siyang tumigil sa pag-aaral at maghanap ng trabaho. Nakakita siya ng part-time job online as an ESL Tutor sa umaga, habang sa gabi naman ay nagwo-work siya as a waiter sa isang sikat na bar. Dinaya pa niya nung una ang edad niya upang makapasok sa trabaho, pero ngayon na ganap na desi-otso anyos na siya ay di na siya manganganib na matanggal dahil sa edad niya. Iyon nga lang ay lagapak naman siya sa honesty kapag nalaman ng iba na dinaya niya iyon. Pero sino nga bang magsasabi? Wala, basta tahimik lang siya.
Ginulo niya ang buhok ng nakababatang kapatid. Nalulungkot at natutuwa siya dito dahil kahit na sobrang bata pa nito ay tila napaaga ang pag-mature nito. Ito ang gumagawa ng mga gawaing bahay at nagluluto para sa kanya kahit na sa ito ay walong taong gulang palang. Masipag at maalaga ang kapatid niya, palagi itong nag-aalala sa kanya kaya siguro nagiging matanda na ito mag-isip. Pasalamat nalang siya at andiyan ang tiya niya lagi upang mag guide at magbantay dito kapag nasa trabaho siya. Iyon nga lang ay hindi din sila matulungan nito tungkol sa utang nila dahil may sariling problemang financial din ito. Ngunit palagi sila nitong inaalala at dinadalhan ng pagkain minsan kaya laking pasasalamat niya parin dito.
Iyon nga lang, pinoproblema niya parin ang utang niyang hindi niya mabayaran ng buo. Kaya naman inu-unti-unti niya iyong bayaran. Ang problema ay nasa fifty-thousand palang ang nababayaran niya kahit na malapit nang matapos ang isang taong palugit na hiningi niya mula dun sa mga goons na pinagkakautangan nila.
Hindi niya mabayad-bayaran iyon ng buo dahil pinoproblema niya rin ang gastos nila ni Ayesha sa pagkain at sa school nito. Ayaw rin naman niyang matigil ang kapatid sa pag-aaral dahil importante iyon para dito.
Ang hirap talaga kumita ng pera, pasalamat nalang at may mga nagbibigay ng tip sa kanya sa Bar kaya iyon ang ginagamit niyang panggastos para sa pagkain nila. Malaki din magbigay ng tip iyong mga baklang dinadalhan niya ng mga order na siyang ipinagpasalamat niya ng malaki. Friendly din ang mga ito. Iyon nga lang, kapag may tumangkang manghipo o humawak sa kanya ay umiiwas talaga siya. Natuto din siyang makipag socialize sa mga ito at gumawa ng mga palusot kapag naiipit siya sa isang sitwasyong hindi niya maiwasan. Dahil doon dumami ang mga kakilala niya at kaibigan na siyang tumutulong sa kanya at nagbibigay impormasyon sa mga bagay na gusto niyang malaman.
Naligo na siya at naghanda upang pumasok sa Midnight Bar na pinupuntahan ng mga mayayamang tao upang magliwaliw ay gumastos sa loob lamang ng isang gabi.
"Yesh, alis na ako! Mag-ingat ka dito ha?" Ani ko kay Ayesha pagkahatid ko sa kanya sa bahay nila Tiya Ana.
"Oo kuya, alam ko na gagawin. Ako pa ba?" Bibong sagot nito. Napangiti naman si Akiro at ginulo ang buhok ng kapatid bago nagpaalam at umalis papasok sa pinagta-trabahuan niya.
Hindi pa man nakakalabas sa looban ng tinitirahan nila ay namataan niya na agad ang mga lalaking nag-aabang sa kanya sa labas ng kalye.
Kinabahan man ay hindi nagpahalata si Akiro. Huminga siya ng malalim saka nagpatuloy lang sa paglalakad na parang wala lang ang mga ito. Ang kaso ay humarang sa daraanan niya si Jomar habang hithit ang sigarilyo nito.
"Anong kailangan niyo?" Walang emosyong tanong ni Akiro sa mga ito.
"Wala naman Bata, ipapa-alala lang namin sayo na may isang buwan ka nalang natitira upang bayaran ang utang mo." Ngumisi si Jerome sa kanya.
BINABASA MO ANG
Akiro's Sugar Mommy
RomanceDesperado na si Akiro na makahanap ng pera, kaya naman gagawin niya ang lahat upang makuha iyon. kahit pa gamitin ang sariling katawan upang kumita.