Chapter 2

1.8K 16 0
                                    


"ANG SWERTE NIYA, napunta sa kanya lahat ng kayamanan ni Master Rafael."

"Oo nga, pero ang malas padin kasi kaka-kasal lang nila pero namatay agad ito."

"Iha, nakikiramay ako." Tinunguan lang niya lang ang isang bisita at walang emosyong tumingin sa kabaong ng kanyang asawa.

Lucky? Is she really?

Hindi niya hangad ang kung ano mang kayamanan dahil kaya niya itong kitain sa sarili niyang paraan. Pamilya...  Iyon lang naman ang gusto niya. Pero bakit pati iyon kinuha pa sa kanya?

She promised to him that she'll do everything to protect his assets and she'll make sure that it will grow more and more especially his business.

Kung iyon nalang ang tanging paraan para masuklian niya ang pagmamahal na inalay nito sa kanya, gagawin niya lahat. And she'll not trust anyone.

No one..

...

...

...

And that's the start on how she lost her own smile.

PASIMPLENG lumapit si Akiro sa babaeng nasa counter. Tinunguan muna niya si Josh na siyang Bartender doon at pumasok sa loob.

"Pre!" Bati niya dito.

"Oh, kakapasok mo lang? Tanong ni Joshua sa kanya.

"Oo, break ka muna. Ako muna dito!" Aniya sa kasama.

"Mamaya na, maaga pa ang gabi." Anito pero hinila niya muna ito sa gilid at tinunguan si Piyo na nasa counter din. Tila nakaka-intinding rumespond naman ito.

"Bakit ba?" Tanong sa kanya ni Joshua pagkapunta nila sa gilid.

"Palit muna tayo ng pwesto, may gusto lang akong makilala." Aniya dito.

"Ha? Bago yan ah, sino diyan?" Anito na sumulyap sa mga customer na nakaupo banda sa bar counter.

"Basta! Sige na. Ako na!" aniya.

Ngumisi naman si Joshua at tumungo nalang.

"Sige, basta libre mo ako minsan." Anito.

"Fine!" Aniya.

Natutuwa naman siyang pumalit sa pwesto nito at ginawa ang trabaho upang magserve ng mga customer.

"Good Evening, Ma'am!" Bati niya sa magandang babaeng iyon na nasa counter.

Hindi man lang ito kumibo ag tahimik lang na sumisimsim ng inumin nito. Pero natutuwa siya at tinapunan siya nito ng tingin kaya naman ngumiti siya ng maatamis dito.

"Good Eve too! One more of this please!" Anito na tinutukoy ang iniinom nito.

Binigay naman niya ang order nito. Mukhang may balak itong magpakalasing ngayong gabi base sa lungkot ng mga mata nito.

"Are you new here, Ma'am?" Di mapigilang usisa niya pagkabigay ng bagong order nito.

"Not really, I just don't go to the bar often." She replied.

"You look sad, are you okay, Ma'am?" Patanong niya. Tumingin ito sa kanya at pinakatitigan siya habang busy na nag-hahalo ng inuming alak.

"You look young, are you sure you're not underage?" balik na tanong nito. Natigilan naman siya.

Mukha ba siyang totoy sa paningin nito? Kaka eighteen niya lang kasi, pero malaki naman ang katawan niya kumpara sa ibang mga kaedad. Siguro dala iyon ng foreign blood niya at siguro rin ay dahil masyado siyang banat sa trabaho. Pero halata ba talaga iyon dito?

Akiro's Sugar MommyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon