Nagising si Akiro sa isang hindi pamilyar na lugar. Nagtataka siya kung paano siya napunta doon pero nawala nalang iyon ng mapatingin siya sa kaliwang kamay niya na hawak ng isang babae.
'Patricia? Why is she her?'
Tulog ito sa gilid ng kama at mukhang binabantayan siya. Nagtataka naman siya kung bakit ito naririto at paanong napunta siya sa lugar na... Napatingin siya sa buong kwarto. Basi sa nakikita niya ay tiyak na nasa hospital siya. Pero paanong andirito ito sa tabi niya ngayon?
He remembers na tumatakbo siya palayo sa mga taong humahabol sa kanya.
Those idiots are trying to frame him into something he did not want to do, buti nalang nalaman niya ang plano ng mga ito. But it still can't help dahil nahuli siya at nabugbog parin ng mga ito. Muntik pa siyang mamatay ng wala sa oras.
He was trying to find another part-time job for him to double his income to pay off their debt. Akala niya isang magandang part-time job na ang nahanap niya, pero di niya alam na isa pala iyong gang na balak sanang magbenta ng droga. Buti nalang at nakatakas siya ng minsang malingat ang mga ito, kung hindi ay baka patay na siya ngayon.
Pero bakit nga ba andito si Patricia sa tabi niya? After nitong hindi magparamdam ng dalawang linggo ay dito pa talaga niya ito makikita. Sa ganitong sitwasyon pa. Tiyak na pinaghahanap parin siya nung mga taong bumugbog sa kanya matapos niyang malaman ang plano ng mga ito. Sino nga ba siya upang buhayin pa ng mga ito diba? Imbes na maghanap ng perang pambayad utang, mukhang gulo pa ang nahanap niya. Kawawa naman ang bunso niyang kapatid kapag namatay siya, tiyak ito ang pagbabalingan ng pansin ng mga gag*ng iyon.
Napatitig siya sa kamay niyang hawak ni Patricia. Wala siyang nakakapang pagkailang sa hawak nito, bagkus ay gustong-gusto niya iyon. Ramdam na ramdam niya ang kabaitang taglay ng babae. Lalo na ang mala anghel nitong mukha. Kung natuloy sana ang plano niya dito noon, baka wala siya sa sitwasyong ito ngayon. Sana nabayaran na niya yung utang niya diba?
Napabuntong-hininga nalang siya. Bakit nga ba niya ito sinisisi? Wala naman itong kahit anong obligasyon sa kanya. Sa tutuo lang, siya dapat ang magbayad sa kasalanan niya dito. After all, he took her virginity and planned badly for his own gain, and that is not forgiven for someone as kind as her. Someone who looks like an angel sleeping innocently while holding his hand. He just messed up with her. Pero aminin man niya, natutuwa siyang makitang muli si Patricia.
Tila naramdaman ng babae ang mga titig niya kaya nagising ito at napatingin sa kanya.
"You're awake. Are you okay now? Did you feel anything uncomfortable, baby?" Binitawan nito ang kamay niyang hawak nito at chineck ang mukha niya na para bang sinusiguradong walang kung ano mang masakit sa kanya.
'Baby.' Napangiti siya sa itinawag nito sa kanya.
"I'm okay, Mommy. Why are you here by the way?" Napatingin ito sa mga mata niya at bahagyang ngumiti ng marinig na maayos lang ang kalagayan niya.
"I'm the one who brought you here at this Hospital." Anito.
"Salamat sa paghatid sa akin dito, pero ayos na ako." Binitawan ko ang kamay kong hawak na naman niya at sinubukang bumangon. Kailangan ko nang umalis dito bago pa ako mahanap ng mga taong iyon, ayukong pati si Patricia ay madamay pa sa mga problema ko. Sapagkat hindi dapat.
"Don't stand up! You're still not okay." Pinigilan siya nitong bumangon at pinabalik sa pagkakahiga.
"Ah, pasensiya na, My! May kailangan pa kasi akong gagawin. Kailangan ko ng umuwi sa amin." ani ko sa kanya. Kailangan ko ring e-check ang kalagayan ni Ayesha. Baka puntahan siya ng mga iyon at mapahamak.
BINABASA MO ANG
Akiro's Sugar Mommy
RomanceDesperado na si Akiro na makahanap ng pera, kaya naman gagawin niya ang lahat upang makuha iyon. kahit pa gamitin ang sariling katawan upang kumita.