𝐤𝐚𝐛𝐚𝐧𝐚𝐭𝐚 𝟏𝟎: 𝑫𝒓𝒆𝒂𝒎 𝑩𝒆𝒉𝒊𝒏𝒅

578 96 0
                                    

Penelope Ava's POV

"Welcome to Enrique Company, Ms. Penelope Ava!" sigaw ng babaeng isa sa mga nagta-trabaho rin sa company na 'to, napatingin naman ako kay Sir Rowan at nakita ko ang saya sa nga mata niya.

Parang ang bilis ng mga pangyayare kaya hanggang ngayon hindi pa rin nagre-rehistro sa utak ko na isa na kong parte ng company na ito. I'm so happy to be part of this Growing Company! I love it so much. Halos kalahati oras pa ang lumipas at bumalik na sa trabaho ang mga tao ni Sir Rowan. Sobrang saya dahil nakahanap ako ng pangatlong pamilya sa trabaho kong ito, kaya hinding-hindi ko 'to sasayangin! Pangako ko 'yan.

"Okay let's go." Nagtaka naman ako sa sinabi ni Sir Rowan, anong let's go? Nakita ko siya nang kinuha niya ang bag niya sa cellphone niya. "I said, let's go Penelope." Mas lalo naman akong nawirduhan sa kaniya ng tawagin niya ko sa first name ko. Atsaka saan naman kaya kami pupunta eh mag-i-istart pa lang kaming mag trabaho.

"Ha? Saan tayo pupunta?" Natawa naman siya sa tanong ko kaya mas lalo akong nagtaka.

"We are going to LPU." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya, seryoso?! Omg! May dream University. Grabe na talaga saya ng puso ko. "And dalhin mo yung uniform mo magpalit ka ulit and pupunta na tayo sa school." Agad kong kinuha ang mga gagamitin ko at sumunod agad sa kaniya.

Mabilis akong pumunta sa cubicle at nagpalit na agad, halos maiyak ako dahil suot ko na siya. Suot ko na yung dream uniform ko, totoo ba talagang makakapag-aralan ulit ako? Grabeng opportunity naman itong binigay sa akin. Nang matapos ako magbihis ay agad akong lumabas at nakita ko si Sir Rowan na nakapamulsa pa at ang layo ng tingin.

"Sir Rowan okay na po." napangiti naman siya ng makitang suot ko na yung uniform ko.

"Perfect! Bumagay sayo. Are you ready?" Huminga ako ng malalim at napatingin sa kaniya, kinakabahan ako na ewan pero mas masaya ang puso dahil kahit papaano alam kong masaya ang magiging bawat araw ko sa LPU. Excited na kong ikwento sa mga kaibigan ko 'tong opportunity na dumating sa akin.

"Yes." Simpleng sagot ko habang ang puso ko ay sobrang saya na at hindi ko na malamang ang gagawin ko.

Dumiretso na kami agad sa LPU at sa hindi maipaliwanang na dahilan at sobrang saya ng puso ko, alam kong puno ng saya ang mga nangyayare ngayon pero sana lagi na lang munang saya at huwag mapalitan ng kalungkutan ang mga nangyayare. Ilang minuto pa ang lumipas at nakarating na kami sa LPU. My Dream University.

"We're here." ngumiti ako at huminga ng malalim, this is it na talaga! Parang ang bilis ng mga nangyayare pero wala akong ibang hiling kung hindi sana walang mangbago.

"Sir Rowan—" bigla niyang tinapat sa akin ang hintuturo niya.

"Another thing!" nangunot naman ang noo ko sa sinabi niya. "Kapag nandito tayo sa University do not call me ng tulad mo sa akin sa bahay, I allowed you to call me Rowan." napangiti naman ako sa sinabi niya, napaka bait talaga ni Sir— I mean ni Rowan.

"Okay, Rowan." nakangiting sabi ko.

"Let's Go." Pagkasabi niya ay sumunod naman agad ako.

Dumiretso agad kami sa Office and agad na inasikaso ang mga kailangan kong gawin, and I'm so happy dahil available pa ang course na gusto ko, which is HOTEL AND RESTAURANT MANAGEMENT (HRM) and mapagbiro nga talaga ang tadhana dahil pareho pa kami ng course ni Sir Rowan .

"Alam mo naman ang pasikot-sikot sa lugar na ito kaya you can guide Ms. Torrezada to our University especially to you rooms. Again Ms. Penelope Ava, welcome to Lyceum of the Philippines University." Nakangiting sabi sa akin ng Dean, hindi ko alam kung saan na ilalagay ang saya ng puso ko.

The Mafia's Favorite ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon