𝐤𝐚𝐛𝐚𝐧𝐚𝐭𝐚 𝟐: 𝑫𝒂𝒏𝒈𝒆𝒓𝒊𝒐𝒖𝒔 𝑺𝒕𝒚𝒈𝒊𝒂𝒏

1.3K 110 2
                                    

Calista Luna's POV

Alas sinco na nang umaga pero tulala pa rin ako sa kisame, halos isang araw na ang nakakalipas ng makabalik kami sa headquarters at mamaya na ang alis namin para sa bakasyon na binigay sa amin ng HR Management at hanggang ngayon ay parang lutang pa rin ako, hindi ko alam kung totoo ba yung nangyayare na 'to? Kasi pakiramdam ko ang special namin, pero sino ba kami para mag inarte pa 'diba? Dahil alam ko hindi rin kami agad makakapag focus sa trabaho, siguro naisip din ng HR Management ang bagay na 'yon.

"Until now hindi pa rin ako makapaniwala na binigyan nila tayo ng ganitong vacation, seriously? Sa Vigan pa talaga tapos 2 weeks. Sobrang nakaka-excite na 'to." napatingin ako kay Quinn at kita sa mukha niya na masaya siya, halos nakahanda na nga rin yung lahat ng gamit niya.

"Halata nga sayo na ready ka na kasi alam ko mamayang 10pm pa ang sundo natin pero nakaayos na agad ang gamit mo." natatawang sabi ko naman sa kaniya.

"Syempre naman 'no! Halos stress din tayo sa nangyare at buti na lang din na binigyan nila tayo ng ganitong vacation para kahit papaano ay makarecover tayo sa nangyare," tumango-tango naman ako dahil totoo naman ang sinabi ni Quinn, pero napatingin ako sa kaniya nang bumuntong hininga siya. "Pero alam mo ba? Narinig ko kung bakit nila 'to ginagawa eh, pero pinipilit ko na lang intindihin na baka para rin sa reputasyon ng hospital bakit nila ginagawa 'to."

Nangunot naman ang noo ko ng marinig ang sinabi ni Quinn, parang wala naman nasabi saking rason ang HR Management bakit nila ginagawa 'to bukod sa rason na kailangan namin 'to para hindi kami mabigla kung babalik kami ng trabaho.

"What do you mean?" tanging mga tanong na lumabas sa bibig ko.

Huminga siya ng malalim bago magsalita at tumingin sa paligid, "Bukod kasi sa rason na binigay nila satin, narinig ko si Head Nurse Kirsten na kausap ang HR Management na kaya nila 'to ginawa ay para hindi na makalabas sa media yung nangyare, dahil ayaw daw nilang pagpyestahan ng media ang hospital, in short hindi ito na blotter at hinarang ng Horgan Hospital ang nangyare." halos matulala ako sa mga narinig ko na sinabi sakin ni Quinn. Fuck it!

"W-What?! You mean-" napasapo na lang ako sa ulo ng marealized ang mga nangyayare. "Kaya pala itinago nila tayo sa 4th floor pala walang makalapit sa atin? At kaya nila ginawa 'to para pala pampalubag loob nila sa atin? Dahil hindi nila nilabas sa media ang muntik na ulit mangyare 15 years ago? Wait don't tell me kaya rin nila tayo pinagbabakasyon ay dahil-" hindi ko na natapos ang sinasabi ko ng magsalita na ulit si Quinn.

"Yes, tama ang naiisip mo CL. kaya nila 'to ginagawa ay dahil para malayo tayo at pahupain muna ang gulo na nangyare, kaya inalis na rin muna tayo dito at yun talaga ang rason nila. Para walang mangulit na media at para hindi nila tayo mainterview, and you now what? May isang bagay pa kong nalaman." pagdating talaga sa chismis maaasahan talaga si Quinn pero sa mga nalaman ko hindi ko alam na kaya pala gawin ng Horgan Hospital sa amin 'yon? Hindi kami bigyan ng hustisya, hindi kayang bigyan ng hustisya ang mga nangyare, ito pala talaga yung rason nila. Huminga ako ng malalim at gusto kong mag-isip ng maayos, napatingin ako kay Quinn pati siya ay tulala.

"Kung ganito lang din pala edi kunin na natin yung opportunity na 'to, to be fair. Hindi natin kailangan magpakabait sa mga taong walang ibang ginawa kundi abusuhin din tayo." sabi ko kay Quinn kaya naman napatango siya sakin.

"You have a point, so ano pang hinihintay natin? Ayusin mo na yung gamit mo at nang makaalis na tayo." tumayo na ko at mag uumpisa na ring ayusin ang mga gamit na dadalhin ko, pero napahinto ako ng maka-received ng text galing casa at halos manlaki ang mga mata ko nang makita ang approved sa message na nareceived ko. Halos gusto kong magtatalon sa tuwa, sa wakas!

"Waaahhhh! Omg! Approved na!" malakas na sigaw ko.

"Uy! Anong approved na? Ano yung na-approved?" nagtatakang tanong naman sa akin ni Quinn.

The Mafia's Favorite ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon