𝐤𝐚𝐛𝐚𝐧𝐚𝐭𝐚 𝟏𝟐: 𝑻𝒉𝒂𝒕'𝒔 𝑹𝒆𝒂𝒍𝒍𝒚 𝑯𝒊𝒎?

421 32 2
                                    

Calista Luna's POV

Hindi ko alam kung papasok ba ko ngayon or hindi, wala ako sa mood at hindi ko alam kung kaya ko ba dahil pagkatapos ng gabi na 'yun parang tinamad ako. Hindi ko lang alam kung bakit pero basta, baka rereglahin lang ako kaya ganito yung nararamdaman ko.

"CL, day off ko ngayon baka gusto mong sumabay? Gagala kami ni Penelope, tara mag mall tayo." napatingin naman ako kay Quinn nag magsalita siya, umuwi rin kasi kami sa bahay dahil sabi ni Penelope ay may good news siya sa amin.

"Argh, gusto ko man sumama pero may pasok kasi ako atsaka baka umabsent na lang din muna ako kasi hindi talaga maganda ang pakiramdam ko." lumapit naman siya sa akin at dinama ang noo ko.

"Medyo mainit ka nga pero sige, magpahinga ka na lang dito sa bahay, bibilhan ka na lang namin ni Penelope ng pasalubong mo. Magpahinga ka at ako na ang bahala magpaalam sayo kina Head Nurse, mas mahalaga yang kalusugan mo." ngumiti naman ako kay Quinn kasi siya na talaga yung tumayong best friend ko after ng mga nangyare dahil na rin siguro sa mga pagsubok na sumubok sa pagkakaibigan namin.

"Thank you," I whispered and smiled.

Ngumiti naman siya sa akin at lumabas na habang ako ito tulala pa rin sa kwarto ko, kaya imbis na magmukmok na lang magdamag, lalabas na lang ako dahil mga luma na rin ang mga bulak dito sa condo, minsan lang din kasi nandito. Mabilis kaong nag asikaso at excited na kong mamili ng mga bulaklak, may malapit lang namang bilihan dito sa amin kaya lalakarin ko na lang.

Pagkatapos kong maglinis at mag asikaso ay lumabas na rin ako ng bahay,excited na kasi ako dahil minsan lang din kami magka day-off sa work kaya lulubusin ko na, habang naglalakad napukaw ng mag-ina ang atensyon ko na bumibili ng ice cream malapit sa playground. At sa hindi inaasahang pakiramdam bigla akong napahawak sa tyan ko, naalala ko yung mga panahon na akala ko magiging mommy na rin ako pero lahat pala ay false alarm lang. At hindi ko rin maiwasan maisip kung nasaan na nga ba si Graizonn paano purkit sinabi ko lang na hindi hayaan niya muna ako hinayaan rin ako but I think masaya na rin siya siguro sa asawa at anak niya. But if ever makakasalubong ko siya one day hindi ko pa rin alam kung paano ang magiging reaksyon ko.

"Miss! Miss!" napatingin naman ako sa batang papalapit sa akin at may ianbot siyang papel sa akin.

"Teka—" pero hindi pa ko nakakapag salita bigla na lang siyang tumakbo. Wait? Huh? Ano 'yun bakit bigla siyang tumakbo? Pero hindi ko naman na siya mahahabol kaya napatingin ako sa papel na hawak ko.

May parte sa akin na biglang kinakabahan, parang naulit yung nangyare 6months ago, yung may humahabol sa amin ni Quinn, yung nasa kalsada ako at may biglang nagbigay sa akin ng papel. Bigla akong napatingin sa buong paligid pero wala naman akong nakikitang nakatingin sa akin. Kaya imbis na basahin yung nasa papel ay mabilis ko itong tinago sa bulsa ko at naglakas na papunta sa flowers shop na malapit lang din sa condo na pinag-sstay-an namin, diretso lang akong naglakad at hindi na nagpadala pa sa mga nararamdaman ko. Nang makarating sa pinto ng shop ay agad akong pumasok, kahit puno ng tanong at kaba nag dibdib ko ay pinilit kong kumalma.

"Good afternoon, Ma'am, ano pong matutulong ko sainyo? Ano pong bulaklak ang hinahanap niyo?" kahit kinakabahan ay pinilit kong labanan ang nararamdaman ko, ngumiti ako sa kaniya at nagpanggap na ayos lamang.

"I looking for white roses..." mabilis naman siyang tumalikod at ngumiti sa akin at pinuntahan yung bulaklak na sinabi ko.

"Here, Madam bagong deliver lang din po nito sa amin kaya alam kong magugustuhan niyo." pilit kong pinakalma ang sarili ko at unti-unti naman akong kumalma kahit papaano.

"Sige kukunin ko na 'yan, maraming salamat. Hmmm, aside from that may coffee shop na rin pala kayo." napansin ko kasi ang menu sa kabilang side ng flower shop kaya naman agad na ngumiti sa akin yung babae.

The Mafia's Favorite ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon