𝐤𝐚𝐛𝐚𝐧𝐚𝐭𝐚 𝟐𝟔: 𝑵𝒐𝒕 𝑶𝒌𝒂𝒚

231 3 0
                                    

Calista Luna's POV

Binuksan ko ang mata ko at nakita ko si Rustin na tulog na, hindi ko alam pero nakaramdam din ako ng kaba at the same time ay lungkot. Nakita ko siyang namumutla na, at namumula ang mga daliri niya.

"Kanina ka pa kasi niya tinatawagan pero hindi mo sinasagot yung tawag niya. hanggang makatulog na lang ulit siya." sabi sa akin ni Quinn, napatingin kami bagong dating at nakita namin si Felix.

"Hello sainyong dalawa..." bati sa amin ni Felix.

Nagkatinginan kaming dalawa at kita ko sa mga mata niya ang pagtataka, umiling na lang ako dahil naiinis ako sa kaniya. Kaibigan pala niya si Rustin kung ano-ano pa yung sinabi ko sa kaniya. Hindi ko alam pero nakakaramdam ako ng hiya.

"Kumusta ka na? Okay ka lang ba? Yung baby mo?' nanlaki ang mga mata ko sa tinanong niya. Napapikit na lang ako dahil ngayon ko lang naalala na nasabi ko nga pala kay Felix na buntis ako. Malamang nakwento niya na rin yun sa bestfriend niya.

"Siguro nasabi mo na sa kaniya lahat no?" Napataas ang kilay ko dapt matik ay sigurado ako na sinabi niya yun. Pero tinaas niya lang yung dalawa niyang kamay na parang wala siyang ginagawang mali.

"Panigurado akong sinabi na niyang Felix na yan sa kaibigan niya na buntis ka. Narinig ko siya eh kaya sigurado ako," sabi naman ni Quinn.

"Oo nga sinabi ko na para marealize niya yung mga dapat niyang marealize and look diba? Sinabi ko rin na kahit may sakit na siya sa puso hindi yun rason para magpaka ama siya sa magiging anak niyo ay masaya ako dahil ginawa niya ang best niya para sayo at natutuwa ako dahil nakikita naman namin na mahal na mahal ka talaga ni Rustin. Indenial lang yan kasi alam niyang galit ka sa kaniya." Huminga ako ng malalim.

"Sigurado din naman akong mahal rin ng kaibigan ko yang kaibigan mo, dahil di naman yan mabubuntis kung di niya mahal yan si Rustin kaya malakas ang kutob ko na mahal nila ang isa't-isa. Umuwi kami ng Pilipinas ng hindi yan buntis and look now? Buntis na siya at ano pa ba ang magagawa ko? Kahit naman naiinis ako sa kaniya dahil ang usapan namin ay maghiganti siya hindi niya ginawa." Umupo ako sa tabi ni Rustin at nakinig lang sa daldalan ng dalawa.

"Actually, mahal ko naman talaga si Rustin. Walang araw na hindi ko siya naisip o minahal dahil lahat ginawa ko para sa kaniya. Nung mga oras na nagkakalabuan na kami? Pinilit ko pa rin na intindihin siya, pinilit ko pa rin ang sarili ko dahil mahal ko nga siya pero mali ako. Lugi ako sa laban na ako na lang pala yung nagmamahal, pero hinayaan ko. Kasi nga mahal ko. Akala ko ayos na, pero hindi pa pala kasi itong lalaking ito inaway pa ko, akala ko gipit na talaga yung kumpanya ng pamilya nila pero hindi pala talaga kaya mas lalo akong nasaktan kasi hindi naman niya kailangan magsinungaling sa akin eh. Kasi kung kailangan ko siyang tulungan, gagawin ko pa rin kahit ako na yunh agrabyado kahit ako na yunh lugi. Ganun ko siya kamahal, pero hindi ko alam. Hindi ko rin naman siya masisisi dahil ako kasi yung klase ng tao na pinipilit ko lang yung sarili ko sa taong nakikita ko na kahit kakaunti kaya akong mahalin." hinawakan ko yung kamay ni Rustin habang naiyak, wala na ba talaga akong pagasa para sumaya ako? Dahil wala naman akong ibang gusto kundi maging masaya kasama ang mahal ko.

"Hindi mo alam kung gaano ka kamahal ng kaibigan ko, halos lahat ginawa na niya para hanapin ka ng umalis ka. Ganun ka niya kamahal, nung nasaktan ka niya at ikaw na yung humiling na maghiwalay kayo? Oo pumayag siya pero hindi mo alam yung hirap na pinagdaana niya para sayo kasi mahal na mahal ka niya. Sobra,a nag problema lang sa kaniya ay duwag siiya na sabihin sayo ang lahat at yun ang problema sa kaniya." sabi ni Felix habang ako ito tinitingnan si Rustin na mahimbing pa rin ang tulog.

"Ganun din naman si Calista sa kaniya, tandaan niyo na bago sumuko ang mga babae marami munang sinakripisyo yan para sa pagmamahalan nila kaya hindi mo masasabi na kawawa din si Rustin dahil para sa akin duwag siya. Dahil lalaki siya kung mahal niya talaga si Calista, dapat lang na ipaglaban niya si Calista dahil lalaki siya, kasi that time pinaglalaban siya ni Calista, inaantay lang naman niya si Rustin na ipaglaban din siya. Kasi sino nga namana ng sisipagin na mahalin ang lalaking walang ginawa kundi saktan ka lang diba? Kaya I expect na tulad ng mga sinabi ni Rustin ay tuparin niya, dahil itong kaibigan ko? Sobrang tanga nito, basta kay Rustin. Tanga na siya noon sa ex niya kaya proud ako sa kaniya nung nalampasan niya yung mga oras na sobrang tanga niya nung nasa Canada kami." pumatak ang mga luha ko habang nakikinig sa mga usapan nilang dalawa.

The Mafia's Favorite ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon