Calista Luna's POV
Nandito ako ngayon sa hospital at inaabangan ang resulta ng lab test ni Rustin, hindi ko alam pero kinakabahan ako. Alam kong isa din akong nurse niya at hindi ako mapakali sa mga pwedeng mangyare, sana ayos lang lahat ng lab niya dahil natatakot ako sa pwedeng kalabasan. Nandito ako ngayon sa labas at nakaupo lang ng makitang may mga grupo ng babae na paparating nagtaka naman ako dahil nagmamadali sila, saan naman kaya sila pupunta? Tiningnan ko ang orasan ko nakita kong mag mag 11 pm na ng gabi.
Pero kita ko silang nagmamadali lahat, siguro dahil na bagong pasyente lang kaya nagmamadali silang lahat. Napatingin ako sa mga nurse at doctor na nagtatakbuhan, sino kaya yung pasyente na yun. Pero ganun na lang ang gulat ko ng makita ko ang isang babaeng nakahiga sa bed at nirerevive ng mga doktor. Napatingin ako sa paligid hindi ko na napansin na dinadala na ako ng mga paa ko papunta dun sa babae. Papalapit na sana ako doon sa babae nang biglang may humila sa akin at bigla nalang ako sinampal.
"Ang kapal ng mukha mo, para sa lalaking mahal ko! Mang-aagaw ka tandaan mo yan!" nanlaki naman ang mga mata ko nang makita ko si Greze sarap ng ko. At hindi pa rin ako maka-move on sa pagsampal niya sa akin diyan nakatitig lang ako sa kanya.
At nang mabalik ako sa sarili ko hindi ko siyang sinampal, kapal ng mukha ng pagbintangan ako. Anong inagaw sa kaniya? Hindi siya mahal ng taong mahal niya. At ang lakas ng loob niyang sampalin at sugurin ako dito. Ayokong gumawa ng eksena pero namimilit siya.
"Ano bang pinagsasabi mo?! Baliw ka na ba, Greze?! Hindi ka mahal ni Rustin huwag nang ipilit ang sarili mo sa taong hindi ka mahal. Atsaka pwede ba huwag kang manggulo dito? Nanahimik kami! Kung may konti ka pang respeto sa sarili mo gamitin mo na, wala ka sa sarili mo. Kung sa tingin mo merong namamagitan sa aming dalawa, nagkakamali ka dahil walang kami. Nandito ako para tulungan siya. At saka naisip mo bang kung bakit siya nandito? Hindi ba't sa kagagawan mo!" sabi ko sa kaniya at pasigaw sabi ko sa kanya.
"Talaga ba, Calista? Bakit parang ang inosente mo naman kung makapagsalita? Hindi ba't ikaw naman ang nagloko sa inyong dalawa?! Umalis ka at ako ang nag alaga sa kaniya ng wala ka. At ang kapal ng mukha mo ngayon sisihin ako wala akong ginawa?! Ako naman talaga ang mahal niya eh, pinipilit mo yung sarili mo." Natawa naman ako sa mga sinabi ni Greze.
"Ibabalik ko sayo ang tanong kay Greze, sino nga ba talagang makapal ang mukha sa ating dalawa? Hindi ka ba malinaw sayo na ko ang hinahanap at hindi ikaw? Kung ikaw talaga ang mahal, bakit ako ang hinahanap at hindi ikaw? Pwede bang wag kang mag iskandalo sa lugar na to? Konting respeto naman sa sarili mo, maganda ka naman pero bakit pinipilit mo yung sarili mo sa taong ayaw sayo? Hindi ba't maraming nagkagusto sayo? Bakit pinipilit mo yung sarili mo sa asawa ko? Tandaan mo Greze, iisa pa rin kaming dalawa." nakita ko na may nagagalit na siya, pero kita din sa mukha niya na hindi siya magpapatalo sa kanya.
Hindi ko alam pero natawa na lang ako sa kaniya, sobrang desperada niya at ako pa ang nagmumukhang masama sa mga mata niya. Napangisi na lang ako at tinarayan siya. Kung wala nang tao sa paligid namin, kanina ko pa nabasag ang mukha niya. Pero kailangan kong magpaka propesyonal, dahil mga ganitong klase ng tao? Masyado ng mababa at hindi ko na dapat binababa ang level ko sa kaniya. Natatawa na lang ako sa mga pinaggagagawa niya, simula pa kahapon nanggugulo na siya.
Hindi ko alam kung naaawa pa siya sa sarili niya. Dahil nung nakaraan pa siya nanggugulo. China-chat at tinatawagan niya pa si Rustin kahit hindi na maganda ang lagay nito. Bago ma-comatose si Rustin, nagkausap pa kami.
"At alam mo rin na ako lang ang mahal ni Rustin pero bakit sinisiksik mo pa rin yung sarili mo? Konting respeto rin naman sa sarili. Sana bago mo sabihin sa akin eh, alam mo kung paano i-apply yun sa sarili mo. Kasi nakakahiya na ang galing mo makapagsalita, pero alam mo naman sa sarili mo madumi ka rin. Pero kung makapagsalita ka sa akin, ako lang yung mali." diretso sabi sa akin ni Greze. Tinitigan ko siya sa mga mata, kapag hindi ako nakapagpigil sa kaniya, baka isa na siya sa mga nakahiga dito sa hospital.
BINABASA MO ANG
The Mafia's Favorite Obsession
Romansa"Everything changed in one dark night." - (TMFO) Calista Luna Hermosa was just a simple registered nurse who had a big future ahead of her. A woman known for her kindness, she was also such a natural beauty that suitors lined up to court her. Howeve...